Pinagmamasdan ni Eorai ang repleksyon ng sarili sa salamin na nasa harapan nya. Tinignan nya ang sarili mula ulo hanggang paa. Hindi sya makapaniwala sa nakikita.
She's wearing a white wedding gown. Her wedding gown. Off-shoulder ito na na may mahabang manggas. Pinili ito ng ina ni Liam na si Mrs. MonteFalco. Sinabi nito na bagay ang ganitong cut sakanya para hindi mapansin ang malaman nyang katawan at maging confident sya sa kanilang kasal.
Hinawakan nya ang mukha. Parang di nya nakilala ang sarili dahil sa make-up nya. Naghire ang ina ni Liam ng isang tanyang na make-up artist para ayusan sya. Pinabilhan din sya ng ina nito ng contact lenses para hindi na sya magsasalamin pa.
Nakalugay ang mahaba nyang buhok at nababalutan ito ng mga fresh red and white roses na may belo. Ang hawak nyang bouquet ay kapareho ng nasa belo nya. Lahat ng bulaklak at galing sa hardin ni Mrs. MonteFalco.
"Ang ganda ganda mo anak!" Bulaslas ng ina nyang si Aling Rita. Naiiyak itong lumpit sakanya.
Nginitian nya ang ina at niyakap.
"Huwag ka ng umiyak ma, mabubura yang make-up mo sige ka." Biro nya sa ina.
Pinahid nito ang luha at inayos ang sarili.
"Masaya lang ako anak na makita kang ganyan. Napakaganda mo." Nakatawang sabi nito.
Pumasok ang kanyang ama na si Mang Ernest sa silid na tinutuluyan niya na nagulat rin ng makita sya.
"Aba'y kaganda ng anak ko ah! Manang mana talaga sa ina." Nakangiti nitong sabi na tila naluluha rin.
Niyakap nya rin ang ama. Pinunasan nya ang nangingilid na luha nito. Hinawakan ng kanyang ama ang kamay niya.
"Ako ay masaya at nakatagpo ka ng lalaking poprotektahan ka at mamahalin ka anak. Tiwala ako kay Liam na hindi ka nya sasaktan." Nakangiting sabi sakanya ng ama.
Nabalot ng kalungkutan ang dibdib ni Eorai. Kung alam lamang ng mga magulang nya ang totoong dahilan bakit sya pinakasalan ni Liam. Na isang taon lamang ang itatagal ng pagsasama nila. Masakit mang isipin pero lahat ng mga ito at mga ngiti ng mga magulang nya ay panandalian lang.
Niyakap nya muli ang ama ng mahigpit.
Im sorry papa.
Nasabi nya sa sarili. Pinigilan nyang umiyak dahil baka masira ang makeup niya. Mayroon pa silang photo shoot kasama ang mga magulang at kapatid nya.
Naabutan sila ng ganoong posisyon ng dalawa nyang kapatid at isang photographer. Niyakap sya ng mga kapatid nya. Sinabi ng photographer na magsisimula na sila sa pagshoot.
Sa bawat kuha saknila ay masasayang mukha ang makikita sa bawat isa. Lalo ang kanyang mga magulang. Gustong namnamin ni Eorai ang sandaling ito. Kahit lahat ng ito ay pagpapanggap lamang ay gusto nyang isipin ng ito ay totoo at sila ay masaya. Binigay nya ang pinaka maganda nyang ngiti.
Natapos ang photoshoot nila ay saktong pumasok sa loob ng silid ang wedding coordinator nila. Sinabi nito na magsisimula na ang seremonyas at kailangan na nilang lumabas.
Tinulungan sya ng mga assistants ng wedding coordinator nila nahawakan ang gown nya at inlalayan syang lumabas sa silid na tinutuluyan nila.
Sa isang cottage sa loob ng farm ng mga MonteFalco sila tumuloy at nagprepare para sa ayusan sya. Si Liam naman ay sa mansyon tumuloy bilang respeto at pagsunod sa pamahiin ng mga magulang nya.
"Ang ganda ganda nyo ma'am. Pangarap ko din ito ang ikasal." Puri sakanya ng isa sa mga assistant.
Nginitian nya ito at nagpasalamat.
BINABASA MO ANG
One Night With A Stranger
RomanceAt the age 28, Hindi maitago ni Eorai na isa sya sa mga babaeng sawi sa pagibig. Dagdag pa ang mga bully nyang kaopisina na nagsasabing kahit magbayad sya ng lalaki ay walang papatol sakanya dahil sa itsura nya. So desperately sumama sya sa mga kaop...