Kabanata 2: Empowerment Catalyst
Isang napakaliwanag na lugar ang bumungad sa mukha ng binata, iilang mga kakaibang uri ng halaman at mga nilalang ang nakikita niya ngunit hindi gumagawa ito ng kahit na ano para atakihin siya.
Paraiso kung ito ay tatawagin niya at ramdam niya rin ang malakas na enerhiya na meroon ang lugar na kinaroroonan niya. Dahan dahan siyang tumayo at naglakad lakad habang tinatandaan ang bawat detalyeng nakikita niya sa paligid.
"Mabuti at gising ka na, Judy." Nakaramdam ng gulat at takotsijudyng maramdaman ang malakas na enerhiya mula sa kaniyang likuran ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay hindi siya napaluhod dahil sa lakasng aura nito bagkos mas nakaramdam pa siya ng kagihawaan dahil rito.
Lumingon siya rito at nakita noya ang isang taong akala nila ay matagal ng patay. Ang taong kauna-unahang lumigtas sa napakaraming buhay kasama ang ibang pang kasama nito na panatilihing ligtas ang mundo.
"Muohang hindi na namin kailangan pang ipakilala ang aming mga sarili dahil ngayon pa lamang ay alam kong kilala mo na kame." Isang tango ang ibinigay niya sa mga ito at ilang sandali lamang ay may mga upuan at lamesa ang lumitaw sa kanilang harapan at niyaya siya ng mga ito na maupo.
"Kung inyo pong mararapatin ano pong kailangan niyo sa akin? Dito na po ba ang langit?." Isang tawa ang lumabas sa bibig ng mga ito at hindi niya maiwasang magtaka dahil wala namang nakakatawa sa kaniyang sinabi.
"Hindi ka pa patay, Judy. Kaya mo kame nakakausap ngayon dahil ito ang iniwan naming parte ng aming kaluluwa at naghihintay na lamang kame sa taong may busilak na puso at kayang ibuwis ang buhay para sa iba, at ang taong iyon ay walang iba kundi-ikaw." Matapos marinig ang sinabi ng mga ito ay siya naman ang tumawa kaya hindi mapigilan ng mga ito na magtaka.
"Hindi ko po akalaing magaling po pala kayo magpatawa. Sana nga po totoo po ang sinasabi ninyo ngunitalam ko pong hindi iyon mangyayari dahil wala naman poakong kakayahan tulad ng iba." Doon nila na kumpira ang hinala nila. Kaya pala wala silang nararamdaman na kakaiba sa enerhiya nito.
"Huwag kang mag-alala may paraan kame upang magkaroon ka ng kakayahan at matagal na namin itong inaasahan. Dahil simula ng magbago ang takbo ng mundo ay marami ng mga tao ang nais na magkaroon ng kakayahan upang magamit sa kanilang pansariling kagustuhan." Isang tango ang ibinigay niya sa mga itodahil iyon din ang napansin niya. Isang imahe ng babae ang naalala niya bago pa man siya mawalan ng malay at ang babaeng iyon ay katabi ng captain ng isang guild nakita niya ang luha sa muiha nito.
"Tama po kayo. Bago niyo pa man po ako mapunta rito ay isang kaganapan po ang nangyayari sa ating mundo. Isang napakalaking portal po ang bigla na lamang namumuo sa gitna ng dagat at ibat ibang uri ng nilalang na nasa tubig ang bigla na lamang lumalabas roon kasama na ang malakas na enerhiya mula samundong kanilang pinanggalingan." Lahat ay napatayo dahil sa sinabi niya. Ito ang kaunaunahang beses na makita niyang ganito kabalisa ang mga ito simula ng magkita sila.
Tumingin muna siya sa mga ito bago muling nagsalita. "Hindi ko malaman sa gobyerno kung bakit isang grupo na mula sa Ironclad Legion lamang ang ipinadala nila at baguhan pa lamang ang mga ito. Marami ang namatay ngunit huli na dumating ang tulong." Kita niya ang galit sa mga mata ng mga ito. Di niya din naman maiwasan iyon dahil nakita niya kung gaano kalayo ang agwat niya at ng mga hunters.
"Hindi ko akalaing ang hinala namin ay mangyayari na talaga." Nais niyang magtanong ngunit na natili na lamang siyang tahimik upang hindi maistorbo ang mga ito sa paguusap. "Di ko akalaing ang isa sa mga pangitain noon ay totoo. Hindi ito maaaring magpatuloy dahil ano mang oras ay maaaring masira ang mundo." Kilala niya ang babaeng ito dahil siya lang naman ang kaisa isang hunter na babae sa grupo nuon at siya din ang tanging may kakayahan na makita ang mangyayari sa hinaharap,kasalukuyan o kahit nakaraan.
"Isa ito sa mga pangitain mo na maaaring kaharapin ng mundo. Akala namin ng una ay hindi ito mangyayari ngunit mukhang isa isa ng mangyayari ang mga pangitain mo noon ngunit hindi nga lang sa panahon natin." Doon na niya nakumpirma na isa nga ito sa mga maaaring mangyari ngunit walang naniwala sa kaniya. "Hindi ito ang dapat nating pag-usapan dahil may mga bagay na hindi maaaring marinig mula sa ating bibig. Ang kailangan nating gawin ngayon ay iproseso ang gagamitin natin upang maging isang awakened ang binatang ito." Muli silang napalingon sa binata na ngayon ay taimtim na naghihintay sa kanila.
Wala itong ginawa kundi ang manood sa pinagkakaabalahan ng mga ito na unang beses niya lang din makita sa buong buhay niya. Alam niyang may kakaiba sa mga ito ngunit hindi niya itomasyadong pinagtuunan ng pansin ang mas nakaagaw ng atensyon niya ay ang paraan na ginagawa ng mga ito upang magamit ang bagay na iyon.
"Ang tawag sa bagay na iyan ay Empowerment Catalyst na isa saga nakuha namin sa huli naming S-rank dungeon na pinuntahan kung hindi mo alam ang dungeon ay iyon ay walang iba kung hindi ang mga portal na biglang sumusulpot at upang mawala ang mga ito ay kailangan ninyong patayin ang pinuno nito." Napalingon siya sa nagsalita at ng makilala kung sino ito ay tumango na lamang siya at seryosong tumingin muli sa ginagawa ng mga ito.
"Sa dami ng mga kakaibang bagay na iyong nakikita hindi man lamang kita nakitang kumuha o nagtago man lang ng mga ito." Isang iling ang ibigay niya rito ng mabilis. "Alam ko na kung bakit ikaw ang napili ng bagay na iyon. Ano man ang makuha mo ay nais kong gamitin mo ito sa tama at huwag mong subukan na gamitin ito upang makapanakit ng mga inosenteng tao." Isang ngiti ang ibinigay niya rito.
"Huwag po kayong mag-alala wala po akong balak na gawin ang mga ganoong bagay. Isa lang naman po ang nais kong mangyari at iyon po ang maging isang hunter tulad ng iba. Yung nakakapag level-up ka kasama ng mga kaibigan mo na never kong naranasan." Isang ngiti ang sumilay sa labi niya habang nakatingin muli doon sa ginagawa ng mga ito. Nakita niyang tapos na ang mga ito at sinenyasan siyang lumapit na agad naman niyang ginawa.
Hindi niya alam kung anong klaseng pagsubok ang kaniyang kahaharapin ngunit hindi ito naging dahilan upang mawalan siya ng pag-asa mas binigyan pa siya nito ng dahilan upang magkaroon ng determinasyon na lumaban upang makabalik siya sa mga mahal niya sa buhay na naghihintay sa kaniyang pagbalik.
"Hawakan mo ang bilog na ito at pumikit ka at hilingin mo ang nais mo na mangyari at ikaw ng bahala kung magagawa mo ba ang ninanais mo." Hindi na siya nakapagsalita pa dahil bigla na lamang ang mga itong nawala at pumasok sa loob ng bolang na sa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung bakit pumasok ang mga ito doon ngunit hindi niya na ito pinagtuunan ng pansin at ginawa na lamang ang sinasabi ng mga ito.
YOU ARE READING
The Judge's Awakening: From Struggle to Strength (Book 1)
FantasyIn the gripping tale of "The Judge," we follow the journey of a young man who has known nothing but struggle and hardship in his life. Born into a poor family, he witnesses his parents, both hunters, toil day and night to make ends meet. However, th...