Mich POV
"Michelle, look here!"
"Miss Dee, here!"
"Michelle Dee!"
"Smile for us, Michelle!"
At least once a week, iyan ang bungad sa akin kada baba ko ng kotse. Kahit saan ako pumunta - mall, restaurant, school, and especially events like this.
Hinarangan ng bodyguards ko ang iilan sa mga nagtatangkang lumapit sa akin. Sinenyasan ko sila na huwag masyadong maging marahas. Nginingitian ko lamang ang mga nakasisilaw na ilaw ng bawat kamerang nakapaligid sa akin. Hindi ko rin kinalimutan ang mga sumusuporta sa akin at agad kong kinukuha ang mga papel at panulat na kayang abutin ng mga kamay ko upang lagdaan ang mga ito. Patigil-tigil din ako bago pa kami makapasok dahil sinusubukan kong daluhan ng atensyon ang iilan sa mga taong nasa likod ng barriers.
Hanggang sa tuluyan na akong hinila ng bodyguards. I mentally rolled my eyes, mas kailangan pa ata nila akong protektahan sa mga taong nasa loob mismo.
Agad kong binalik ang pilit na ngiti sa mga nilalang na tumayo mula sa kanilang kinauupuan.
"Michelle, I'm glad you made it here." sabay abot sa aking kamay ng matandang panot na nakatingala sa akin dahil hindi ito pinagpalang bigyan ng blessing na mayroon ako.
"Of course, Sir Gongwey, my whole family is here, anyway."
That happened a couple of times with other different personalities. Kung 'di iyon ang eksaktong sagot ko ay iniiba ko lang nang kaonti.
"Thank you for coming, Mister."
"We're glad you're with us here today."
"Yes, Ma'am. My family is expecting for us to be complete." I was forced, if I could just honestly tell them.
Nauubos na agad social battery ko, pero hindi puwede. Lumaki akong puro ganito ang okasyon, bakit ba hindi ako masanay-sanay.
If only she was here to be my comfort.
Gusto ko nang maupo, kaya mabilis na lang din akong nakipagbatian para makapagpaalam nang hinihintay na ako ng pamilya ko sa unahang table.
Tinahak ko na ang mahabang gitna kung saan mayroong nakalatag na pulang carpet.
Kaonting tango pa.
Ngiti lang doon, dito, doon ulit.
Nakahinga ako nang maluwag dahil mare-relax ko na ang mukha ko dahil nasa tapat na ako ng aking lola Mamita na agad naglahad ng kamay upang imano ko.
Mas lalo lang din akong kumalma nang maramdaman ko ang marahang haplos sa aking likod.
"Mom, how long have you been waiting for me?" hinalikon ko ang pisngi nito at tsaka niyapos siya nang patagilid.
"Not too long, my dear beaut. Besides, we still have a few minutes before your grandfather gets called on stage." hinaplos nito ang aking pisngi at sinenyasang umupo na sa kaniyang tabi.
Nagugutom na ako sa totoo lang. Kinuha ko na lang din muna ang phone ko dahil hindi naman ako makasabay sa usapan nina Mom at Mamita.
BINABASA MO ANG
Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)
Romance"Kakaiba ang tama ng sinag sa'yong kutis na kayumanggi, o sa'n ba 'ko dinadala?" banggit ko sa kaniya nang may tono. "Hindi ba't kanta 'yan?" tanong niya sa akin, tila naghahanap ng kumpirmasyon ang kaniyang mukha. "Puwede." -------- Anntonia Porsil...