Ezra's P.O.V.
"For everything I do~~
Is for your eyes only""Everywhere I go~~
It's for your eyes only""Ey, wala paring kupas ang boses bal ha?" Nahinto ako sa aking pag kanta ng mag salita ang kambal kong napaka gwapo. Kapag tulog nga lang.
"Why? huwag mong umpisahan Ecksely" pikon na pagbabanta ko.
Sa aura niyang 'to alam kong nang aasar na naman siya, parang 'di kapatid ampt.
Itinabi ko na ang aking gitara at ambang ipapalo sa kanya, umilag siya.
"Yow bal, easy ka lang, nandito ako para mag aya ng kumain sa labas, tawag kana ni papa" Aniya at pumamewang.
"Bakit 'di kasi sinabi agad e, sarap mong kutusan" inis na sambit ko at lalabas na sa music room, tinulak ko muna siya bago lumabas, tumakbo narin, dahil baka maunahan ako sa upuan na malapit kay papa.
Umupo nako sa tabi ni papa.
"Hi! pa, anong menu natin ngayon?" nakangiting tanong ko.
"Where's your brother?" tanong niya.
"Ay nasa kwarto papo nag lilinis ng sahig, hehehe" pag sisinungaling ko.
"Pa! si bal tinulak ako, sakit, nasubsub ako sa sahig, shit!" Natawa ako sa reaction niya, umupo na siya sa tabi ko.
"Tumigil kayo kambal" suway ni papa samin.
"Ang nasa menu ngayon ay..." biglang binuklat ni papa ang nakalagay sa plato.
"Tada!"
"GINISANG AMPALAYA!"
"Wow my favorite!" Sabay naming sambit ng kambal kong panget.
"Ay gaya-gaya" aniya at sabay irap sakin.
"Gaya-gaya mo mukha mo, baka nakakalimutan mong ikaw ang gayagaya" inirapan ko rin siya.
"Tama na yan, tara na, by the way pag uusapan natin ang papasukan niyong school okay?" Ani ni papa.
"Yes boss" sabay saludo.
kinuhanan kami ng kanin ni papa at nilagyan kami sa plato, nauna akong sumandok ng ulam, at alam kong madaya ang taksik kong kambal.
Nag sign of the cross muna kami at..
"Thank you Lord for the food!" sabay-sabay naming sambit at kumain na.
Ang sarap ng bitter, huy! bitter ka dyan!
*
*
Tapos na kaming kumain at nandito kami ngayon sa salas at pinag uusapan kung saan kami papasok mag kapatid.
"E kung sa music college university si bal, pa?" suggest ni Ecksely.
"Nah, ayoko bal, kahit saan na lang huwag lang doon, i'm shy okay, kung dito nakakakanta ako, pero pag dating sa public hindi" aniko.
"Hay nako, anak iyang hiya-hiya nayan kailangan mong matanggal yan, ano kaba, hindi pwedeng nahihiya ka, makikihalubilo kayo sa ibang tao" paliwanag ng aming poging tatay.
"Pero pa, ayoko parin doon, kahit sa ibang university na lang, makasama ko lang tong mokong na'to" Sabay turo ko kay bal.
"Okay fine, mag se-search pako later, sana meron pang malapit lapit satin na university" aniya at tumayo na.
"So alis muna ako mga anak, kailangan mag work ni papa" pagpapaalam niya samin at hinalikan kami sa mga noo namin.
"Bye pa, mag iingat kayo" aniko at kumaway, ganon rin si Ecksely.
"Bye pa!" sigaw nya.
Nag tinginan kaming magkapatid.
"Bato-bato pick" sigaw namin at, bato ako at guting siya, kaya ang ibig sabihin siya mag lilinis ng bahay, HAHAHAHA.
"Yesss!!!! Haha, panalo ako. Good luck brotheh" naka ngising aniya ko.
"Hoy, ulit, madaya ka!" bulyaw niya.
"Anong madaya ka diyan, kita mong bato ako at gunting ka, simulan muna" utos ko, at umalis na palayo sa kanya, dahil baka mahablot ang buhok ko, minsan may pagka bakla kapatid ko, mahilig manghila ng buhok.
"Matalisod ka sana!" Sigaw niya, natawa lang ako.
Pumasok na ako ulit sa music room at kinuha ang gitara.
🌽Corn:
please votes my story guys 🫶
Thank you in advance 😁
YOU ARE READING
Falling Into Your Voice (OnGoing)
Teen Fictionthis girl is a shy type singer, she can't show her true singing talent when she is in front of a lot of people. But that will change, because of someone, who believes in her, that she can show her talent to many people. Music is also important in th...