5

68 11 3
                                    

Chapter 5


“Sino ka ba talaga?” sabay naming sambit. 

Parehong nakatutok ang baril sa amin. Hawak ko ang kaniyang I.D. sa kaliwang kamay habang baril naman sa kanang kamay.

Laking gulat ko nang sipain niya ang I.D. na nasa kamay ko kung kaya’t naiputok ko bigla ang baril na agad niya namang nailagan.

Natamaan ang vase na nasa mesa, dahilan ng ingay. “Don’t shoot!” aniya.

“Sino ka!?”

“Ikaw ang tinatanong ko niyan, sino ka ba talaga?” Ibinaba nito ang baril at inilapag sa mesa. “You’re not here to manage that plantation and farm, Miss Cassiana Jamal Guerrero.”

Nanlalaki ang mata ko nang marinig ang buong pangalan ko sa kaniya. Dahil sa pagkagulat ko ay agaran niyang nasipa ang kamay ko na may hawak na baril, kaya tumilapon ang baril sa kabilang banda ng kwartong ‘yon.

Sumipa itong muli, na agad ko namang naiwasan. Bumawi ako ng sipa, hanggang sa matumba siya. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg nito at ang hita ko sa kanang kamay niya.

“T-The fuck..” he curse and tried to remove my arms on his neck.

“Anong nangyayari rito!” I heard an old woman.

Pareho kaming natigil at napaangat ang tingin. Nabitawan ko tuloy si Liam dahil sa pagkabigla. “L-la?”

“Anong nangyayari rito, at sino ka?”

“Uh, it’s just a misunderstanding, La.” aniya at itinayo niya ako.

“Pasensya na po, at ganon niyo pa po kaming naabutan ni Liam..” ani ko.

Nasa hapag kainan na kami, dahil nakapagpaliwanag na kami kung anong nangyari, of course it was all a lie, alangan namang sabihin namin ang totoong nangyari, hindi ba?

“Ayos lang, hija. Akala ko ay kung ano na ang nangyayari kasi narinig kong parang may nabasag.”

Matapos kumain ay uuwi na dapat ako, kaso pinigilan ako ni Liam na umalis. Oo nga pala, hindi niya pa pala nasasagot ang tanong ko kanina, at kung paano niya nalaman ang buong pangalan ko.

Inabutan ako nito ng pamalit kong damit at itinuro nito kung saan ang pwedeng gumamit ng banyo. Matapos kong makapaghilamos ay nagbihis lamang ako at agaran na ring lumabas.

“You’ll stay here for the night, hindi ka pwedeng umuwi nang ganiyan.” aniya.

“Pwede akong umuwi, baka gumagawa ka lang ng dahilan para makasama ako.”

“Ang hangin naman sa loob ng kwarto ko.” aniya.

Inirapan ko ito at pinulot ang racerback ko na may marka pa ng dugo galing sa sugat ko. Umupo ako sa kama at kinuha ang phone ko para itext si Manang, baka kasi mag-alala.

Ako:

Manang, hindi po ako makakauwi ngayong gabi. May nangyari po kasi, pero babalik din po ako bukas.

Hindi pa nagrereply si Manang kaya pinatay ko ang phone ko at sinuklay ang buhok ko.

Liam Cassano, international agent? Isa siyang agent, pero paano siya napunga rito, at bakit naroon sa board niya ang ilang na-encounter ko sa Maynila. Halos lahat ng mukhang naka-ekis doon ay na-encounter ko na nang hinahanap ko kung sino ang taong pumatay sa magulang ko.

Kumunot ang noo ko nang maalala ang mata niya, kaya ba mukhang pamilyar siya? Umiling ako, hindi naman siguro siya ‘yon.

Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang ilang marka ng kutsilyo sa katawan ko. Nakuha ko ang ilang peklat na ‘to, sa tuwing gumagawa ako nang hakbang.

The Hottest RevengeWhere stories live. Discover now