Footprints in the Wall

87 7 0
                                    

"Kren anak! may kumakatok ba?" tanong ni Papa sakin.

Napatingin ako ulit sa pinto. Pero hindi ko ito binuksan. Duwag na kung duwag, pero iba kasi ang pakiramdam ko dito sa kumakatok. Bigla kasing nanayo ang balahibo ko pagkahawak ko sa doorknob kanina, kaya bigla rin akong napalayo dito.

"Nak, sabi ko may kumakatok ata sa pinto. ba't di mo binubuksan?" tanong ni Papa na lumabas na ng kusina para tunguhin ako sa sala.

Lalapit na sana si Papa sa pinto ng pigilin ko siya. Nagtataka naman siyang napatingin sakin.

Hawak hawak ko ang braso niya at umiling ng tatlong beses. Nakatingin ang mga mata kong nakikiusap na huwag niyang ituloy ang pagbukas ng pinto.

"Baka si Mama mo yan. Kanina pa kumakatok. Ano bang nangyayari sa'yo?!"

Tanong ni Papa sakin na lalong nagpakaba sakin.

Alam ko kasing hindi uuwi si Mama ngayon dahil, nagtext siya sakin na bukas pa daw siya uuwi. Hindi ko alam kung nag-away na naman sila. Kasi ako lang ang tinext niya at hindi si Papa.

Tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya at tumuloy tuloy sa pinto. Pero bago niya pa mahawakan ang doorknob, biglang nag ring ang phone.

"Pa, baka si Mama yon. Kayo na po ang sumagot."

Tumingin muna ito sa nagriring na telepono bago ito pinuntahan.

Napabuntung hininga naman ako ng dahan dahan na napapikit pa, ngunit mabilis ko din namang idinalat ang mga mata ko.

Nang humarap si Papa sakin, biglang sinabi nito. "Si mama mo ang nasa phone, kakausapin ka daw niya."

Kinuha ko ang telepono na inaabot ni Papa sakin at agad inilapit sa tenga ko.

"Hello Ma?"

"Nak. Makinig ka. Huwag mong bubuksan ang pinto ngayong gabi. O kahit sa susunod na gabi basta ganitong oras. Maliwanag ba?"

"Ma bakit po?" Tanong ko at bahagyang lumingon para tingnan ang kinaroroonan ng pinto. Nang biglang manlaki ang mga mata ko sa nakita...

Ang pinto bukas na bukas na!

At si Papa...wala na rin sa likod ko!

Asan kaya siya nagpunta? Inikot ko ng tingin ang buong sala namin, pero wala na si Papa. Napatingin ako sa malaking orasan. 11:45pm na. 15 minutes na lang pala, mag-aalas dose na. Naririnig ko pa ang boses ni Mama na tinatawag ang pangalan ko sa kabilang linya.

"Nak! Kren! nandyan ka pa ba? Sumagot ka nga. Nag-aalala ako."

"Ma sandali lang. Ang pinto bukas na" parang pabulong na ang pagkakasabi ko nito.

Paano, feeling ko, mukha na lang ang mainit sakin. At ang buong katawan ko nanlalamig na sa takot.

Ang lakas pa ng hangin na nanggagaling sa labas ng bahay. Nililipad ang ibang tuyong dahon papasok din ng bahay.

Hindi ko na narinig ang huling sinabi ni Mama, dahil ibinaba ko na agad ang telepono.

Napapalunok akong humakbang papalayo sa telepono. At ng biglang inihagis si Papa mula sa labas, papasok ng bahay ay halos mapalundag ako sa gulat na nanlalaki ang mga mata ko sa nasaksihan.

Napatingin ako ng mabilis sa kinaroroonan ni Papa na namimilipit na sa sakit sa isang sulok. Duguan siya at maraming hiwa sa mukha.

Nang lalapitan ko na siya, pilit niyang itinuturo ang pinto.

Napatingin naman agad ako sa pinto. Ngunit wala akong nakita. Mabilis kong nilapitan si Papa para sana tulungan. Pero bigla niya sinabing..."T-tumakbo ka n-na. Iligtas mo ang buhay mo Nak!" habang marahan akong itinutulak.

"Pa anong nangyayari? Bakit?" mga katanungan ko kay Papa na sa halip sagutin ako ay pilit ako nitong itinutulak papalayo sa kanya.

"Hindi! hindi ko po kayo iiwan Pa. Kailangan niyo pong madala sa Ospital!" pagkasabi ko nito'y pilit ko siyang binuhat.

Ngunit pumiksi si Papa at mas lalong sumiksik sa sulok. Ayaw niya talagang magpabuhat o magpatulong. Hindi ko alam kung bakit.

"Kren, makinig ka. Mahal na mahal ko kayo ng Mama mo. Tandaan mo yon. At ngayon sundin mo ko. Tumakbo ka hanggat may matataguan ka. Sa kwarto namin ng Mama mo!...tama! dun ka magtago. Huwag mong bubuksan ang pinto kahit anong mangyari. Bilis na Nak. Tumakbo ka na...Nandyan na siya!" nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa bukas na pinto.

Pagkatapos ng huling sinabi ni Papa, napatingin din ako sa tinitingnan niya. At nanlaki din ang mata ko sa nakita...

Hindi ito tao. Hindi rin ito mga aswang na pwedeng umatake kay Papa. Dahil wala! wala akong nakikita. Maliban sa mga...

FOOTPRINT!!

Mga footprint na naiiwan ng kung sinong naglalakad sa pader ng bahay namin. Hindi makitang nilalang at papaikot na ito palapit sa amin ni Papa.

"Kren! tumakbo ka na! Takboo!"

Kasabay ng pagtulak ni Papa sa akin ay na-out balance pa ako. Napaupo ako sa sahig habang kitang kita ko ang papalapit na mga footprint sa akin.

Bago pa makalapit ang mga footprint ay siya namang pagdating ni Mama.

Hinila niya ako papalayo sa lugar na yon kung nasaan rin si Papa. Ayaw ko man iwan si Papa, pero wala na kong nagawa. Nang mula sa pagkakapilipit nito sa sahig ay bigla siyang umangat sa ere ng pabaliktad. Nakita ko pang dumikit ang paa nito sa pinakaceiling at nagkahugis pa ang paa nito doon dahil sa dugo. At mula sa taas ay mabilis na ibinagsak ng di nakikitang nilalang si Papa, na ikinamatay agad nito.

Nagtago kami sa kwarto nila Mama. At mula sa loob ay dinig na dinig ko ang kalampag ng pinto. Nang nararamdaman ko ng malapit ng mabuksan ang pinto, biglang sumigaw si Mama.

"Tigilan mo na kami! Pakiusap. Wag mong sasaktan si Kren. Ako na lang. Ako na lang ang kunin mo! Wag lang ang anak natin!"

Biglang natigil sa pagkalampag ang pinto.

"Oo. Tama!" sabi pa ni Mama. "Tama ang narinig mo. Si Kren ay anak mo! Ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis ko bago pa kami makatakas sa mga kumidnap sakin. Ikaw Greg. Ang tatay ni Kren na gusto mong saktan!"

May narinig kaming parang tumakbo sa gilid ng pader papalayo. Kaya naman nakampante na si Mama. Sinilip niya dahan dahan kung may nasa labas pa. Nang wala na siyang makita ay mabilis siyang lumapit sa akin na natitigilan pa rin sa mga nalaman.

"Sorry Nak, kung hindi agad namin ipinagtapat sa'yo ang lahat. Hayaan mo simula ngayon, sasabihin ko na ang lahat lahat. Sorry" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Nagulat nga talaga ako sa nalaman. Biruin mo, sa edad kung deysi-otso, dun ko pa lang pala malalaman na si Papa Robert ay hindi ko pala totoong Papa. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang makitang unti unting bumubukas ang pinto.

At mula dito ay nagkaroon ng mga footprint na kulay dugo sa pader.

Hindi ako makakilos at pakiramdam ko ay bigla na lang ako nanigas.

Nagtataka naman akong tiningnan ni Mama. "Bakit anong nangyayari?"

Dahan dahan niyang sinundan ang tinitingnan ko. At biglang napasigaw ng makita ang footprints na nasa sa may likuran ko na ngayon.

At tanging sigaw na lang ni Mama ang huli kong narinig ng dalhin ako ng isang di nakikitang nilalang sa kawalan.

"Ikaw ay anak ko. Kaya dapat mo kong samahan dito." sa nakakatakot niyang boses na sabi sakin. At nagpakawala ng dumadagundong na tawa!"

The End.

Footprints in the WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon