Chapter 12- Memories

15.5K 448 2
                                    

Nathaniella PoV

Nagising ako ng naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko.

Isang babae hindi ko siya kilala ang ganda niya.

"S-sino ka?"-tanong ko ngunit isang ngiti lang ang ibinalik niya saakin. Tumingin ako sa paligid at alam kong hindi ito ang bahay namin.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang babae kakaiba ang mata ng babae iba ang kulay nito sa karaniwang mata ng tao. Kulay pula ang mata na may halong itim. Isa lang ang nasaisip ko ngayon isang demonyo nasa harapan ko

"Nasaan ako?"-tanong ko sakanya.

"Huwag kang mag alala ligtas ka dito"-sabi niya at tumayo na sa kama.

"Sumunod ka na lang sa ibaba."-sabi niya at lumabas na ng kwarto. Tumayo ako at pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto. Malaki ito mas malaki pa sa tinutuluyan naming bahay.

Bigla na lang pumasok sa isipan ko ang aking nanay. Kahit hindi ko siya totoong nanay ay tinuring niya akong tunay na anak. Mag asawa silang hindi na magkakaanak.

Inalala ko kung anong nangyari kanina kung paano akong napunta dito.

Tama! May isang lalaki na nagpakilala saakin ang sabi niya ay dadalhin niya ako sa tunay kong pamilya. Ngunit isa lang pala itong kasinungalingan pinunta niya nga ako sa malaking mansyon ngunit ang ikinagulat ko ay ang pagtali niya saakin. Pinatulog niya ako at hanggang duon na lang ang naalala ko.

Katulad ng sinabi ng babae kanina ay bumaba ako. Nakita ko siyang naghahanda ng pagkain sa ibaba ngunit may nakaagaw ng pansin ko. Isa rin siyang babae at magkamukhang magkamukha ang dalawa ang pinag kaiba lang nila ay ang kanilang buhok.

Mukhang naramdaman nila ang presensya ko kaya napatingin sila saakin ngumiti sila kakaibang ngiti nakakakilabot para bang kinukuha nila ang kaluluwa ko.

"Sino kayo? Paano ako napunta dito"-sabi ko sakanila.

"Mamaya malalaman mo na ang lahat tungkol saiyo"-sabi niya.

Lumapit ako sakanila at pinagmasdan silang dalawa. Parehas sila ng kulay ng mata.

"Bakit ganyan ang kulay ng mata niyo? Kakaiba"-sabi ko

"haha, kakaiba talaga tayo, Ang mata mo rin ay may kakaibang kulay. Makikita mo ito mamaya"-sabi niya

Nakarinig naman kami ng pagbukas at pagsara ng pinto kaya sabay sabay kaming napatingin sa pintuan.

Nanay, Tatay

Lumapit ako sakanila at niyakap sila. Niyakap rin nila ako pabalik.

Nang matapos ay pumunta sila sa harapan ng dalawang babae.

"Sisimulan na po ba natin?"-sabi ni nanay

"Magsimula na tayo"-sabi ng isabg babae.

Sabay sabay kaming pumunta sa sala.

"Anak makinig ka, Oras na para malaman mo ang katotohanan"-sabi niya

Ibinigay niya saakin ang isang tabletang gamot, hindi ito tulad ng iniinom kong gamot kaya napatingin ako sakanila

"Huwag kang mag alala yan ang gamot para maalala mo na ang nakaraan mo"-sabi niya

Ininom ko na ito. Maya maya lang ay may lumalabas na sa utak ko.

Isang batang babae na may kulay violet na mata. May kasama siyang kambal na babae na tulad niya ay may kakaibang mata.

Nag iba ang imahe dumating ito sa isang kaarawan ng batang babae kasama nanaman ang kambal. Ngunit hindi masaya ang batang babae, pagkalipas ng ilang saglit ay may pumasok na isang babae at lalaki, mag asawa biglang sumilay ang ngiti ng tatlong bata.

Nag iba nanaman ang imahe. Mga dalaga na sila at isa lang ang nasa isip niya ngayon, siya ang batang may violet na mata.

Nagulat siya ng may putok ng baril. Pinayuko siya ng kambal at kinuha ng isang bata ang baril sa boots nito at nakipagbarilan ang isa naman ay kasama niya papunta sa likurang bahagi ng bahay ngunit isang kagimbal gimbal na eksena ang nagpagulat sa kanilang dalawa eksenang pagpatay sa magulang nila.

"Dito ka lang huwag na huwag kang lalapit nathaniella naiintindihan mo ba"- sabi ng bata sakanya

"Opo ate, mag iingat ka"-sabi niya

Lumapit ang bata sa kanilang ama at ina. May ibinulong ang ama niya sa ate niya. Ngunit nagulat si nathalia ng barilin ng lalaki ang ate niya kakaiba ang nararamdaman niya umiinit ang katawan niya sa galit. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang hawak niya itak. Tumakbo siya papalapit sa lalaki at tinadtad ito.

"Nathaniella tama na"-sabi ng isa niya pang ate.

"Si ate danica"-sabi niya habang tumutulo na ang luha.

Nag iba nanaman ang mga imahe.

May isang lalaki na pilit siyang pinapapasok sa loob ng sasakyan

"Sumama ka na, para naman sumama rin si ate mitchelle mo"-sabi ng lalaki

"Baliw ka! Kahit kailan hindi ka minahal ni ate mitchelle"-sabi niya sa lalaki

"Hindi yan totoo papatunayan ko saiyo"-sabi ng lalaki sabay sinuntok siya sa tiyan. Sobrang sakit ang naramdaman niya.

Habang nakasakay sila sa kotse ay kung ano ano ang sinasabi ng lalaki bulong lang ito at nababaliw na talaga ang lalaki.

Hindi napansin ng lalaki ang isang paparating na kotse

"Mababangga tayo!!!!"-sigaw niya sabay ikot sa manibela pakanan. Ngunit naiwasan man nila ang sasakyan ay nabangga pa rin sila sa isang malaking puno. Kitang kita niya ang pagkawarak ng unahang parte ng sasakyan.

Pinilit niyang lumabas sa loob ng kotse. Masiyado na siyang nauubusan ng hininga.

Nag iba nanaman ang imahe

Nasa ospital siya nakatingin sa mga ate niya.

"May isang binilin saakin si daddy"-sabi ng ate mitchelle niya

"Ano yun ate?"-tanong niya sa ate

"Kailangan mong makalimot, tanda mo ba ang nakita mo bago ang aksidente, yung illegal na transaction ng droga"-sabi ng ate

"Opo, naalala ko"-sabi niya

"Nakilala ka ng isa sa kanila kailangan mong magtago at makalimot"-sabi ng ate niya

"papayag akong magtago pero ang makalimot ayoko. Ayokong makalimutan kayo"-sabi niya

"patawad"-sabi ng ate niya bago iturok sa kanya ang isang imbensyon ng kambal. Ang gamot na maari kang makalimot.

Binuksan niya ang mata niya. May bahid pa ito ng luha.

"kayo, kayo ang mga kapatid ko"-sabi niya sa dalawang babae

"Kami nga nathaniella"-sabi ng isa

"Ate mitchelle ate danica"-sabi niya sabay yakap sa dalawa.

"Namiss ko kayo"-sabi niya

"Mas namiss ka namin"-sabi ni danica

"Alam kong mentally down ka ngayon kaya magpahinga ka muna ihahatid ka namin sa kwarto mo "-sabi ng ate mitchelle niya

Tumango na lang siya dahil totoo naman ang sinabi ng ate niya.

Pagkadating sa kwarto ay humiga na kaagad siya at nakaramdam ng antok.

The Devil Twins BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon