Kabanata 20

6 1 0
                                    

Kabanata 20: The Gate Guardian

Caleb P.O.V.
Hindi ko mapigilang hindi kabahan ng sinabi sa akin ni Judy na ako na ang bahala sa tatlong  ito, hindi ko lam kung magagawa ko silang ma protektahan ng sabay. Napalingon ako sa kanilang tatlo na sabay sabay na tumakbo sa ibat ibang direction dahilan upang maagaw ng mga ito ang atensyon ng mga beast at ilang sandali nga lanag ay naramdaman ko na ang pag-yanig sa tinatapakan namin ngunit hindi ko napansin na nabahala ang tatlo bagkus ay ipinagpatuloy ng mg ito ang kanilang giangawang pag-atake.

"Injunction Field." Nung una ay hindi ko alam kung anong atake ang kaniyang ginagawa ngunit ng lumipas aynakita ko kung paano hidni magawang makakilos ng mga angler fish sa katubigan at kita ko ang pamumula lalo ng mg matnito sa galit.

"Sword of Justice." Isangespada ang inilabas niya na nababalot ng enerhiya at ilang sandali lamang ay mas lalo akong humanga ng makita ko kung gaano ka pulido at kabilis ang kilos nito. Lahat ng madadaanan niya ay humihiwalay ang mga ulo at tumatalsik sa kung saan. "Immutable Chains." Kita ko ang paglabas ng mga kadena sa palad niya at doon ko nakita kung gaano kalakas ang top guardian ng Elysium Peak.

Ang mga skills na ginamit niya ay hindi maikakailang isa sa mga malakas na nakita ko. Kita ko ang galit sa mata ng giant fire turtle ng pumulupot sa kanila ang mga ito, pansin ko ang pilit na pagpupumiglas ng mga ito ngunit hindi nila magawa dahil hinihigop ng kadena ang enerhiya nila at makalipas lamang ang ilang sandali ay doon ko nakita kung paano unti unting nawalan ng mga buhay ito.

Akala ko ay hihinto na ito ngunit nagkamali ako dahil lnaglalakad ito sa tubig at seryosong nakatingin rito at hindi ko alam kun ganong balak niya.

Napunta ang tingin ko ay Nadia na ngayon ay palapit na sa mga Coral Golem at hindi lamang ito isa kundi anim ang mga ito at lahat ito ay A-rank beast. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi kabahan habang nakatingin sa kaniya. "Shadow Veil." Kitang kita ko kung paano na balutan ng cloak ang katawan niya at ilang sandali lamang ay hidni ko na ito na kita pa kaya balak ko na sanang ilibot ang aking paningin ng makita ko kung paano nagbagsakan ang mga jto ng hindi man lamang nakalaban at doon ko nakita si Nadia na seryoso lamang na nakagingin sa akin.

Nilipat ko ang tingin ko kay Aria na ngayon ay hawak ang libro at umiilaw ang mga mata nito gaya ng libro. Kaharap nito ngayon sa tubig ang grupo ng mga Electric Giant Eel. "Fire turnado." Gulat at hindi ako makapaniwala ng bigla na lamang lumabas sa kamay ni Aria ang apoy at kitang kita ko kung paano tinupok ng apoy ang mga ito akala ko ay hihinto na ito sa kaniyang atake ngunit hindi pala.

"Wind slash." Kita ko ang mga namumuong hangin na kumukurba na para bang isang atake mula sa espada at walang sabing tumungo ang mga ito sa lugar na tinutupok pa ng apoy. Ilang sandali pa ay tuluyan ng nawala ang apoy at doon ko nakita ang sunog sunog na katawan ng mga ito ang iba naman ay puno ng hiwa.

Ilang sandali pa aymuling yumanig ang kalupaan adahilan upang ma-alerto ako.  "Shield of Redemption." Namuo ang endrhiya ako at agad na gumawa ng harang para sa aming apat isa ito sa kakayahan ko kaya nitong tumanggap ng atake ng hindi ako nasasaktan ngunit malaki ang na coconsume nitong enerhiya kaya hindi ko ito maaaring magamit ng madalas.

"Vigilant Guardian." Matapos ko iyong bigkasin ay mas lalong lumakas ang aking mga senses at agad akong napaupo ng maramdaman ko ang bagay na iyon. "Judy." Isang sigaw lamang ang ginawa ko ng panahon na iyon at kita ko ang pagtataka sa tingin na ibinibigay nito sa akin. "Isang Giant Crystal Kraken ang patungo sa kinaroroonan mo." Para bang bumagal ang takbo ng oras ng isa isang nagsulputan sa harapan ni Judy ang mga galamay nito.

Walang sabing tumilapon si Judy dahil sa lakas ng hampas nito agad kong sinilip ang kinaroroonan niya atdoon ko nakita itong pilit na tumatayo habang sumusuka ng dugo. "Judy." Rinig ko din ang sigaw ng dalawa ng masaksihan nag nabgyari kay Judy. Napalingon ako sa dalawang taong binabantayan ko at hanggang ngayon ay pansin kong hindi pa din ito mga matatapos sa kanilang ginagawa.

"Guardian Resiliance." Isa ito sa kakayahan kong palakasin ang pangangatawan ko at gamitin bilang harang sa parating na atake. Wala na akong maisip ng mga oras na iyon ng makita ko muli ang paggalaw ng mga galamay at agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Judy. 

Konti na lang konti na lang ay mararating ko na ang kinaroronan niya. Di pa man ako nakakaayos ng tayo sa harapan ni Judy ay naramdaman ko na agad amg malakas na pwersang tumama sa akin. Ramdam kong nadurog ang ilang part ng ribs ko dahil sa hidni ako handa.

Mabilis kong hinawakan ang dalawang galamay nito at agad kong piniga ang mga ito ngunit hindi ko akalaing may mga crystals itong nakahanda dahilan upang tumagos ang mga ito sz aking buong kamay.

Hindi ko naramdaman ang sakit dahil namanhindi ito agad ngunit imbes na ihinto ko ang aking ginagawa ay mas hinigpitan ko pa ang pag-hawak dito. "Nadia." Isang malakas na sigaw ang aking ginawa  at ilang sandali lamang ay naramdan ko ng hindi na ito pumipiglas at doon ko nakita si Nadia na ngayon ay seryosong nakayingin sa mga braso at bandang ribs ko.

Ngingiti na sana ako ng bigla na lamang manlaki ang aking mga mata dahil sa kaing na saksihan at bago pa man ako makapag-isip ay kusa ng kumilos ang aking katawan at mabilis na itinulak si Nadia na gulatdin sa nangyayari.

Napahiyaw na lamang ako sa sakit dahil sa pagtama ko sa dingding at ramdam ko din ang pag kadurog ng aking mga buto. Nakakaramdam na din ako ng hina dahil ipinagpapatuloy ko pa din ang pagprotekta sa dalawa.

Napansin ko din si Aria na nakatingin sa akin habang binibigyan ng paunang lunas si Judy na ngayon ay nakatingin sa akin. Isang ngiti ang ibinigay ko sa kaniya bago ko muli ibinalik ang tingin kay Nadia na ngayon ay mag-isang kinakalaban ang Giant Crystal Kraken.

Higit pa sa S-rank beast ito at aiguradong hindi magiging madali ang laban namin kahit mag tulong tulong kameng lahat. "Guardian's Resiliance." Sa tulong nito ay magagawa kong bigyan ng tulong si Nadia habang ginagamot pa ni Aria si Judy.

"Sa ilalim, Nadia." Dahil sa sigaw ko ay agad na tumalon si Nadia pa itaas at doon ko nakita ang isang matalim na galamay nito na gawa sa crystal. Dahil sa patuloy kong paggamit ng enerhiya ay mas lalo akong nanghihina ngunit hindi ko magawang tanggalan ng harang ang tatlong iyon.

Hindi nila magagawang protektahan ang sarili nila kung sakaling may panganib na padating. Napasuka ako muli ng dugo dahil sa sakit ng mga tinamo ko, dahan dahan akong naupo sa isang tabi at pinipilit kong hindi mawalan ng malay dahil kailangan pa ni Nadia ang tulong ko.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagtabi ni Aria sa akin na may pangamba sa mukha. "8 ribs ang bali at maging ang mga buto mo sa braso at likod at kanang binti ay bali. Hindi ko akalaing hanggang ngayon ay kaya mo pa ding manatiling gising." Kahit hirap ay tumawa ako at nakita ang pag-ilaw ng mga mata nito at maging ang dalawang kamay nito habang may ibinubulong na hindi ko maintindihan ngunit ramdam ko ang konting kaginhawaan dahil sa paunang lunas na ginawa nito.

"Maiwan muna kita tutulungan ko muna si Nadia." Tango lamang ang aking tugon sa kaniya at mabilis na itong tumakbo at tumulong kay Nadia na may mga galos at sugat na din dahil sa oaminsamg pagtama ng mga atake sa kaniya.

The Judge's Awakening: From Struggle to Strength (Book 1)Where stories live. Discover now