Megan's POV
((after 2 weeks))
sinagot ko na si Gerard. Siya yung masugit na manliligaw ko.
Pagkatapos ng inuman namin... di na sumasama sa akin si Julie.. di na rin pumupunta sa condo.
>.< tampo siguro si bakla kase ako magboyfriend na. Siya wala pa rin. :))
pero ewan parang hindi tampo eh parang may nagbago sa amin.
"Meg? okay ka lang ba?"-Gerard
"a-ah.. oo okay lang ako.."
nasa mall kase kami ngayon naglalakad napansin siguro na balisa ako.
"S-sure ka ba? baka naboboringan ka na sa akin. Sorry ha.."-Gerard
"ha?? wag ka na ganyan... may poblema lang ako at di dahil sau un.. kaya chill ka lang ha?"
sabay hawak sa kamay nia.. pansin ko kase kanina pa nagkakabungguan kamay namin kaso nagaalangan siya..
He smiled...
"lamig ng kamay mo.. hahaha..kanina mo pa gusto hawakan kamay ko noh kaso natatakot ka? hahaha. eto na.."
"a-ahehehe.. o-oo..."-Gerard
ewan ko ba ano nagustuhan ko dito sa mokong na to. Napakamahiyain... torpe ika nga... kahit na nung nanliligaw nanginginig pa.. hahahha!!!! kala mo eh pagrereportin sa klase.
pero gwapo siya.. nerdy nga lang...kilala siang matalino sa school.
ako... common lang. student na di naman honor.. average ika nga.
antagal nanligaw nian sa akin.. 3rd year pa lang.. eh 4th yr na kmi.. hahaha isang taon at 4 na buwan.. . so ang haba ng buhok ko.. tabi... mga friend baka natatapakam nio na!!' charot!
nakita ko ung pasensya nia na maghintay.. nakilala ko na rin ugali nia.. pagkasama nia kaibigan nia.. kapatid.. at pagkausap nia magulang nia.. Iba talaga.. swak na swak sia sa panlasa ko!!! :">
Gerard's POV
nahihiya ako kay Meg kase hiyang hiya pa rin ako sa kanya.. bat nga ba wala ako lakas ng loob.. khit kaunti..
sya pa humawak sa kamay ko.. >,<
kahiya talaga...
pero sobrang saya ko na sinagot na niya ko. Gustong gusto ko talaga siya.. gusto? kase pagmahal sobra na un.. di na kapanipaniwala.. basta iaalay ko amg pagmamahal ko sa kanya.. hindi naman kase totoo ung mahal agad sasabihin..
Napakakulit nia.. Ang ganda nia.. cute ngumiti.. simple lang.
basta.. napakabaet nia.. kahit na minsan pilya siya.. kakaiba siyang babae.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/4758427-288-k639976.jpg)