New Friends & New Experiences

26 0 0
                                    

HEEY. I'll update today. Here's the first chapter! :)) 

-

Lumabas ako ng bahay, hindi 'ko na inisip na gumamit ng pintuan. Kaya 'ko namang tumagos sa mga pader at kung ano pang nakaharang sakin e. Kaya par asaan pa?

Pagkalabas 'ko, marami akong taong nakita. Kaya napaisip ako; 'Akala 'ko ba nawala na yung mga tsismoso't tsismoso, 3 hours ago?'  Hindi 'ko namalayan na nasabi 'ko pala 'to ng malakas. 

"Hindi kami tsismoso't tsimosa no!" Nakirinig 'kong sinabi ng isang bata sa grupo ng mga tao. Isang batang babae, siguro mga 8 o 9 years old. Naka school uniform. Maayos ang pagkakatali sa buhok, naka-pigtails, maayos ang pagka-suklay sa full bangs nya, maayos pa ang plantsa sa uniform, singkit, maputing ngipin at maputlang balat. 

"E ano kayo?" Tinanong 'ko habang nakatingin sa batang naka pamewang pa. 

"Mga multong tsimoso't tsimosa." Sagot nito na may matching taas pa ng kilay.

"Nyaa! Pareho lang naman yun e." Sagot 'ko at napatawa.

"Hindi kaya! Kasi kami, di nakikita at wala nang ibang pupuntahan. E ung mga tsimoso't tsismosa, may mga uuwian pang bahay!" Sagot ng batang maraming alam. 

"Ah. Sabi mo e." Tumungo nalang ako. "Multo 'ka na talaga?" Tinanong 'ko sya bigla.

"Oo!" Ngiti ng batang babae saakin. 

"E pano 'ka namatay?" Tanong 'ko. Wala namang sugat, dugo o kung ano mang bakas kung pano sya namatay. 

"Nabaril ako ng ligaw na bala habang papunta sa school." Sagot nito at tinangal ang kanyang backpak at tumalikod para ipakita ang malaking sugat sa likod nya.

"Ah! Kaya pala naka school uniform 'ka pa." Tinignan 'ko syang mabuti at niglang napatingin sa iba pang nilalang sa lugar. 

"Kilala mo ba ang lahat ng multo na nandito?" Tinanong 'ko sya habang tinitignan ang mga tao, o multo sa paligid ng bahay namin. 

"Oo! Andito nga best friend 'ko e." Tumakbo ung bata sa isang lalakeng naka hooded-jacket at wala akong nagawa kundi sumunod.

"Kuya Syd!" Kinulbit nya ang sinabing binata na nagdulot para mapatingin ito sakanya.

"O! Dora. Andito 'ka din pala!" Yumuko pababa ang binata para maabot ung height ng batang babae at ngumiti. 

"Kuya Syd! Eto nga pala yung patay galing dito sa bahay na 'to." Hinila ako ni 'Dora' at ipinakilala sa kanyang 'Best friend'

"Uh, hi!' Sinabi 'ko at pinilit ngumiti. Hindi 'ko kase alam ang gagawin 'ko. First time 'kong makipag usap sa mga multo at makipagkaiban sa mga 'to. 

"Hi, ako si Syd. Nice to meet you!" Inalok nya ung kamay nya sakin at nagpakilala. Tinangap 'ko naman ung kamay nya at nagpakilala din.

"Hi Syd, ako si Beth." Ngumiti ako ngayon dahil nahawakan 'ko ung kamay nya. Pwede pala yun? Natawa naman ako. Ang galing! 

"O yan. May kilala 'ka na dito. Wag 'kang magkakagusto sa Best friend 'ko ha! Akin yan." Sumingit si Dora sa gitna namin ni Syd at niyakap ang baywang ni Syd. 

"Oo! Pag ako man nagkagusto kay Syd, magpapaalam muna ako." Nginitian 'ko si Dora at biglang napatingin kay Syd. Hmm. Gwapo naman sya, kung hindi lang kalbo at puro dugo ung likod ng ulo nya. Siguro nataga 'to sa likod ng ulo nya. 

I'll end it here. HAHA! Leave a comment~ 

The After LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon