Narinig kong nagkaroon na ng commotion sa loob ng simbahan, di pa kasi ako humaharap nakatulala lang ako sa harap ng altar at tahimik na umiiyak.
Naramdaman ko na lumapit na saakin ang mama ko kasunod ang papa ko at niyakap ako. Dun na ako humagulhol, sa pagyakap na parents ko saakin, doon ko naramdaman na totoo nga ang nangyayari at hindi isang panaginip, na iniwan nga ako ni Thom sa harap ng lahat sa araw ng kasal namin.
"'Di na namin sya inabutan." narinig kong sabi ng kuya David ko.
"Gago yung lalaking yun ahh.. Ok ka lang ba bunso?" sabi naman ni kuya Paul, at niyakap ako.
Hindi na ko umimik hanggang sa makauwi kami di ako nagsalita.
Alam kong nagaalala ang pamilya ko pero, anong magagawa ko, parang wala na kong lakas para salita, siguro pagnagsalita ako di rin nila maiintindihan kasi hahagulhol lang ako..
Di ko nga namalayan na nakauwi na pala kami. Iniwan muna ako ng mama ko dito sa kwarto para raw makapagisip ako. Aasikasuhin daw muna nya yung mga bisita na nagtataka na sa mga nangyayari.
Alam kong hinahunting na ng mga kuya at pinsan ko si Thom ngayon. Pero sana naman wag nilang saktan si Thom. Syempre I still care for him kahit ganto ang ginawa niya.
Habang magisa ako sa kwarto, di ko mapigilang magisip na baka biro lang ito, baka may malaking surprise si Thom sakin, mahilig kasi sya sa mga surprises.
Pinagdarasal ko na nasa plano nya lang to para bigyan ako ng kakaibang wedding. Para mas maappreciate ko yong effort nya, -halos ako lang kasi ang umasikaso ng kasal dahil nagpunta
sya sa Singapore for business purposes- so he planned something new.
"Siguro mayamaya lang papasok na sya dito para kunin ako at itakas para kidnap effect naman daw yung scene. Tapos magpapanik sina mama kaasi bigla akong nawala.hahaha"parang tanga lang akong nagsasalita at tumatawa habang umaagos parin ang mga luha ko. Nababaliw na yata ako.
"Di ba Chin, babalik ang daddy mo?" nababaliw na nga yata talaga ako, kinakausap ko lang naman yung malaking stuffed toy na bigay ni Thom sakin nung 2nd anniversary namin.
"Tingin mo Chin? Dapat ba hanapin ko na sya, tignan mo di pa hinuhubad ni mommy yung gown nya, baka kasi bumalik pa si daddy. Para prepared pa rin ako. Baka hinihintay nya ko dun sa place namin. Diba?" natuluyan na talaga ako.
**
Napagdisisyunan kong tumakas, pupunta ako dun sa place namin, sa isang farm na taniman ng mga mangga. Sabi kasi sakin ni Thom dati, paggusto nya ng peace of mind dun daw sya pupunta at paghinanap ko sya dun ko sya puntahan.
Di ko alam kung paano ako nakatakas nang hindi nila namamalayan. Ginamit ko yung kotse ko na nasa labas pa ng gate, ewan ko kung sinong gumamit. Luckily andun pa yung susi.
BINABASA MO ANG
My Turning Point
Romancewhat if, your perfectly and smoothly flowing life ends in just a flash? everything is perfect until the day you thought your best day became the your worst nightmare?? who will be your savior?? who will show you that everything's gonna be fine? but...