Chapter 9

15 4 0
                                    

"Hindi, si Ezra at Ecksely na lang, tutal magkapatid naman sila" suhestsyon ni Tasha.

Nag pupulong kami ngayon, at hindi ko inaasahang, sila rin ang magiging kagrupo ko sa isang buwan.

Yes 'di kayo nagkakamali.

Ang leader ay ako at si Knox, yes oo tama kayo, kasamahan ko rin siya, swerte ko no?

"Hindi pwede. Okay, kami na lang ni Ezra, at kayo ni Ecksely, okay bayon?" namula si Tasha.

"Okay" aniya at parang nahihiya.

Napaghahalataan na may crush sa twin ko, tiningnan ko rin ang isa at aba, namumula rin, may namamagitan yata sakanila?.

"Start na, naka gawa na ng script ang screenwriter natin, kabisaduhin niyo na lang" aniya at binigyan kami ng tigis-tigisang papel, tiningnan ko iyon at laging gulat ko na....

"Ito talaga Knox?" di makapaniwalang tanong ko. kasi naman, ang role ko ay ikakasal sa kanya at biglang tu-tutol ang dalawa dahil pagkakamalan nilang, sakanilng Wedding Reception ang napuntahan nila, e nasa kabila ang sakanila.

Ganyan.

"Oo, Wala na silang maisip na iba, kaya ayan na lang" paliwanag niya at tumango na lamang ako.

"Kabisaduhin muna ang sayo, maya maya at mag start na tayo" aniya kaya binasa kona ang akin.

*

*

*

Tantantanantantantanan.

Nag lakad ako ng dahan dahan sa Fake Wedding Reception na ito at alam niyo bang naka totoong pa akong gown, pang wedding talaga guys, jusko, parang totoo ito.

Nakalapit nako sa kanya sa ngumiti, kailangan ngumiti may camera.

Ang gwapo naman ng kaharap ko, sana totoo na lang ito.

Nginitian niya ako at inilalayan, tumapat na kami sa pare at naupo.

Nag umpisa na ang pare at hindi ko maintindihan ang sinasabi.

"I do" sambit ni Knox

"I do" sambit ko rin. nasa script kasi ito.

"May tu-tutol ba sa kasal na ito?" tanong ng pekeng pari.

"Wala? sige, Now you may kiss the bride" tinaggal ni Knox ang takip sa aking mukha st hinawakan niya ang aking mukha, at... at.... Wala to sa script!.

"Itgil ang kasal!" Ay sayang 'di natuloy, ang epal naman nitong kapatid ko. Joke.

Tandaan nasa short film LANG tayo.

"O-oo itigil ang kasal!" utal na sigaw ni Tasha.

"S-sabi niya itigil daw" turo niya sa kapatid kong pangit, siguro ganyan nasa script nila.

"Itigil!, ehem ehem" gusto kong tumawa sa kanila kasi napiyok si Ecksely huhu.

"Bakit kayo tumu-tutol?" tanong ng pari sa kanila.

Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa na kunware gulat.

"Kasi amin itong Reception na ito" sigaw ni Tasha.

"Ako si Tan Sullivan at ito naman ang mapapangasawa ko si Tasha Jones na magiging Sullivan narin" Pakilala ng aking kapatid. Namula si Tasha.

"O-oo nga" utal na pagsangayon ni Tasha, at tinuro-turo po kami.

"Hijo, hija, sa kabilang Reception kayo, hindi rito, Galvez dito" paliwanag ng pari.

Napatawa na si Knox at pati narin ako, diko na kayang pigilan.

"A-ah ganon ba. Sige ituloy na ang kasal, bye" pahiyang sigaw ni Ecksely.

"Ituloy na ang kasal, bye na raw, sabi niya" Ani namn ni Tasha at tinuro na naman si Ecksely, umalis na silang dalawa at biglang nagtatakbo sa gilid.

"Okay, ituloy ang seremonya! you may kiss the bride" Ulit ng pare at bigla akong.....

Biglang....

Naistatwa ako at di makagalaw sa ginawa niya...

Nag dikit ang labi namin....

Nailayo na niya ang kanyang labi at nakahinga na ako, shit ano yon, may ganon ba sa script? Parang wala.

Hindi ako makatingin sa kanya.

"Okay cut! Magaling supremo" Pumalakpak ang kunwareng director namin at ang Camera man.

Tumalikod nako at di parin makapaniwala sa nangyare.

Pumunta ako kila Ecksely at humawak sa kanila.

"Tubig" aniko at parang hingal.

"Tubig daw, tubig daw" Ani ni Tasha at kumuh ng tubig ang aking kapatid at pinainom sakin, ininom ko naman agad iyon.

"Bakit may kiss ha?" taas kilay na tanong nila sakin, umiling ako.

"Hindi ko rin alam, nagulat ako" Hindi makapaniwalang aniko at huminga ng malalim tiningnan ko si Knox na nakatingin narin pala sa akin, naka ngisi siya, parang ng chancing yun a?.

Tiningnan ko si Ecksely at iba na ang aura, nakatingin sa kay knox at ang sama na Ng tingin.

"Saglit lang" aniya at umalis, pumunta siya kay Knox at.....

"Bakit mo hinalikan kambal ko ha?" Inis na bulyaw niya kay Knox at kinuwelyuhan.

Napatakbo nako papunta roon at pinigil silang dalawa.

"Tama na yan, tama na yan" awat ko.

"Easy bro, ginawa ko lang ang role ko" aniya at tinaas ang dalawang kamay.

Hinila ni Ecksely ang hawak hawak na papel ni Knox at tiningnan niya iyon.

"Oo nga meron Dito" aniya at pinakita rin sakin.

"Pero dapat pinakita mo samin, para itong isa, hindi aatakihin sayo" inis ani ni Ecksely sa kanya.

"Sorry bro, pero kailangan surprise" paliwanag pa niya.

"Ayokong mauulet ito Knox, kung hindi magkakamatayan tayo rito" banta ng aking kapatid sa kanya at binitawan na ang kuwelyo niya.

Huminga ako ng malalim, bakit naman kasi ginawa niya yun e, tuloy, Siya yung first kiss ko, Sabi ko pa namn ibibigay ko lang ang first kiss ko sa mamahalin ko at mamahalin ako habang buhay hangga sa kamatayan.

"Tama na yan" hinila kona sa Ecksely palayo sa kanya at tiningnan ko muna siya.

"Pasensya kana" aniko.

Nginitian niya ko "ayos lang, pasensya kana kung nagulat ko kayo, ginawa ko lang ang role ko" paliwanag niya.

Nginitian ko na lang rin siya at hinila na ang aking kambal na mainit parin ang dugo, sumunod namn samin si tasha.

"Sorry bal, ayoko lang makita na ganon, hayst yung first kiss mo sa kanya mo na ibigay sa halip na sa mamahalin mo habang buhay hanggang kamatayan ang kiss nayon kaso" napakamot siya sa kilay niya, nangako kasi kami sa isa't isa, yung first kiss namin dapat ay sa mamahalin lang namin habang buhay hanggang kamatayan.

"Hindi ko expect na may ganon siyang role bal, sorry" aniko at inakbayan siya.

Nakiakabay naman si Tasha.

"Let's go guys, nagugutom na ako" aniya at hinila na niya kami.

"Susunod na lang raw si supremo" dugtong pa niya.

🌽Corn:
Mamahalin habang buhay hanggang kamatayan, huy, ganon dapat.

Falling Into Your Voice (OnGoing)Where stories live. Discover now