"Pero teka, ano nga bang ginagawa nyo at hindi pa kayo kinukuha ni Lord?" Bigla akong napatanong. Na naman.
"Hindi nga namin alam e. Siguro may misyon pa kami." Sagot ni Dora
"Ano naman ung misyon na yun?"
"Misyon para samahan 'ka? Para tulungan 'ka? Di lang namin alam." Ikinibit nya ang kanyang balikat para iparating sakin na hindi nya rin alam ang kanilang misyon.
"Siguro. Pero alam nyo ba misyon 'ko?"
"Hindi rin e. Ikaw lang nakakaalam nun." Mysteryosong sinabi ni Syd.
"Oo nga pala Syd. Hindi mo pa nakwekwento kung pano 'ka namatay."
"Ako?" Turo nya sa sarili nya.
"Hindi, baka si Ate. Patay na kasi si Ate e." Itinuro 'ko ung bahay namin kung nasan ang kapatid 'ko. "Joke lang. Oo, ikaw." Ngiti 'ko sakanya
"Nataga ako ang Tatay 'ko." Sinabi nya ng nakasimangot.
"Ay. Sinasadya ba?"
"Hindi naman syempre! Mahal ako ng Tatay 'ko. Kaso hindi nya mahal ung aso namin. Nataga nya 'ko kase niligtas 'ko ung aso namin." Pinilit nyang ngumiti.
"Ah. Ambait mo naman." Nginitian 'ko lang sya.
"Salamat." Ngumiti lang din sya.
"Anyways!" Sigaw ni Dora na nagdulot na mapatingin kami sakanya. "Tara na! San mo ba gustong pumunta ngayon, Beth?"
"Anong oras na ba?" Tanong 'ko habang naghahanap ng orasan pero wala ding saysay ito dahil nasa labas sila. Open space. Puro damo at langit lang ang makikita 'ko.
"8:00 ng umaga." Sagot ni Syd.
"Ah. Salamat. Pano mo nalaman?" Nagtaka ako kase wala naman syang relo at wala namang relo na makikita sa paligid.
"Basta. Alam 'ko lang. San mo gustong pumunta?" Tanong nito muli.
"Sa school. Oras na para pumasok!" Sigaw 'ko at nagsimula nang maglakad. "Late na nga ako e."
"Anong ginagawa mo?" Napatigil ako sa sinabi ni Dora.
"Naglalakad. Ikaw?" Tumingin ako sakanya.
"Nagtataka kung ba't 'ka pa magpapakahirap maglakad kung pwede 'ka namang lumipad."
"Pwede akong lumipad?!" Tanong 'ko ng may malaking ngiti. Naniwala naman ako.
"Hindi. Joke lang kase yun." Ngiti ng bata. "Pwede 'ka namang mag teleport."
"Teleport? Pano?"
"Pumikit 'ka lang at isipin mo ung gusto mong puntahan at mawawala 'ka."
"Ah. Gawin 'ko na ngayon ha!" Pipikit na sana ako nung pinigilan ako ng dalawa pang kasama.
"Wag! Wag mo kaming iwan! Isama mo naman kami!" Sagot ni Dora.
"E pano?"
"Hawakan mo kami o kaya isama mo kami sa imahinasyon mo."
"Ah sige." Hinawakan 'ko na ung dalawa at pumikit at inisip ung school 'ko kung san ako laging masaya, kung san ako natututo at kung san ako laging tinatamad...na matuto.