Kabanata 3

62 10 0
                                    

Kabanata 3: Becoming a Hunter

Isang napakadilim na lugar ang kaniyang nakita hindi niya maiwasang makaramdam ng takot at pagkabalisa dahil sa nangyayari. Muli niyang ipinikit ang kaniyang mga nata upang bumalik sa realidad ngunit isang nakakasilaw na liwanag ang nagpamulat sa kaniya.

Ilang sandali lamang tumagal ang nakakasilaw na liwanag na iyon dahilan upang makita niya ng lubusan mga naglalakihang nilalang na hindi niya malaman o matukoy kung sino ang mga ito. Hindi pamilyar ang mga mukha ng mga ito at hindi rin ito nabanggit sa mga klase nila.

Napakarami ng mga ito at ang mas nagpakuha ng kaniyang atensyon ay ang isang nilalang na nasa pinakatuktok nakaupo. May dalawang lalaki ang nakatayo sa magkabilaan nito habang ang mga baitang ng hagdan ay napapalibutan ng mga para bang onight ng isang bansa.

Mayroon ding mga nakapalibot sa buong lugar nanaglalakihang mga pigira na may mga suot na ibat ibang uri at wangis ng mga korona na nagbigay sa kaniya ng kaunting pagkakilanlan sa mga ito.

"Bata ano ang nais mong hiligin mula sa amin? Maaari bang isipin mo ito." Tumango siya at pumikit at ilang sandali pa ay nagkatinginan ang mga ito na para bang nagkaintindihan na sila kung ano ang balak nilang mangyari.

May isang napakalaking eksena ang bumungad sa kanipang harapan at doon nila nakikita ang pinagdaanan ng binatang nasa kanilang harapan kung gaano ito naghirap upang manatioing buhay sa kabila ng malupit na kapalaran.

"Simula sa oras na ito ano man ang kakayahan na iyong makuha ay sana ito ay iyong gamitin sa kabutihan at tuluyang wakasan ang kasamaan." Hindi niya na alam kung ano ang nangyayarigunit may kung ano ang nagsasalita sa kaniyang isipan ng kung ano ano. Ilang minuto ang itinagal nito bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Isang malakas na iyak ang kaniyang narinig nais man niyang buksan ang mga mata niya ngunit hindi niya magawa dahil sa pagabsorb ng katawan niya sa  kaniyang nakuhang kakayahan. Pamilyar ang boses ng iyak na ito kaya hindi niya maiwasang matuwa dahil muli niyang makakasama ang pamilyang minamahal.

Ilang linggo din ang lumipas bago niya tuluyang naimulat ang kaniyang mga mata at doon niya nakita ang pamilyang natutulog sa isang tabi. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi bago tumayo ng dahan dahan upang hindi magising ang inang natutulog sa kaniyang tabi.

Dumiretso siya sa excercise center ng ospital at doon nagsimulang magsanay ng katawan. Kailangan niyang magsimula sa pinakasimula upang maging isang malakas na hunter at mabigyan ng isang titulo gaya ng unang hunter sa mundo na kilala bilang " The Protector." Dahil siya ang unang nagligtas at nagprotekta sa mga tao.

Isang ginang ang nakangiti habang nakatingin sa anak. Kanina pa siya gising ngunit hindi niya ipinaalam rito upang makita kung ano ang balak nitong gawin sa kakayahang nakuha. Wala siyang masabi sa dedication ng anak kahit na maraming mga masasakit na salita ang binitawan ng karamihan sa kaniya.

"Ma, kailangan na naming bumalik sa guild mayroon pa kameng mga missions na gagawin." Tumango siya sa mga ito. Sanay na siyang nangyayari ito kaya hindi na siya nanibago pa dahil maging sila din naman noong kabataan nila ay ganito ka busy ang mga baguhang hunter. Bago pa tuluyang umalis ang tatlo ay napatingin pa ang mga ito sa kapatid na ngayon ay seryosong nag eensayo ng katawan.

Ilang oras pa ang lumipas bago napagpasyahan ng binata na bumalik na sa silid na kaniyang inookupa. Basang basa siya ng pawis ngunit hindi naman siya na ngangamoy tulad ng sa iba sa hindi niya malamang dahilan. Amoy bulaklak ang amoy niya sa hindi malamang dahilan maging ang mga nakakasalubong niya ay hindi maiwasang amuyin siya na agad niyang ikinahiya dahilan upang tumakbo siya ng mabilis palayo sa mga ito.

Nang siya ay makarating sa silid ay naabutan niya ang kaniyang ina na inaayos ang mga damit niya sa isang bag na may kalumaan na. Hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng kirot sa puso dahil rito. Matagal ng mga hunters ang pamilya niya ngunit dahil nga hindi naman gaanong kalakasan ang mga ito ay hindi gaaning kalaki ang kinikita nila sa mga dungeon na kanilang pinapasukan.

"Judy, nandiyan ka na pala. Magbihis ka na at ng tayo ay makapunta na sa ating bagong bahay." Napakunot ang noo niya dahil sa narinig hindi niya alam ang tungkol sa bahay na sinasabi ng kaniyang ina. "Hindi na namin na sabi sa iyo ang tungkol sa bahay na pinagawa namin ng iyong mga kapatid. Wala din sa isip namin na sa ganitong pagkakataon mo pa malalaman ang tungkol sa bagay na ito." Imbes na makaramdam ng inis o galit dahil sa itinago sa kaniya ito ng lahat ay mas nangibabawang sayadahil kahit papaano ay may naipundar na ang pamilya niya mula sa mga kinikita ng mga ito.

"Wala naman po sa aking problema iyon. Sige po maglilinis lang po ako ng aking sarili." Ngumiti at tumango sa kaniya ito bago siya tuluyang pumasok sa isang  pinto kung saan naroroon ang cr. Hindi ito gaanong kalakihan ngunit hindi naman din  kaliitan tama lang siya para sa isang tao.

Isang mahabang lamesa na may nagkikintabang mga stones sa palibot nito at mya mga upuang gawa sa ginto ang sumalubong sa lahat matapos dumating sa lugar kung saan isasagawa ang pagpupulong na mismong presidente ng bansa ang imbita sa ibat ibang guild master ng bansa.

"Ngayong naririto na kayo hindi ko na kailangan pang magpakilala dahil kilala naman na natin ang isa kaya didiretso na agad tayo sa ating pinaka dapat na pagusapan." Kita nila ang seryosong mukha nito ngunit napapansin din nila ang pagkabahala dahil sa nangyayaring sitwasyon ngayon na maging sila ay hindi matukoy kung ano ang nangyayari. Sa labinlimang na sa loob ng silid tatlo lamang sa mga ito ang tanging A-class hunter habang ang iba ay S-class hunter maging ang presidente.

Tumingin muna siya sa mga ito bago muling itinuloy ang pagsasalita. "Sa ngayon ang portal na namumuo sa Etherial tieds Sea ay higit na mas malakas kumpara sa S-rank na meroon ang ating bansa." Lahat ay napatayo dahil sa mga binitawan nitong salita hindi magandang biro ang sinasabi nito dahil maaaring mapahamak ang bansa, maging ang iba pang bansa kung totoo ang sinasabi nito. "Alam kong magulat din kayo sa aking mga sinasabi ngunit lahat ng ito ay may matibay na ebidensya na mismong magagaling na tauhan ko na ang gumawa na. Ilang beses na rin nawasak ang mga S-rank portal detector natin na ang ibig sabihin lang lumagpas na sa S-rank ang portal na iyon at ito ang kauna unahang beses na mangyayari ito simula ng magbago ang takbo ng mundo." Napatahimik ang lahat dahil sa sinabi niya. Wala na silang masabi pa dahil malaking ebidensya na ang pagkawasak ng mga S-rank portal detector para mapatunayan ang sinasabi nito.

Napalingon ang lahat sa isang babae na may suot na kulay pulang dress na bumabagay sa kulay nito. "Anong balak mong gawin? Hindi mo naman kame ipapatawag dito ng biglaan ng wala kang ipapagawa sa amin." Isa ito sa pinakamalakas sa lahat ng nasa loob bukod sa president, ito ay si Gaia stoneheart ang guild master ng earthguard protectors. Isa siyang S-class hunter at na sa level 90 na siya.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago." Ito na pamang ang na sabi ng president. "Tama ka hindi ko kayo pinapunta dito para lamang ibalita sa inyo ang tungkol sa bagay na iyon. Nais kong ang limang S-class hunter na pumasok sa loob ng portal na iyon ng sa ganoon ay magkaroon pa tayo ng kaalaman sa kung anong klaseng munod ang na sa likod ng portal na iyon." Isang napakalakasna hampas sa lamesa ang nagpaguoat sa lahat.

Napalingon ang lahat kay Victor Blood reaper na guild master ng crmison blade. Isang S-class hunted at level 90. Minsan lamang ito magpakita sa pagpupulong ngunit kung magpakita man ito ay siguradong tatagal ang usapan dahil sa dami nitong pinupuna. "Ang ibig mong sabihin lima sa loob ng kwartong ito ang papasok sa portal na hindi naman natin alam kung anong peligro ang maaaring sumalubong doon? At sa labing limang na sa kwarto na ito apat na agad ang hindi kwalipikadong gawin ang mission na ito kabilang ka na doon president. Sa tingin mo ba makakabalik kame ng buhay kung papasok kame doon?." Lahat ay napayuko at napahinto dahil lahat ng lumalabas sa bibig nito ay may punto na hindi dapat palampasin.
  

The Judge's Awakening: From Struggle to Strength (Book 1)Where stories live. Discover now