"Uhm, so. Pwede bang turuan nyo 'ko kung pano maging multo?" Napatanong ako bigla sakanilang dalawa.
"Pwede!" Ngiti ni Syd.
"Lesson 1. Masanay 'ka na sa dugo!" Biglang salita ni Dora.
"Uhm. Okay na 'ko dyan. Matagal na 'kong sanay sa dugo. Di mo naman ako narinig tumili nung nakita 'ko ung sugat nyo ng best friend mo diba?" Ngiti 'ko sa bata. At tumungo naman ito.
"Lesson 2. Masanay 'ka nang tumagos sa mga bagay bagay." Ngiti ni Syd sakin. Nginitian 'ko din sya. Alangan na mang simangutan 'ko diba? I'm being nice.
"Lesson 3. Tangapin mo nang patay 'ka na. Di mo na maagagawa ung mga nagagawa mo dati. Patambay tambay 'ka nalang. Lagi mong makikitang naiyak Nanay at Tatay mo. Pati na rin ung ibang taong importante sayo. Hindi mo na din makakausap ung mga kaibigan mo. Hindi mo na din kailangan matuto ng mga bagay bagay na kailangan matutunan ng isang normal na tao." Namewang na naman si Dora.
Sa haba ng sinabi nya, narealize 'ko, hindi 'ko pa pala nakikita si Mama. Bumalik ako sa loob ng bahay. Hindi 'ko napansin na may kinakausap pa pala ako. Si Mama lang talaga ang nasa isip 'ko. Pagkapasok na pagkapasok 'ko sa pintuan namin, iyak na agad ang narinig 'ko.
"Beth! Beth!" Iyak ng Nanay 'ko habang yakap yakap ung Graduation picture 'ko nung Elementary. Sumakit bigla ang puso 'ko. Alam 'kong di na sya natibok, pero nadurog parin ito dahil sa nakikita 'ko. Hindi ako sanay na makita ang Nanay 'kong ganto. Parang nawala ung Nanay 'kong masayahin, palabiro, at palatawa.
Si Ate Biel, andun lang pinapanood si Mama na umiyak habang katabi si Brent. Pareho nila siguro hindi alam ang gagawin. Si Papa, yakap yakap si Mama, habang nakasimangot. Si Lolo't Lola, nakaupo lang din. Nakatulala.
Hindi 'ko plinanong maging rason kung bakit malulungkot ng todo todo ang pamilya 'ko. Hindi 'ko din plinanong mamatay ng maaga. Hindi 'ko din plinanong iwanan sila. Marami din naman akong pangarap sa buhay e. Hindi 'ko lang talaga alam na hindi 'ko pala matutupad ang mga 'to.
Sa unang beses nung gabing yun, sumimangot ako. Tangap 'ko na sana na wala na 'ko sa mundo. Matagal na 'kong nagready dun. Pero hindi 'ko na isip na hindi pa pala ako ready na makita ang pamilya 'kong ganto kalungkot.
"O, Ate Beth. Ano naman ang say mo?" Narinig 'kong sinabi ni Dora sa likod 'ko na may onting ngiti na makikita sa labi nya.
"Masakit." Pinilit 'kong ngumiti para mapigilan ang mga luha na sa tingin 'ko ay imahinasyon 'ko lang. "Gaano 'ko man gustong mabuhay ulit para lang mapasaya ulit ang pamilya 'ko, hindi 'ko kaya. Nakatakda na 'to. Hindi 'ko na alam ang gagawin. Miski nga pag iyak di 'ko na magawa e."
Tumalikod ako sa napaka malungkot na pangyayari at lumabas ulit ng bahay namin.
"Uh." Simula ni Syd. "Ayos lang yan Beth, masanay 'ka na. Tangapin mo nalang na kailangan mo na silang iwan." Iniligay ni Syd ang kamay nya sa balikat 'ko at kinomfort ako.
Narealize 'ko na walang saysay na maging malungkot. Kailangan 'ko lang talagang tangapin na patay na 'ko. Na hindi 'ko na ulit sila mayayakap, makakausap at makakasama. Tinalikuran na kasi ako ng buhay.
"Ayos lang yan Ate Beth! Kami na naman ang bago mong pamilya. Kami ni Kuya Syd!" Nagulat ako dahil niyakap ako ni Dora. Dahil sa ginawa nya, naramdaman 'ko ulit ung pagmamahal ng Nanay 'ko. Napangiti ako. Totoong ngiti na. Ung hindi na pilit o peke. Totoong ngiti.
"Salamat sa inyo." Lalo pang lumaki ang ngiti 'ko.
"Yan! Edi mas gumanda 'ka, Beth!" Sabi sakin ni Syd.
"Oo nga. Ganda ng smile mo, 'te." Natawa ako.
-
Yay. Update. :D
