Mica's POV.
This is it..! Kailangan ko matapos to ng hindi nagkakamali, andito na kami sa campus ngayon and nakabhis na kami. Old fashion ang suot namin, and mukha talaga siyang pang old filipino royalties, nagpapahinga muna ko scene na nina Alelie,Jay,Rosy at Xavier, si Christian at Sebastian ay isa sa mga magna narate..
"Maaari nating mahalintulad ang ating prinsesa sa isang bituing maningning" script yan ni Xavier(Hari).. Pure tagalog talaga ang gagawin namin.
"Ika'y hindi nagkakamali, ngunit hindi natin maitatatwa na kakailanganin na ng ating prinsesa ng isang magiting at responsableng prinsipe" script naman Rosy(Kapatid).
"Hindi na natin kailangan pang magalala sa isang bagay na alam nating may tamang kasagutan na." Sabi ni Jay(Kapatid).
"Oo nga, alam nating magtutungo ang prinsipe mula sa kabilang kaharian." Sabi ni Alelie(Reyna).
"Ama Hari, Inang Reyna, Mga kapatid, maaari ko bang malaman ang inyong makabuluhang paguusap?" Tanung ko sa kanila.
"Maaari naman aking pinakamamahal na prinsesa. Nais namin ipakilala ka sa prinsipe ng kabilang kaharian." Sabi ni Xavier, mejj natawa ako dun ha? Mukha siyang tatay na talaga hahaha!!
"Kung inyong mamarapatin, nais ko sanang malamang ang ngalan ng prinsipeng inyong binabanggit?" Sabi ko sa kanila.. nakita ko naman yung guro namin este ng teacher namin na halatang natutuwa.
"Si Prinsipe Emmanuel mula sa hilagang kaharian.." Sabi ni Alelie. Wow ang galing namin.
"Aking kapatid, ika'y nasa wastong gulang na upang makasal sa isang prinsipeng tulad niya." Sabi ni Rosy
"Marahil handa kana aking kapatid?" Tanung sakin ni Jay. Can't believe ang galing namin!
"Kayo ba'y maniniwala kung sabihin kong oo? Marahil sa gulang kong ito? Nais ko lang muna na magsaya at dumalo sa mga kasiyahan sa bayan." Sabi ko sa kanila, di ako tumitingin sa audience, baka madistract ako e.
"Makaraan ang ilang araw, nakarating na si Prinsipe Emmanuel sa kaharian kung nasaan ang kanyang Prinsesa Ophelia, siyang ka agad na nagtungo sa kaharian kasama ang kanyang Amang Hari at Inang Reyna." Pag na narate ni Sebastian...
"Labis ang aming galak dahil inyong binigyang pansin ang aming inbitasyon" sabi ni Xavier sa kay na Miguel,Patricia at Emman.
"Kami din ay nagagalak dahil kami'y inyong inanyayahan sa inyong kaharian." Sabi ni Ate Patricia. Wow ang ganda niya sa suot niya ha.
"Maaari na tayong magsasalo at ating pagusapan ang pagiisang dibdib ng aming Prinsesa at inyong Prinsipe." Sabi ni Alelie, parang mas madami pa silang line sakin e.
"At naging masaya at pormal ang paguusap ng dalawang kaharian, nagkaroon sila ng kasunduan na gaganapin ang kasal pag katapos ng kabilugan ng buwan." Sabi ni Christian, ang galing din niya mag deliver ha? Well Christian yan e.
"Prinsesa?" Sabi ni Emman sa akin, wow kikiligin ba ko? Mukha siyang seryoso e.
"O, bakit ka naparito Prinsipe Emmanuel? May maitutulong ba ako?" Tanung ko sa kanya, well muntik na kong mawala sa line.
" Wala naman mahal na Prinsesa, nais ko lang masilayan ang iyong mukha." Sabi ni Emmanuel. Parang kinikig ako ha? Well di pwede ngayon.
"Ako'y iyong makakapiling sa pang buhay aking prinsipe, sana'y maging masaya tayo," sabi ko, well dapat daw seryosohin.
"Nalalapit na ang ating kasal aking prinsesa, ika'y aking magiging Reyna at magiging ina ng ating mga supling" Sabi ni Emman, nakita ko naman na kinikilig yung inang classmate namin, mga echusera tong mga to!
"Ako'y nagagalak sa mga mangyayari pag katapos ng gabing ito" sabi ko, naaliw ako magtagalog pero wait parang nakalimutan ko yung sunod na word.... Shetness
"Tayo'y mag pahinga na't ating ...."cruck cruck! I forgot my line, shet tumingin agad ako kay Christian, mukha naman natauhan ako sa ginawa ko." Ating ipagpunyagi ang ating natitirang araw bago ang ating pagiisang dibdib..." Wushh buti na alala ko .
"Ika'y tama aking prinsesa,ako'y liliban na. Salamat aking prinsesa." Sabi niya sa akin, pumasok na ko sa loob, pagkapasok ko hays salamat naman..
"At makaraan ang ilang araw, dumating na ang selebrasyon na pinaka iintay ng bawat isa sa kanila, ang kasalanan." Sabi ni Sebastian, wew di pa ba matatapos to?
"Sila'y nasa harap na ng altar at nagsumpaan na magkakaroon ng maganda at magaan na buhay na magkasama." Sabi ni Christian,
"Maaari mo ng halikan ang iyong asawa" sabi nung pari sa amin,
"Ako ba'y iyong pahihintulutan aking Reyna?" Tanung ni Emman, abay talagang nakangisi pa siya oh?
"Maaari aking Hari." Sabi ko.
I close my eyes and i suddenly felt his kiss, its so hot but its bearable, its soft and tempting. Wala akong choice kundi ilayo ang sarili ko para di na magtagal pa..
At ayun after that kiss, dun nadin natapos yung play and ayun Happy Ending, pero napansin ko na nag punta kami ng backstage, i saw Him staring at me pero nung natauhan ata siya, umiwas agad siya, anu problema nun?
"Guys!! Let's celebrate!!" Sigaw ni Rosy..
"Tara sa bahay! Luluto ako.!" Sabi ni Edseth.
"Yehey!! Gutom na ko seryoso!!" Sabi ni Alelie.
"Nga pala Congratulations sa mga nagplay!!" Sabi ni Sebastian
"Asan si Christian?" Tanung ni Jay
"Ah nakita ko kanina kausap si Mr.Ford" sabi ni Miguel sa amin.
"Bakit daw?" Tanung ni Shayn
"Malalaman din natin yun. Tara ayusin na natin to tas para makauwi na tayo.." Sabi ko. Napansin ko ulit si Emman, he's so quiet and thats unusual.
At ayun na nag ayus na kami and nagiisip parin ako kung anung nangyari sa kanya, may nagawa kaya ako? Hahaha well edi sabihin niya sakin....
"Still thinking about Emman?"narinig kong tanung ni Christian, alam ko siya yun kahit nasa likod ko siya.
"Yep he's acting weird after the play e." Sabi ko sakanya, tumabi naman siya sa akin.
"Its not about the play, it's about the kiss." Sabi niya, huh? Kiss, its just a kiss, bakit? Nakagat ko ba ang labi niya?
"Wala naman yun e, tsaka bakit sa kiss diba?" Tanung ko sa kanya na may pagtaas ng boses.
"Chill, but isn't that palpable Mica, your not stupid para di mahalata yun. mukhang pinatikim mo siya ng kamandag mo? Hahaha!" Sabi ni Christian, tong lalaking to kahit kelan talaga!
"Shut up, yep im not the stupid, well kamandag na kung kamandag pero di ako tinablan kung anuman yung ginawa niya." Sabi ko sa kanya, mahahalata niya kaya?
"Your obvious Mica," narining kong bulong niya, nag pretend na lang ako na kunwari di ko narinig para di na humaba pa.
At ayun na nga on our way home para mag celebrate. But alam ko sa sarili kong affected ako, cuz its my first kiss and by describing that kiss? Alam kong may mali akong nararamdam. Asar bakit kasi ganun it should be my ace para sa kanya.. Pero mukhang ang natalo ha? But i wont let that happen..
To be Continue....
The End of Chapter 21..
I hope nagustuhan niyo! :))

BINABASA MO ANG
A Definition of Love
Dla nastolatkówMaraming tao ang nakakaalam kung anu ang salitang LOVE We have our different definitions of Love Hindi nating masasabi kung tama ba o mali ang defintion ng love sa isang tao Love can build Relationship and it can also Destroy We all know about this...