Nagising ako dahil sa malamig na bagay na kanina pa dumadampi sa pisnge ko.Di ko nga alam kung panaginip pa ba o totoo na, para kasing may dumidila sa pisnge ko. EWWW
ARF-ARF!!
Nastiff ako bigla sa narinig ko.
SHIT! Did I hear it right. May aso sa kwarto ko? Please tell me wala!!
Naramdaman ko uli na dinilaan nya ang pisnge ko. Napapikit ako lalo kahit nakapikit na naman talaga ako kanina pa, dahil di naman talaga ako dumilat kasi ayaw ko nga makita yung aso.
So siguro alam nyo na by now na ako'y takot sa ASO!! Hindi naman sya phobiang maituturing kasi ok lang naman na makakita ako ng aso, wag lang syang lumapit sakin.
Nagsimula lang naman akong matakot sa aso nung grade 2 ako, hinabol kasi ko nung aso ng kapitbahay namin sa di ko malamang dahilan, kaya simula nun ayaw ko ng lalapitan ako ng mga aso.
"Huhu. Doggy please get out na! Stop licking me please!" sabi ko dun sa aso habang nakapikit parin. Ayaw ko kasi syang makita, baka kasi pagdumilat ako bigla nalang akong sakmalin nitong asong to.
Anyway, bakit nga ba may aso sa kwarto ko? Sa pagkakaalala ko wala naman kaming aso, kasi nga takot ako.
Oh my God! Wala ako sa bahay. Sh*t nasa kalsada pa yata ako. Pero malambot naman, parang nasa kama naman ako.
Unti-unti kong dinilat ang isa kong mata at nakita kong nakatitig sakin ang isang mabalahibong aso na di ko alam ang breed. Brown ang kulay ng makapal nyang balahibo. Pinikit ko uli ang mata ko at huminga ng malalim. Di naman pala nakakatakot.
"AHHHHHH!" napasigaw ako ng naramdaman ko ang mga kuko nya sa balat ko, di naman talaga sya masakit, nagulat lang ako. Napadilat na din ako ng mga mata at nakita kong lumayo rin yung aso, nagtago sa likod nung couch, natakot din yata sa sigaw ko.
"WHY WHAT HAPPENED?" napatingin nalang ako sa taong nagmamadaling pumasok sa kwarto na napagtanto kong hindi saakin. Sh*t bakit ang gwapo nya? Erase erase, bakit naisip yun. Pero totoo ang gwapo nya talaga jawdropping ang kagwapuhan, mala Adonis ang katawan. Argg.. Iniling iling ko ang ulo ko para mawala ang iniisip ko.
"Ah- where am I?" natanong ko nalang, naalala ko na kasi, sya yung taong nakakita sakin kagabi."who-who are you?" pakiramdam ko tuloy tumutulo na ang laway ko. Napahawak ako sa gilid ng labi ko. Yuck!!kunti nalang yata talaga tutulo na. EWW. Namemesmerize kasi ako sa kanya.
"PSS. " yun lang ang ang sinabi nya at lumabas na sa kwarto. Sumunod naman sa kanya yung aso.
OHKAY! Ang weird nya pero, grabe pwede pala ang ganun kagwapong mukha? Di ba kasalanan na yun?
Bumangon nalang ako. Napansin kong iba na yung damit ko, naka malaking plain white t-shirt at maikling shorts na maong na ako at naka-hang na yung gown ko sa isang sulok ng kwarto.
Di naman ako nagpanik, for sure wala naman syang ginawang masama saakin kasi kung may balak syang masama sakin bat nya pa ko dadalin dito sa kung saan man to kung pwede nya naman na kong iwan dun sa gitna ng kalsada.
Aaminin kong nasasaktan parin ako sa mga nangyari kahapon, sino ba namang hindi diba? Iniisip ko nalang may mga masasakit na bagay talagang kaylangang mangyari para sa mas magagandang bagay. Ano ba tong mga bagay na sinasabi ko. Ang drama ko naman.haha
Naiiyak ako. Tumingala nalang ako para dimatuloy ang pagtulo ng luha ko. Aaliwin ko nalang siguro ang sarili ko ngayong araw para kahit papano ay makalimutan ko SYA!
Very relaxing ang aura sa kwarto, parang kung ganito ang kwarto ko sa bahay ay kahit maghapon na kong hindi lumabas.
After kong isurvey ang kwarto ay inikot ikot ko ang buhok ko para maging bun saka pumasok sa banyo at ginawa ang mga rituals ng isang babae sa umaga. Good thing kumpleto ang lahat ng kaylangan sa banyo, from towel to tissue, soap to shampoo etc, etc.
After all the rituals lumabas na ko ng room.
Kaylangan kong magpasalamat dun sa taong tumulong saakin kagabi.
Paglabas ko ngkwarto nagulat pa ko sa nakita ko, ang laki ng bahay, grabe! Pagkalabas kasi ng kwartong ginagamit ko ay may grand spiral stairs yung parang sa mga mansyon at mula sa kinatatayuan ko ngayon ay kita na ang buong sala na nakakaamaze sa laki, parang lobby ng hotel! Sabihin nyo nang sobra naman, pero swear! Totoo sya! Parang ancestral house sya pero bongga parin talaga.
"How long are you planning to stand there?"nagulat ako nung mula sa likod ko ay may batang babae na sobrang cute! Curly yung hair nya na lagpas balikat, maputi at may dimples, mga 5 years old na sya. Anak siguro sya nung mala Adonis na lalaki, magkamukha sila ehh.
"Don't stare, that's rude." sabi nya ulit. Natauhan na ko sa sinabi nyang yun.
"So-sorry." ang sungit nya naman. Mana yata sa tatay nya. Tumabi na ko para makadaan sya. Ang weird naman ng mga tao dito. Parang may mga dalaw sa sungit.
Nagdirediretso na syang pababa ng hagdan at di na ulit tumingin sakin.
Nung nasa baba na sya saka lang uli sya tumingin sakin. Tinitigan nya lang ako ng mga 5 seconds na parang may nakikita syang ibang tao sa likod ko.
"Balak mo bang tumayo nalang dyan maghapon?"nagtayuan ata lahat ng balahibo ko sa katawan nung may nagsalita uli sa likod ko. Sht*! Bahay ba to ng mga creepy people?
"Kuya, that's what i told her din." Wow biglang nagiba ang tono ni cutie ahh. Naging sweet.
"Tara na, sumabay ka na magluch saamin." natulala nalang ako ng alalayan nya kong bumaba ng hagdan. Ang weird talaga nila sobra! Kanina sa kwarto parang ang sungit sungit nya tapos ngayon parang ang bait.
Pag dating naming sa dining hall, may dalawang tao na dun,siguro nasa late 50's na sila pareho, parang magasawa. Sila siguro ang mga magulang nitong gwapo sa tabi ko.
"Oh, gising ka na pala. Halika at samahan mo na kaming maglunch." Sabi sakin nung maganda, grabe ang ganda nya kahit medyo may edad na. Nahiya naman ako, kahit di nila ako kilala pinatuloy nila ko rito.
"Ano nga palang pagalan mo hija?" tanong naman sakin nung makisig na lalaki.
"Prescilla po. Francess Prescilla Gutierez " Sabi ko ng nakayuko. Nahihiya talaga ako.
"Ang ganda naman ng pangalan mo, ako nga pala si Iza call me tita, and this is my husband, Ernest." Pakilala ni 'tita Iza'. "At siya naman si Knight ang nagdala sayo dito kagabi. At ang maliit na bata na yan ay si Yumi. Mga apo namin sila." Tinuro nya pa si Yumi na nasa tabi na ngayon ni Knight. WAIT! Whuttt?! Apo?! Ang bata pa nila para magkaroon ng apong kasing edad ni... Knight, na siguro nasa mid 20's na. Nahalata yata ni tita Iza na nagulat ako kaya tumawa sya at ~kalimutan~mo~na~yun~ wave ng kamay.
"Lets eat. Mamaya nalang tayo mag usap." Sabi ni Mr. Alcantara
Kinabahan ako sa word na 'mag usap'. Baka kung anong isipin nila sakin.
Tahimik lang kaming kumain. Paminsan ay may tinatanong si Mr. Ernest si Knight ng random questions, na di ko naman maintindihan.Namiss ko tuloy ang pamilya ko. Ganito rin kasi kami sa bahay. Naguilty tuloy ako. Malamang kasi sobra na ang pagaalala nila sakin.
*******
BINABASA MO ANG
My Turning Point
Romancewhat if, your perfectly and smoothly flowing life ends in just a flash? everything is perfect until the day you thought your best day became the your worst nightmare?? who will be your savior?? who will show you that everything's gonna be fine? but...