Halos isang linggo na ang nakakalipas nang huling magusap si Liam at Eorai. Kinabukasan ng gabing iyon ay maaga itong pumapasok sa trabaho at sinusundo na lamang sya ni Duke sa bahay para pumasok sa trabahao.
Sa tuwing papasok sya sa opisina ay umaasa syang makikita nya doon si Liam pero bigo sya. Walang Liam na lumalapit o nagpapakita sakanya.
Meron pang pagkakataon na tinatanong sya ni Mr. Roxas at Melissa kung bakit hindi nya kasabay si Liam sa breaktime nila. Nagdadahilan na lamang sya na marami itong ginagawa at sa bahay na lamang sila nagkikita. Naniwala naman ang mga ito pero ang totoo ay balot na balot na sya ng kalungkutan. Pinapakita na lamang nta sa mga ito na wala naman dapat isipin dahil si Liam ay ang CEO ng kompanya at natural lamang dito na maging abala sa araw araw.
Habang nagpiprint si Eorai ng mga ipapasa nyang report ay nilapitan sya ni Mr. Roxas.
"Miss Martinez, oh! Mrs. MonteFalco na pala. Im sorry. Nakasanayan ko na." Natatawa nitong sabi "Can you do me a favor? I cant hold onto Mr. MonteFalco kanina pa. Kahit ang secretary nya busy sya. Kailangan mabasa at mapirmahan na nya ito ngayong araw. Ok lang ba na ikaw na ang mag abot sakanya?" Nakangiti nitong sabi.
Magandang pagkakataon ito para makita si Liam. Gusto na nya makita si Liam at kamustahin ito.
"Ok sir." Nakangiti nyang sagot kay Mr. Roxas at inabot ang folder na hawak nito.
Tumayo sya sa desk nya at mabilis na naglakad papuntang elevator. Nang bumukas na ang pinto ng elevator ay agad syang pumasok. Sa loob ay inayos nya ang sarili at tinignan ang repleksyon sa gilid ng elevator.
Nang makarating sa 6th floor ay naabutan nya ang secretary ni Liam na abala sa pagtatype sa computer nito.
Lumapit sya dito. Nagulat ito ng makita sya. Napakunot ang noo nya.
"Mrs. MonteFalco! Ano pong ginagawa nyo dito?" Namumutla ito.
Nagtaka sya sa itsura nito.
"May ibibigay lang ako kay Liam. Kailangan na kasi nya itong mabasa at mapirmahan. Urgent." Nakangiti nyang sabi dito.
Napalunok ito.
"M-may kausap lang po si Sir. Hintayin nyo na lamang sya." Parang wala sa sariling sagot nito sakanya.
Nagtataka sya sa kinikilos nito pero hinayaan nya na lang. Naupo sya sa sofa na malapit sa pinto ng opisina ni Liam. Napansin nyang di mapakali ang secretary ni Liam.
Narnig nyang may nagsasalitang babae malapit sa pinto ng opisina ni Liam. Marahil ito ang kausap ni Liam. Mukhang lalabas na ito dahil naririnig na nya paunti unti ang boses ng kausap ni Liam.
Nang bumukas ang pinto ay tumayo na sya.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Eorai sa nakita. Niyakap ng isang babae si Liam at hinalikan ito sa labi. Napahigpit ang hawak nya sa folder na hawak. Para syang matutumba pero pinilit nya ang sarili na tumayo ng maayos.
Nakita nya si Liam na nagulat na nakita sya. Napalunok si Eorai. Humarap ang babaeng yumakap at humalik kay Liam. Napakaganda nito at napaka sexy. Mukhang mayaman din ito kagaya ni Liam. Napaka sopisktakada nito at magandang manamit. Namumula ang mga labi nito dahil sa red lipstick na suot nito. Tumingin ito sa dereksyon kung saan nakatingin si Liam. Napatingin din ang babae sakanya.
Nginitian sya nito.
"Hi, sorry for taking this long. I'll go ahead." Malambing nitong sabi sakanya.
Napatanga sya. Pati boses nito ay maganda rin. Dumaan ito sa harapan nya at naamoy nya ang mukhang mamahalin nitong pabango.
Lumapit ito sa secretary ni Liam.
BINABASA MO ANG
One Night With A Stranger
RomanceAt the age 28, Hindi maitago ni Eorai na isa sya sa mga babaeng sawi sa pagibig. Dagdag pa ang mga bully nyang kaopisina na nagsasabing kahit magbayad sya ng lalaki ay walang papatol sakanya dahil sa itsura nya. So desperately sumama sya sa mga kaop...