Chapter 4

20 7 0
                                    

"Ano ba Ecksely, tumigil ka nga" Inis na aniya ko sa kanya, kasi naman gumagayak ako nang hahampas.

" Ecksely tumigil ke nge nyenye" pang aasar niya.

"Pa, sapukin mo nga itong pangit nato" sumbong, kasi 'di ako pinansin, grabe oo, hayst.

"Ay hindi pinansin, kawawa ka namn, hayaan mo, nandito namn ako, handang pansinin ka sa bawat oras" asar pa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at ginayak ang mga gamit, ngayon na kami mag e-enroll sa malapit na university dito.

Nauna akong lumabas ng bahay at sumakay agad sa sasakyan, hindi ko na pinansin ang aking panget na kapatid dahil di ako non titigilan, yun pa, walang lubay yon kakaasar sakin e, makahanap sana siya ng katapat niya, tsk tsk.

Sumunod na sila ni papa at sumakay narin.

"Ikaw Ecksely, ikaw Ang nagkakatanda, bantayan mo ang kambal mo" pag papaalala ni papa kay bal, sumaludo ang pangit.

"At ikaw Ezra, makikinig ka sa kuya mo" Sumaludo lang rin ako at tumingin na sa bintana.

Nag drive na si papa at ako namn ay mag buklat ng gamit.

May naalala ako, may binili akong keychain diba?.

Dinudukot ko ang bag ko at hinanap ang keychain para ipang palawit sa bag.

Kaso, bakit....

Parang.............

"Wala!" sigaw ko, shit na saan iyon, bakit... Bakit wala?.

"Pa, yung keychain" Aniko, saan ko iyon nailagay?.

Hayst baka naiwanan ko sa bahay, mamaya ko na lang hahanapin.

"Baka naiwanan mo lang anak, hanapin mo na lang sa bahay mamaya kapag uwe niyo, tawagan niyo ko kung uwian niyo na, maliwanag ba? at huwag kayo kung saan saan pupunta kambal ha?" Sumaludo lang ulit kami sa kanya at huminto na ang sasakyan.

"Nandito na tayo, baba na, sasamahan ko kayo sa loob para nag enroll" Aniya at nauna ng bumaba, bumaba s
narin kami, at namangha sa laki ng university.

"Suzuki University?" Sabay na basa namin ni bal.

"Pa, hapon siguro may ari nito ano?" tanong ni bal kay papa.

"Oo yata" sagot niya.

"Let's go, may work pako bawal ako ma-late mga anak" aniya at pumasok na kami sa loob, at mapapawow ka sa ganda.

"Wow, ang ganda dito" manghang ani ng aming kapatid.

Tiningnan ko ang paligid, ang ang ganda nga, mukhang may natatambayan ako rito.

Hinawakan na kami ni papa at hinila na.

Sumakay kami sa is nag elevator at 4th floor ang pinindot ni papa, nakakapag taka, parang kabisado yata ito ni papa?.

"Pa, kabisado mo yata ito?" Nag tatakang tanong, ganon rin si Ecksely.

"A-ah nakalagay rin ito sinearch ko, kaya alam ko" aniya at tumango na lang ako.

Nakarating na kami 4th floor at hinila na ulit kami ni papa at tumapat sa isang pintuan.

Kumatok siya, may nag salita.

"Come in" binuksan na ni papa ang pinto at pumasok na, hinila niya kami ulit, nagkatinginan kami ni Ecksely, inirapan ko sya, ganon rin siya.

"Ow, Good morning Mr. Sullivan" Pag bati nang mukhang Dean?.

"Good morning Ms. Sandoval, naparito ako para i-enroll ang kambal ko" tinuro niya kami, tiningnan kami ng matandang babae at nginitian.

"Hello, twins I'm Ms. Sandoval" pag papakilala niya at kinamayan kami, nginitian ko sya.

Falling Into Your Voice (OnGoing)Where stories live. Discover now