Dati naman okay pa ang sitwasyon. Tila parang gulong na paulit-ulit ang nangyayari sa buhay ko. Pero ngayon literal na flat na ata yung gulo kasi sadsad na sadsad na ko sa lupa sa lahat ng pangyayari.
"Mga tol, bukas uli ha? Review tayo malapit na exams" paalala ni Aubs. Ngunit naghahampasan lamang ang mga diablo! "Susss! Review ba, Aubs? Natulog nga lang kayo jusko!" sambit ko.
Pauwi na kami nito, galing kasi kami kela Sammie dahil pag ganitong may gawain kami diretso na talaga sakanila.
Naalala ko pa nga nung dati ay nag-sisiaway kami kung saan kami pu-puwede na tambayan palibhasa'y pare parehas kaming may nanay na dragon HAHAHAHA.
1 year ago....
"Zell, sainyo nalang tayo!" maktol ni Marie. "Oo nga sige na, Zell. Pleaseeeee" nagmamaktol din naming sabi kaya napakamot nalang si Zell sabay sabing.
"MGA PECHAY BA KAYO?! Sabing bawal nga samin baka gusto nyo malapa ng dragon. Bawal samin mga tol promise, wag n'yo na ipilit" kaya't napa face palm nalang kami lahat.
"ARAY KO!" sigaw ko. May saltik kasi 'tong si Anne bigla bigla nalang umalis sa gilid ko natumba tuloy ako. "Alam ko na saan tayo!" sigaw naman n'ya at sabay-sabay kaming napatingin kay-
"NO! Huwag samin makakalat kayo alam ko na gagawin nyo sa bahay kaya. No!" tinatanggi sabi ni Sammie. Ngunit dahil kaibigan n'ya kami at wala siyang kawala syempre diretso parin kami sakanila HAHAHAHAHAH.
"Ano te? Tunganga peg ka dyan?" sabay sampal sakin ni Marga. Kaya naman binatukan ko siya pabalik. "Gaga ka nag-iisip yung tao nananampal ka bigla d'yan!" sigaw ko sakanya.
"Bakla.. Matagal pa ang pasko at ano inaantay mo dyan sa gilid? "sambit nya. "Alam ko na para yumaman ka kumuha ka ng baso dun! BILIS!" pagmamadali n'ya kaya napakamot nalang ako sa ulo ko. "Aanhin ko naman yung baso gaga ka?" tanong ko.
"Tutal tulala ka d'yan humawak ka ng baso ng yumaman ka mamalimos ka na din" tawang tawa n'yang sabi kaya napa bad finger nalang ako sa inis. "Ulol, eto hati kayo ng idea mo!" sambit ko.
YOU ARE READING
Undecided
Non-FictionOften, we need somebody to talk to, rely on, or live with for the rest of our lives. Once things just don't work out, you'll lose the love, trust, and all you've invested in. So you'll just wonder why your existence or why you're in that position.