Ezra's P.O.V.
Nakauwe na kami at nandito sina Tasha at Knox, mag Ce-celebrate kami dahil kami ang nanalo, sakin nila binigay ang trophy.
Nandito kaming ngayon sa hapag kainan, maraming inihanda si papa, at ngayon naman si papa at pinanonood ang aking pagkanta kanina, hiyang hiya ako, kasi nag loading ako nung una hayst.
"Napaka galing naman talaga ng anak kong ito" Aniya at nangiti ng malaki.
"Anak, gusto mo bang sumali sa the voice generation?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Pa, ayoko, alam kong talo nako non" natatawang tanggi ko.
Kumakain na kami at si papa ay ayaw pa, dahil busy sa panonood nga ng video ko.
"Kaya mo silang talunin, i-recall mo lang sinabi ko" nakangiting ani ni Knox, nginitian ko siya.
Grabe ang lalaking ito, kung wala siya hindi ko magagawa yung kanina, thankful ako na may dumating na ganitong lalaki sa buhay ko, i mean like kaibigan ganon, pero siya!
Kakaiba na nararamdaman ko sa kanya, kapag lumalapit or ngumiti siya, yung puso ko dumadagundong na kala mo ay aatakihin ako, feeling ko, crush ko siya? Ay hindi gusto ko na siya, ay ewan basta may something sakin.
Tiningnan ko siya ng mabuti habang nakikipag usap sa papa ko.
Bakit nag s-low mo siya? Mas gumugwapo?.
Natampal ko ang aking noo sa aking naiisip.
"Ayos ka lang Ezra?" tanong niya.
Ito na namn ang puso ko, kalma kalma.
"A-ah ayos lang, may lamok kasi, oo may lamok" pagdadahilan ko at hinamapas pa ang aking noo.
Shete naman o.
Napailing iling siya at kinausap na ulit si papa.
"Tasha" tawag ko kay Tasha.
"Bakit?" tanong niya.
"Tara sa kwarto ko" Pag aaya ko at tumayo na.
"Pa, punta muna kami ni Tasha kwarto ko" paalam ko, hinawakan ko na siya at hihilahin sana ng hilahin siya ni Ecksely.
"May gagawin kaba sa kanya ha?" napataas ang kilay ko sa kanyang tanong.
"Anong akala mo sakin, masamang tao? wag mo nga akong igaya sayo, tsk" Aniko at inirapan siya.
"Tara na nga Tasha, napaka pangit ng boyfriend mo" aniko at hinila na siya palayo sakanila, nakita kong kumaway si Knox kaya nginitian ko na lang siya.
Pumasok na kami sa kwarto at nilock ko iyon.
"Tasha, may tanong ako" paninimula ko.
"Ano bayon sissy?" tanong niya habang nahiga sa aking kama.
"Pakiramdam mo dibdib mo" ani ko at dinikit ko agad ulo niya sa kaliwang dibdib ko kung saan naroon ang puso ko.
"Ang bilis! Sino yan ha?" nakangiting aniya at para akong tinutukso.
"Ganito kasi yan, mag simula ito matagal na pero hindi ko alam kung anong ibigsabihin nito, kaya kita inaya rito para masagot mo" aniko at tumabi sa kanya.
"Tuwing lumalapit at ngumiti sakin Knox para akong nakukuryente, tapos para akong aatakihin sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko?" Paliwanag ko.
"Ang meaning lang niyan ay...."
"Ay?" iniintay ang kanyang sagot.
"Inlove kana sissy ko, at iyon ay kay Knox, omg" napahawak siya sa kanyang bibig.
YOU ARE READING
Falling Into Your Voice (OnGoing)
Teen Fictionthis girl is a shy type singer, she can't show her true singing talent when she is in front of a lot of people. But that will change, because of someone, who believes in her, that she can show her talent to many people. Music is also important in th...