Foreword

41 0 0
                                    

Minsan, napapaisip tayong lahat kung anong pakiramdam mamatay. Ung gusto nating malaman kung mamimiss ba tayo ng mga taong malapit sa puso natin?

Pero ako, hindi 'ko na kailangan mag-isip. Alam nyo kung bakit? Nangyayari na kasi 'to sakin. Patay na 'ko.

-

Ako ay isang dalagang gragraduate na sana sa Highschool ng biglang may nangyare. Natagpuan ako ng magulang 'ko na hindi na nahinga sa kwarto 'ko. Wag kayong mag-alala, di ako naglaslas o kung ano mang related sa pagpapakamatay. Namatay ako habang tulog.

Ang pagkamatay habang tulog ay ang pinaka maaliwalas na paraan para mamatay. Sa tingin 'ko lang 'to ha. Wala lang. Parang, natutulog 'ka parin. Parang nasa isang mahabang panaginip na hindi na matatapos.

4 na oras na 'kong patay. Pero nagtataka parin ako kung ba't hindi parin ako kinukiha ni Lord. Siguro may misyon pa 'ko? Tignan nalang natin.

-----

HEEEY. New story. No poster yet. It's too hot to make one. HAHA. Please read this one too. :)) 

The After LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon