Chapter Four

1.6K 49 3
                                    

Halos mabangga na ni Liam ang isang sasakayan dahil sa mabilis na pagpapaandar ng kotse nya. Mahigpit ang hawak nya sa manibela at puno ng kaba ang dibdib nya.

Sa isang kamay nya ay hawak nya ang cellphone nya at sinusubukang tawagan ang kanyang girlfriend.

"Come on pick it up. " bulong niya.

Nilingon nya ang isang maliit na box sa katabing upuan. Napangiti sya.

Today is the day.

Mabilis nyang naipark ang sasakyan sa harapan ng isang bahay.

Muli ay tinawagan nya ang kanyang girlfriend.

Nagring iyon at sa pagkakataong yon ay sumagot na ito.

"Hey, are you home?" Tanong nya dito.

"Yes, I was about to call you-----" naputol ang sasabihin nito ng ihang up nya ang tawag dito.

Kinuha nya ang maliit na box sa katabing upuan at lumabas na ng sasakyan. Lumapit sya sa gate at nag doorbell. Agad naman syang pinagbuksan ng isang kasambahay at pinapasok.

"Is your Ma'am Nikki there?" Pag coconfirm nya.

"Yes po sir." Nakangiti nitong sagot.

Dirediretso syang pumasok at nabungaran nya ang isang babae na nakaupo sa sofa.

Nicole.

Agad syang lumapit dito at hinagkan ito. Pero umiwas ito at sa halip ay nginitian sya nito.
Hindi na nya pinansin ang tinuran nito dahil sa excitement na nararamdaman nya.

"Are your parents here?" Masaya nyang tanong.

Tumango ito pero halata sa muka nito ang pagtataka.

Saktong pababa na ang magulang at isang kapatid nito. Tumayo si Liam para humalik at magbless sa mga ito.

"Iho! Napadalaw ka." Bati ng ina ni Nicole.

"Yes tita, ang hi po tito it's a good day dont you think? " bati niya sa ama ni Nicole.

Bago pa man sya pumunta dito ay kinausap na nya ang ama ni Nicole na balak na nyang hingin ang kamay nito sakanila.

Kumindat ito sakanya at ngumiti.

"Yes Iho. Napakagandang araw." Halos hindi mawala ang ngiti nito sa labi.

Napatayo na si Nicole sa pagtataka at lumapit sakanila.

"What's happening?" Takang tanong nito.

Ngiti lang ang sagot niya dito.

"Can i borrow Nikki for a minute? " paalam nya sa mga ito.

Tumango ang mga ito at hinawakan nya sa kamay si Nicole at dinala sa garden area ng mga ito.

Nanlaki ang mga mata nito ng makita ang mga nagkalat na petals sa damuhan at maraming red roses sa paligid.

Kasabwat nya ang kapatid nitong si Lauren sa plano nya.

Hinila nya si Nicole at dinala sa gitna ng mga petals.

Ngiting ngiti ang mga magulang, kapatid at mga kasambahay sa nasasaksihan.

Akma syang luluhod ng pigilan sya ni Nicole. Napansin nyang iba ang aura ng mukha nito na para pang may gustong sabihin sakanya.

Hindi nya iyon pinansin at patuloy paring lumuhod.

Kinuha nya ang isang box na maliit mula sa bulsa at binuksan iyon sa harapan ni Nicole.

Nakangiti syang tinignan ito.

One Night With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon