--- Character: Rain, portrayed by Rhian Ramos ---
Mich POV
"Mom, do we still need to do something? The ceremony is already over, is it okay if I go now?"
Nang lapitan ko ang nanay ko, marami siyang kausap tungkol sa mga upcoming project niya, puro photoshoots, film, possible teleserye, and an opportunity to be an executive producer. Madali niyang na-excuse ang sarili niya para hilahin ako sa isang gilid.
"We still need to introduce you to some directors, my dear. Your grandfather wants you here until the end of the event which is still 2 hours from now." she told me after glancing at her watch.
Dinala ako ng mga paa ko kung nasaan ang lolo ko. Ang dami-daming lamesa't upuan dito nakatayo sila roon sa may baba ng stage. Hindi ko kaagad naisingit ang sarili ko dahil nagtatawanan pa sila. Matangkad naman ako, at mas lalo pa akong tumangkad dahil sa suot kong may takong na 3 inches. Mabuti naman ay nasilayan ako ni Papa, nagkakutob siguro ito na may gusto akong ipaalam sa kanya kaya namaalam muna siya saglit sa mga kausap.
"Is everything alright, dear?" worry was obvious on his face.
"Papa, I'm really sorry but, would it be possible if I leave earlier? I know we still have 2 hours left, but I really need to do something really important." pagpapaalam ko sa kanya nang nagmamakaawa. He just looked at me na para bang iniisip niya kung nagsasabi ako ng totoo o kung gusto ko lang tumakas.
"I wanted to stay here, Papa. But, I'm afraid I have to go now." pinangunahan ko siya at agad na hinablot ang braso niya para manlambing.
He sighed and held my hand that's holding his arm.
"How can I say no to you, my dearest apo. Alright, but this means I will set up a conference for you to meet the important directors and partners who are present here ha." tumango-tango pa siya habang winawagayway sa harap ng mukha ko ang kanyang isang daliri.
Malawak ko siyang nginitian at hinalikan ko na ang kanyang pisngi.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad akong naglakad papuntang main door. Nakita ako ng kasama kong bodyguards kanina kaya hindi na rin silang nag-antubili pang sundan ako.
"Miss Dee, sa likod po tayo dumaan dahil marami-rami pa ang taong naghihintay sa harapan." suhestiyon ng isang bodyguard.
Hindi na ako umimik at sinundan ko na lang sila. Tinanggal ko rin ang heels, hindi naman ako maarte kung madumihan ang mga paa ko dahil malilinis ko naman ito nang madali't maayos. Ngunit nakita ito ng isang bodyguard kaya may inabot siyang isang maliit na shoe bag. Kunot-noo ko itong inabot at tiningnan ang nasa loob. Tsinelas na sinusuot ko kapag nasa bahay lang.
Tinitigan ko ang bodyguard na nag-abot nito at alam niya agad na nagtatanong ang mukha ko.
"Pinasuyo lang po ni Miss Ann kanina."
Sinuot ko na lang ang tsinelas at naglakad palabas para makasakay sa sasakyang naghihintay na agad sa likuran ng building.
That's what I love about having a sister, she knows me well. She takes care of me as much as I take care of her.
BINABASA MO ANG
Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)
Romance"Kakaiba ang tama ng sinag sa'yong kutis na kayumanggi, o sa'n ba 'ko dinadala?" banggit ko sa kaniya nang may tono. "Hindi ba't kanta 'yan?" tanong niya sa akin, tila naghahanap ng kumpirmasyon ang kaniyang mukha. "Puwede." -------- Anntonia Porsil...