Chapter 11

12 4 0
                                    

Ezra's P.O.V.

Nandito kami ngayon sa classroom at pinag uusapan ang Contest.

"Ezra please" pilit nila sakin, umiling ako, kasi kanina pa nila ako pinipilit na ako raw ang lumaban sa singing Contest, shocks diko kaya, uurong dila ko.

"Hindi ko kaya guys, si Knox na lang" turo ko kay Knox.

"Hindi ako magaling kumanta, ikaw mag kailangan natin para Manalo tayo" aniya.

"Bal, sige na, magandang experience rin yon" pagpulumilit namn nitong isa.

"Just go, wag kang matakot, walang mangyayare sayo, kakanta ka lang, ang mga manonood sayo, isipin mo silang lyrics na kinakanta mo, damahin mo, pumikit ka, huminga ng malalim" Ani ni Knox, napatingin ako sa kanya.

"Isipin mo lang yung ginagawa mo tuwing kumakanta ka, huwag mong pansinin ang nakakapag distract sayo, just do your best, maganda ang boses mo, don't keep it, sayang ang talent mo kung itatago mo lang" dugtong pa niya.

"Tama si Knox, Ezra, kaya moyan, nandito lang rin kami, naka supporta Sayo" nakangiting ani ni Tasha at yumakap kay Ecksely, grabeng mga tao ito.

"Bal, wag mong sayangin ang pagkakataon na ito" nakangiting ani ng kambal ko.

Huminga muna ako ng malalim.

"Okay, sige, ako na ang lalaban" aniko.

"Ayown"

"Yes!"

"Nice one bal"

"Huwag mong pairalin ang pagkamahiyain mo, matatanggal yan ng paunti unti kung susubukan mo ang mga bagay na kaya mo naman gawin, ayan nga sa pag kanta mo. Kaya mo, pero nahihiya ka, i-try mo parin kahit nahihiya ka sa maraming tao, iyang hiya nayan mawawala rin yan kung ita-try mong gawin ang ikinahihiya mo, like your talent, trust me, kaya mo" mahabang Ani ni Knox, napaluha ako.

"Thank you" naiiyak na pasasalamat ko at niyakap siya.

"You're welcome Ezra, just go, do your best, stay positive at all" niyakap niya rin ako.

Niyakap ko rin ang dalawang lovebirds.

"Congrats bal!" bati ng kambal ko sakin.

"Huhuhu, pinaiiyak niyo ako" natatawang aniko habang nag pupunas ng luha.

"Ayiee, Congratsie bff" niyakap ako ni Tasha, yes bff na kami mula nung sumalanh kami sa pisteng short film, hindi ko makalimutan yon, shesh.

"So ano ang kakantahin mo mamaya?" Tanong ni Knox.

"Kahit na kahit pa, by Belle Mariano" aniko.

"Okidoki, sinabi ko na sa dj" nakangiting ani ni Knox.

Mag group hugs kami.

"Supremo" tawag ng isang babae sa kanya.

"Vp?" sagot nito.

"Pinatatawag ka sa office"

"Sige sunod ako" tumango lang ang Vp raw, at umalis na.

"Maiwanan ko muna kayo, kailangan ako sa office"

"Ezra" tawag niya sakin, tiningnan ko siya.

"Fighting, stay positive" nakangiting aniya sabay kindat, nag init ang pisnge ko, tumango na lang ako sa kanya.

"You're blushing" nakangising aniya.

"Tch, heh" aniko at inirapan siya.

"Mauna nako, bye, Good luck, manonood ako mula sa itaas" tumakbo na siya paalis.

Falling Into Your Voice (OnGoing)Where stories live. Discover now