VIII

1 0 0
                                    

Alam kong nahihirapan na ang pamilya ko na nakikita akong ganito, ano bang magagawa ko? Mahirap mapanggap na ok ako kahit ang totoo, durog na durog na ko. Akala nga yata ng parents ko nababaliw na ko dahil may pinakausap sila saakin na isang Psychiatrist. Pakiramdam ko nung mga oras na kausap ko si Dra. Hidalgo bumalik lang ang lahat ng sakit. Kung anu ano kasi ang tinanong nya saakin na lalong nagpapaalala saakin ng lahat nga mga pangit na nangyari. Palagay ko nga hindi sya effective na psychiatrist lalo yata akong mababaliw dahil sa kanya.O ako lang ba ang ayaw talagang bumitiw, kasi may explanation naman sya sa lahat, ayaw ko lang talagang tanggapin.

Nakadalawang sessions lang kami, kasi nga lalo ko lang nararamdaman ang lahat. Kinausap ko sina mama, sinabi kong di ko pa kayang harapin ang lahat ngkatutuhanan. Kahit na ayaw sana nilang pumayag, wala narin silang nagawa.

Ngayong araw, inaya ako ni mama na magshopping, magandang theraphy daw kasi yun, almost 2 weeks na kasi akong hindi lumalabas ng bahay. Ang laki nga nga raw ng pinayat ko, pero kumakain naman ako kahit wala akong gana.

Hindi ko naman talaga hobby ang magshopping, ayaw ko kasi na nagsusukat ng kung anu ano. Pero sumama nalang din ako kay mama. Kaylangan ko rin naman bumawi sa kanya, dahil alam kong nagaalala lang sya saakin.

Pumasok kami sa isang boutique, at todo pili naman si mama ng mga damit, ako sunod lang ng sunod sa kanya, nakakatamad kasi maghalungkat sa mga nakahanger tapos isusukat pa.

Napansin yata ni mama na hindi naman ako nakikipag-cooperate sa kanya kaya inaya nya n ko lumabas. Pumasok naman kami ngayon sa isang stall ng mga sapatos. Sa totoo lang sapatos at bag lang talaga ang gusto kong binibili, kasi diba, pagsapatos, uupo ka lang tapos masusukat mo na, sa bag naman, basta gusto mo na yung design at quality ok na. hindi katulad ng mga damit, my fitting room pa, tapos maghuhubad ka, susuotin yung type mong damit tapos minsan di kasya, tapos hubad na naman, suot ng bago, hubad, suot ng bago, paulit ulit lang, nakakapagod kaya yun tapos pagnasukat mo na,malalaman mong hindi naman pala bagay, di mo rin kukunin.

Umupo nalang ako dun sa sukatan ng sapatos, si mama, may inabot na shoes saakin na may hindi naman kataasang takong, sinukat ko, maganda naman, bagay sa paa ko kaya si mama kukunin na raw.

Nakakalimang sukat na ko ng sapatos at tatlo dun ehh kukunin na raw namin sabi ni mama, naisip ko tuloy, kaylangan ko ba yung mga yun? Kelan ko naman kaya masusuot ang mga yun? Pero dahil si mama naman ang magbabayad at tuwang tuwa sya dahil kahit papano daw ehh may napili ako kaya lulubusin nya na raw,binili nya na yung tatlo.

Lumipat naman kami sa stall nga kilalang brand ng bags, todo pili parin si mama ako naman nagtingintingin nalang, nagpapanggap naiteresado sa isang design doon kahit ang totoo ehh, lumilipad ang utak ko.

"Ate Lila?" Kinalabit ako nung isang batang babae. Pagtingin ko hindi ko maalala ang pangalan nya, kaya tinitigan ko muna sya, baka maalala ko. Sino nga ulit to? Pasensya na, makakalimutin kasi ako sa pangalan.

"Yumi!" may sumigaw sa likod naming. Ayun Yumi nga, sya yung batang apo ng mga Alcantara, kapatid ni Knight.

Pakiramdam ko naman naginit yung pisnge ko nung humarap ako dun sa tumawag kay Yumi. Tama si Knight nga yun. Nakayuko sya kay Yumi at kinakausap ito. Nung tumingin naman sya saakin, nanlaki ang mata nya, di nya yata napansin na ako ang kausap ni Yumi.

"Prescilla! Hi." Sabi nya, nagulat yata. Natrauma siguro nung unang kita nya saakin na mukha akong white lady dun sa private road nila. Medyo napangiti naman ako nung maalala ko yung gabing yun.

"Hi."yun lang din ang nasabi ko,kasi nga wala naman talaga akong masasabi. Hindi narin naman sya nagresponse kaya nagkatinginan lang kami. Nararamdaman ko talagang nagiinit ang pisnge ko, lalagnatin yata ako.

"Anak may napili ka na?" si mama, nasa tabi ko na pala."Ohh. Hi."nasabi nya nalang nung napansin nyang may kausap ako. Si mama naman nagddrool na sa harap ni Knight. Parang adik lang, fan kasi sya ng mga ganyang itsura.

"Ahh. Mama! Ahh he's Knight nga pala sya yung nakwento ko sainyo na nakakita saakin" nagshake hands naman sila, ang mama ko parang naadik parin. Ganyan din ba yung reaction ko nung umagang una kong nakita si Knight ng malinaw? Nakakahiya pala. ", at sya naman si Yumi, little sister ni Knight." Ngumiti naman si Yumi. Hindi ko pala nakwento na kahit papano eh, ok na kami ni Yumi, bago kasi ako umalis sa bahay nila nakausap ko sya at nagsorry sya dahil naging rude daw sya saakin nung una. Ang cute nya nga magsorry ehh.

Nabaling na ngayon ang attention ni mama kay Yumi, mas fan kasi sya ng mga cute na bata kesa sa mga gwapong lalaki. Hindi naman sa malandi si mama, ewan ko ba dyan. Cool kasi yan, yung pagka fan nya, hindi para sa kanya, para saakin. Ewan ko kung pano yun, kahit dati pa, ganyan na yan, pagmay nakikitang pogi, gusto nya maging asawa ko daw adik lang. Para magkaroon daw sya ng mga pogi at magagandang apo. Baliw lang. Minsan nga dati nagseselos pa si Thom kapag may sinasabi si mama na gwapo daw at bagay saakin, pero boto naman si mama kay Thom Kasi nga Gwapo din.

Nagyaya na si mama kumain, inaya nya na rin sina Yumi at Knight. Magkahawak ng kamay si mama at Yumi, kaya kami ni Knight at magkasabay sa paglalakad. Medyo awkward nga kasi di kami naguusap. Si mama kasi nakakainis, pinagpalit na ko kay Yumi.

" Si lala," he's referring to tita Iza. "nasa office, pinapunta nya muna kami dito kasi si Yumi naiinip na sa office. "gulat ako nung nagsalita sya, di ko naman kasi inaasahan na kakausapin nya ko. Tsaka di ko naman sya tinanong kung bakit sila nandito sa mall.

"ahh" yun lang nagging response ko kasi di ko alam ang sasabihin ko.Napapasin ko ang tipid ko yatang magsalita ngayong araw.

"How are you? I mean, yeah, how are you?"Bat nya inuulit yung tanong nya?

"Fine. I guess." Napayuko ako, hindi ko alam kong mahihiya ba ko kasi alam nya ang pinagdaanan ko. Ano ba dapat sabihin ko? Broken?

"You sure?" Teka concern ba sya? O hindi talaga sya naniniwala sakin?

Nakayuko parin ako, hindi na rin naman sya nagtanong ulit. Hindi ko rin namalayan na nasa isang restaurant na pala kami. Pinaghila ako ng upuan ni Knight at Nagthank you naman ako.

Tuwang tuwa talaga si mama kay Yumi, may balak na yatang ampunin si Yumi, ewan ko lang kung pumayag si Knight.haha

Hindi ko alam pero pang gumaan nga ang pakiramdam ko. Siguro kasi nakakatuwa si Yumi.

***********

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon