VIII - Flashback

453 21 6
                                    


Mich POV


"Ah, finally."


I decided to take a long bath in my tub, na-arbor ko pa ang isang wine bottle na nakahanda kanina sa baba. Aba nga't nag-imbita pa ng ibang kasamahan sina Mom and Dad, nandito kanina yung apat pa nilang mga kaibigan na matagal na ring trusted partners ng companies namin. They brought with them their children as well, may apo pa nga e.


Naisip ko na at my age right now, it's acceptable na nga palang magkaroon ng anak. Pero sa panahon ngayon parang ang bata pa rin ng bente dos dahil karamihan sa atin ay nag-aaral pa rin, kaya laking gulat ko na lang talaga kanina na pinakilala ako sa isang kaedad kong may karga-kargang sanggol.


Hindi na uso sa akin ang wine glass, rekta tungga from the bottle. Astig tayo like that.


Sa loob ng isang buwang kinulong ko ang sarili ko sa penthouse na tanging si Rain lamang ang taong nakakausap ko nang pisikal, nahirapan lang ako kanina na makihalubilo. Mas mabilis naubos ang social battery ko. Kailangan ko na ulit maging social butterfly to ready myself for my birthday celebration and for the summer break as well. Kanina kasi ay na-open up nina Mamita ang plano nilang mag-out of town by then, two weeks daw kaming road trip. Nakapag-book na sila ng mga hotel na pag-iistayan namin. Buti nga'y magaling silang mag-plot ng locations dahil isang diretsong roadtrip daw ang gagawin namin hanggang sa umikot pabalik dito sa Manila.


Wala naman ako masyadong nakwento sa kanila dahil updated naman sila through the reports of bodyguards who were checking up on me back at the penthouse. Besides, I assume that the sole information they have ever gained is: "ayon po, nag-aaral, nagbabasa, naliligo't kumakain naman po, minsan nanonood, casual drinking, constant workout din naman po."


Because those are the only things I did during my stay at the penthouse. 


They commented on my hairdo, I chose to maintain my shorthair kasi. Hindi ko ito pinabayaang humaba muli, pinapapunta ko every week doon 'yung hairstylist ko na hired by my Mom during the pageant last month.


...huh.


Kumirot bigla yung puso ko nang maalala ang nangyari noong araw na 'yon.



*flashback to thirty days ago*


"No, you're already the winner in my heart."


"And this year's Miss Philippine International University is........."


"The winner is........."








"Anntonia Porsild!"


Sabay ng pagbigkas ng host sa pangalan ng babaeng nasa harap ko ay ang marahang pagdampi ng labi ko sa kaniya. Hindi ko makita kung ano ang reaksyon niya dahil nakapikit ang aking mga mata. Sa pagbagal ng tibok ng puso ko mula sa umaalingawngaw na kutob nito kanina, ay siya ring pagtahimik ng kapaligiran.

Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon