Mich POV
"Shit."
Marahas kong minaniubra ang manubela nang makapag-drift ako at halos tumilapon sa barrier ng racetrack, kaya nabawi ko naman ang agad ang direksyon ng mga gulong.
"You alright?" tanong ng lalakeng nagsalita sa earpiece na suot ko sa kaliwang tainga.
"Oh yeah."
"Pang-ilan mo na 'yan ha, pudpod na ang mga gulong mo. C'mon, Michelle. It's time." pagpapaalala niya sa'kin. Hindi ko na lang muna ito sinagot at pinagpatuloy ang pagpapatakbo ng sasakyan patunog sa finish line. I drifted sideways until the vehicle slowed down right in front of the pit stop. Maliksi akong tumalon mula sa kinauupuan at agad tinanggal ang helmet na suot ko para pasadahan ang buhok ko ng libre kong kamay.
"Grats, new record! Are you okay?" natatawa niyang batid sa'kin. "Seventy-seven laps. What are you training for?" hindi niya makapaniwalang dagdag pa nang makalapit ako sa kaniya at naupo sa folding chair. I opened the cooler beside me and opened a can of beer. Pinagmasdan niya lang ako hanggang sa naubos ko lang ito. Nang marinig niyang dinurog ko na ang lata, inilingan niya lang ako. "Seriously, Michelle. May pinagdadaanan ka ba?"
Si Tito Martin, para ko na rin talagang biological na tito. Kung hindi lang sa age-gap namin, kuya na ang maituturing ko sa kaniya dahil sa pag-asta namin sa isa't isa. Madaling nahulog ang loob ko sa kaniya dahil nakatira lang kami sa iisang bahay, at inalagaan niya ako hindi parang isang anak kundi parang isang kapatid.
"I lost a bet." maikli kong sagot sa kaniya. Hinarap ko muna ang mukha ko sa kaniya bago itutok ang mga mata ko sa kaniya na ngayon ay nanliliit, iniisip niya kung ano ang ibig kong sabihin.
"Iyong anak mo, Tito. She's one hell of a woman." napailing ako at napabuntong hininga.
"Tsk." tumayo siya mula sa pagkakasandal sa isang nakaparadang sasakyan at tinungo ang upuang nasa kabilang side ng cooler. "You know...it was never a secret that we favor whatever relationship you may have with her. Masyado mo naman atang pinanindigan yung biro naming baka kayo pa ang ikasal sa isa't isa." he chuckled after teasing me with his last line.
Iniwas ko ang tingin mula sa kaniya at akmang kukuha pa ng isang beer pero sinipa niya ang cooler papalayo. "Hey!"
"No. One can is enough, you still have to drive home."
Tinulak ko ang braso niya. "Ang daya! Akala ko sabay tayo?"
"Neknek mo." sagot niya sa akin habang may kinukuha siya sa bulsa. "Oh eto, susi ng motor."
"Huh? It's at the house." pagtataka kong tugon.
"Nah, that's another one. It's parked right over there." tinuro niya ang nasa likuran ko habang nakatayo na siya't papalakad, paalis sa racetrack patungo sa malawak na hallway kung nasaan ang lagusan papuntang lounge. Umiling na lang ako sa sarili at yumuko habang inaalala ang nangyari sa nakalipas na pitong araw.
BINABASA MO ANG
Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)
Romance"Kakaiba ang tama ng sinag sa'yong kutis na kayumanggi, o sa'n ba 'ko dinadala?" banggit ko sa kaniya nang may tono. "Hindi ba't kanta 'yan?" tanong niya sa akin, tila naghahanap ng kumpirmasyon ang kaniyang mukha. "Puwede." -------- Anntonia Porsil...