VII

1 0 0
                                    

Saan nga ba ako pupunta? Nagdadrive kasi ako at parang wala

yatang patutunguhan tong pagmamaneho ko.

Pero bakit parang familiar yung route?

Shocks bakit ako pupunta dun? Nasisisraan na ba ako ng ulo?

Sa manggahan? Seriously?!

Bakit ganito? Di ko magawang tapakan ang break, tuloy tuloy

lang akong nakapasok sa loob nang mango farm. Bumaba ako malapit sa pinaka

matanda at pinakamalaking puno sa farm. Nung makalapit na ko ng husto, may

nakita akong nakalatag na picnic mat at picnic basket. Mukhang may nag

bobonding ngayon dito ahh.

Sa di kalayuan may nakita akong dalawang tao, mukhang

naghahabulan sila. Hindi ko masyadong kita angmga mukha nila, parang blurry. Magboyfriend yata. Hinahabol nung lalaki yung

babae at halatang tuwang tuwa sila. Ganyan din kami dito ni Thom. Every weekend nagpupunta kami dito para

magpicnic.

Lalapitan ko sana kaso nakakahiya, baka makaabala pa ko.

Tuloy parin sila sa paghahabulan hanggang sa naabutan na

nung guy yung girl. Binuhat nya ito at nagpaikot ikot sila hanggang sa natumba

na silang pareho sa damuhan. Tawa sila ng tawa. Hindi ko alam pero nasasaktan

ako sa nakikita ko. Naiinggit ako.

Halata sa kanilang mahal nila ang isat isa. Ganyan din kaya

kami ni Thom tignan dati? Ganyan din ba ako kasaya dati?

Hinalikan na ngayon nung guy si girl na nasa ilalim nya.

Nasa ibabaw kasi yung lalaki, nadadaganan nya yung babae. Nakakainggit silang

panuorin. Ginagawa rin ni Thom yan, naalala ko napaka sweet nyang tao.

Nagulat ako nung humarap sakin yung lalaki at ngumiti doon,

unti unting luminaw ang mukha nya. Napaiyak nalang ako. Pakshet kasi, bakit

kamukha ni Thom yun guy? Kambal nya ba yun? As far as I can remember tatlo lang

silang magkakapatid at wala syang twin.

Ibig sabihin sya nga yun. Nakatingin parin sya sakin at

nakangiti. Sobrang sakit. Ang sakit sakit. Nararamdaman kong unti unting

nadudurog ang puso ko. Bakit ganun ang saya saya nya.

Siguro nga hindi nya na ko mahal. Shet lang. naramdaman kong

parang lumalapit na ako sakanila kahit di naman ako humahakbang, parang nagzozoom

in ang paningin ko at nagging malinaw naang ginagawa nila. Hinalikan nya ulit

yung babae, halik na parang gusto nya nang kainin ang buong mukha nung babae. Sa pisnge, sa ilong, sa mata, sa baba at sa

buong mukha nung babae hanggang sa unti unting bumaba ang halik nya sa leeg at

pinasok nya narin ang kamay nya sa damit nung babae.

OHGOD! Di ko na kayang tignan ang mga pangyayaring to.

Pinikit ko ang mata ko, pero bakit nakikita ko parin sila sa isip ko. Naiinis

na ko sa sarili ko. Bakit di pa ko umalis dito? Bakit ayaw gumalaw ng mga paa

ko?

Pagdilat ko patuloy parin sila sa ginagawa nila. Are they

really going to do THAT here? Di na sila nahiya, diba sila nagwoworry na baka

may makakita sa kanila tulad ko? Pero di yan ang concern ko ngayon. Nasasaktan

ako ng sobra! Kunti nalang nakahubad na

yung babae. Di ko Makita ang mukha nya. Bakit parang gustong gusto nila ang

ginagawa nila. Parang nagawa na nila yun

dati.

Gusto ko silang sigawan! Gusto ko silang sugurin at

hindi ko alam kung anong magagawa ko

sakanila paglumapit ako. Tumingin pa sakin si Thom na parang proud pa sya sa

ginagawa nila at gusto nya talagang ipakita pa to sakin. Di na sya nahiya.

Talaga bang gagawin nila yun sa harap ko? Alam nyang nakatingin ako sa kanila

at nakikita ko ang ginagawa nila pero bakit di man lang sya tumigil?

Ipinapakita nya pa talagang nageenjoy sya.

Yan ba ang dahilan kaya nya ko iniwan? Dahil hindi ko pa

nabibigay sakanya ang bagay na maaring naibigay na ng babaeng iyan? Yun lang

ba?

Shet ka Thom! Shet ka!! Napaka babaw ng dahilan mo! Gusto ko

yan isigaw sakanya pero di ko magawa. Wala na kong lakas patuloy parin ako sa

pagiyak. Di ko mapigilan. Humamagulhol na ko ng malakas pero wala yata silang

naririnig. Nakakinis!

"Lila! Lila baby!Lila Wake up!OH GOD! Wake up!" si mama. Oh

my God! Nagising na ko, pero bakit parang di ko kayang pigilan yung iyak ko?

Panaginip! No bangungot! Binabangungot ako.

"You're crying. Why?

What happened?" niyakap ko nalang si mama at umiyak na ng umiyak. Hindi ako

makapagsalita. Parang nabarahan na nang kung ano ang lalamunan ko.

" I...I saw h-him.B-bakit ganun ma?" Di ko na masabi ang mga

gusto kong sabihin dahil sa sakit ng lalamunan ko at hindi na ko makahinga.

Parang sobrag durog na ang puso ko.

"Here drink this". Hindi ko na namalayan na pumasok na pala

si papa sa kwarot ko na may dalang tubig. Iniimom ko yunnat unti unti, medyo

nahimasmasan ako, pero nandon parin ang sakit, ang sakit na hindi kayang

lunurin ng tubig. Kahit yata isang

galong tubig pa ang inumin ko, hindi niyon mawwash out ang mga piraso ng

puso ko na nadurog na ni Thom.

Hindi na umalis si mama sa tabi ko. Akala ko ba ok na ko,

akala ko dahil sa hindi na ko umiyak kagabi tuloy tuloy na. Akala ko mahaharap

ko na ang araw na to na tanggap nang wala na nga kami ni Thom. Akala ko

magiging madali lang ang lahat. Sabagay,puro naman kasi ako akala, diba nga

akala ko happily ever after ko na nung isang araw, yun pala umpisa na yun ng

lahat ngpaghihirap ko.

***********

G G S%

My Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon