Nakatulala si Eorai habang nakatingin sa harapan ng computer nya. Malalim ang iniisip nya. Para bang wala syang ganang magtrabaho ng araw na iyon. Pakiramdam nya ay magkakasakit sya.
Naalala nya ang nangyari sakanila kagabi ni Liam. Muli nyang naalala ang reaksyon nito sa sinabi nya. Pagkatapos syang angkinin nito ay nagpunta sya sa banyo para dun ibuhos ang luha. Ayaw nya ipakita kay Liam na umiiyak sya. Pagkalabas nya ay wala na si Liam. Narinig nya mula sa labas na umalis ito lulan ng kotse nito.
Hindi umuwi si Liam ng gabing iyon. Hinintay ni Eorai si Liam makauwi pero umaga na ay wala pa rin ito. Magisa syang pumasok sa trabaho. Magkahalong lungkot at nasasaktan sya sa nangyayari sakanila ni Liam.
Nagulat sya ng bigla syang kalabitin ni Melissa.
"Friend? Ok ka lang ba? Kanina ka pa tulala. Nung pumasok ka kanina parang ang tamlay tamlay mo. May problema ba?" Pagaalala ni Melissa sakanya.
Tinignan nya ito. Gusto nyang sabihin dito ang lahat pero iniisip nya si Liam. Nginitian nya ito bahagya.
"Ok lang ako. Medyo pagod lang. Diba may report pa tayong ipapasa. Marami rami yon kaya eto medyo stress." Pagdadahilan nya.
Tumango ito at napasimangot.
"Oo nga eh. Hindi ko alam bakit sa atin napunta tong report na ito. Hindi naman natin ito trabaho dapat sina Miss Precious ang gumagawa nito." Angal nito.
Tinapik nya ito sa balikat.
"Hayaan mo na. Baka marami rin silang ginagawa." Sabi nya sa kaibigan.
Binalik nya ang tingin sa computer. Hindi nya masabi ang totoo sa kaibigan. Kahapon nya pa tapos ang report pero ito ang dinahilan nya sa kaibigan. Ayaw na nyang madamay si Melissa sa kung anong nangyayari sakanila ni Liam at ayaw rin nyang mapasama si Liam sa paningin ng kaibigan.
Napabuntong hininga sya. Hindi nya maintindihan ang sarili. Magkahalong lungkot at nasasaktan ang damdamin nya. Gusto nyang sabihin sa sarili na hindi nya kailangan masaktan dahil sa una palang ay wala ng pagasa sakanila ni Liam. Wala syang karapatang masaktan dahil alam nyang sa simula palang ay hindi kanya si Liam.
Lunch break na pero walang Liam na sumundo o naggapatawag sakanya. Nagpasya na lamang sya na sumabay kay Melissa. At muli ay nagdahilan na naman sya kung bakit hindi si Liam ang kasama nya.
Inaya sya ni Melissa kumain sa paborito nitong restaurant. Gusto sya nitong itreat dahil matagal na daw silang nakakapagbonding. Sumama sya rito para malibang.
Nakarating sila sa restaurant na binibida nito. Namangha sya sa ganda ng lugar. Napakaganda ng lugar at maganda ang ambiance nito. Pumwesto sila sa labas dahil mas presko doon. Nakaramdam sya ng ginhawa sa lugar na iyon. Sobrang narelax sya dahil sa napakaraming bulaklak na nakapaligid sakanila. Umorder na si Melissa. Ito na ang nagpasya kung anong kakainin nila.
Napawow sya ng iserve na ng waiter order nila. Steak lamang iyon pero mukhang sobrang sarap dahil sa plating nito. Nagsimula na silang kumain. Masaya silang nagkwentuhan. Nakalimot si Eorai sa lungkot na nararamdaman.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpasya na silang umuwi. Nakaramdam sya na naiihi. Kaya nagpaalam sya muna sa kaibigan. Sinabi nito na sa harapan na lamang sya niti hihintayin habang nagbubook ng grab taxi.
Agad syang nagtanong sa crew doon kung saan ang cr. Tinuro nito sakanya na sa may bandang dulo ang cr. Mabilis nyang tinungo iyon.
Pagkatapos nya mag cr ay agad syang naglakad palabas pero naagaw ng pansin nya ang isang pwesto ng restaurant kung saan mas maraming bulaklak at pailaw sa pwesto na yon. Lumapit sa sa pinakadulong pwesto ng restaurant. Namangha sya sa nakita. Mas maganda ang pwestong iyon kesa sa pwestong napili nila kanina. Nahagip ng mga mata nya ang dalawang tao sa may gilid.
BINABASA MO ANG
One Night With A Stranger
RomansaAt the age 28, Hindi maitago ni Eorai na isa sya sa mga babaeng sawi sa pagibig. Dagdag pa ang mga bully nyang kaopisina na nagsasabing kahit magbayad sya ng lalaki ay walang papatol sakanya dahil sa itsura nya. So desperately sumama sya sa mga kaop...