Matapos ang malaking engagement party ay isa-isang nagsi-alisan ang mga tao ang kaninang maingay na paligid ay napalitan ng katahimikan.
Nakangiti si Tasha habang nakahawak sa kamay ni Policarpio " Sa wakas ay naging matagumpay ang ating pag-aanunsyo" masayang Saad nito pero parang wala siyang kausap dahil hindi siya sinagot ni Policarpio.
"Ako ba'y iyong naririnig ?"
"Policarpio?, naririnig mo ba ang aking sinasabi?" Tumango ito bilang tugon ngunit patuloy ang paglinga-linga sa paligid.
" Ano ba ang iyong hinahanap? "
" Nakita mo ba ang silbidora rito? Si Vicenta? " Tumingin sa ibang deriksyon si Tasha bago nagsalita.
" Bakit kailangan mo magbanggit sa harapan ko ng pangalan ng babae " inis na Saad ni Tasha
" Patawad, ngunit--" natigilan si Policarpio
Napaisip siya bakit ba kailangan niya hanapin ang babaeng 'yon?
" Wala, may nais lamang akong iutos"
Pagdating sa kwarto ay tahimik ang paligid tanging tunog ng kurtina na tumatama sa bintana galing sa hangin ang naging ingay sa paligid.
Nagbihis si Policarpio at unang hinubad ang coat na isinout kanina bigla siyang natigilan ng matamaan ng tingin ang nakasulat sa kanyang pader na gilid ng kanyang kama
2/18/61 ang nakasulat sa gitna ng hugis puso.
Napahawak si Policarpio sa kanyang sintido
"Ano ba ang isinukat mo?"
"Ito ang unang araw ng pagngiti mo na kasama ako"
Naririnig niya ang boses na nagpapatibok ng kanyang puso ngunit hindi niya makita ng klaro ang mukha nito
Tok tok tok
Napahawak si Policarpio sa kanyang ulo sa sobrang sakit hanggang sa may nakita siyang mukha
Mukha ni Tasha
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Tasha mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at hinila papalapit sa kanya.
Ikinulong niya si Tasha sa kanyang mainit na bisig dala na rin sa utos ng alam hanggang sa sinuklian siya ng yakap ng dalaga.
"Bakit? Ano ang nangyari?" Mahinang saad ni Tasha ngunit napalitan ito ng mahinang ungol
Naging mainit ang kanilang pagyakap hanggang sa napa-upo si Tasha sa kama at unti-unting inilapit ni Policarpio ang labi niya palapit sa labi ng dalaga
Na-itulak ni Policarpio si Tasha dahil habang papalapit ang mukha niya sa mukha ni Tasha ay biglang nag-iba ang mukha nito at naging si Vicenta.
Nabalik sa wistyo si Policarpio at naitulak niya ang katawan ni Tasha sa kama at napahiga ito sa sobrang lakas ng pwersa.
Napahawak si Policarpio sa kanyang sintido at napapikit ng ilang segundo.
"Pasensya ka na" saad ni Policarpio Sa dalaga " maaari ka ng umalis"
"N-ngunit?"
"Patawad kong ako'y naging mapusok"
Tumayo si Tasha sa kama at dahan-dahang hinubad ang kanyang baro hanggang sa ito ay nahukog sa sahig naging ang sleeveless na lang ang naging takip nito sa katawan.
Mabilis na pumunta si Policarpio sa kinaroroonan ni Tasha at pinulot ang baro na nakalanding sa sahig
" Umalis ka sa aking kwarto" malamig na Saad ni Policarpio
" Sana'y wag kang takasan ng respito sa iyong sarili" inabot ni Policarpio ang baro kay Tasha at pumunta sa pinto at binuksan.
Mabilis na isnuot pabalik ni Tasha ang kanyang baro namula ang mukha nito habang nakatingin sa sahig at tuluyan ng umalis.
Kinaumagahan ay nabalitaan niya na nakulomg at nabuksan muli ang kaso ni Vicenta doon niya napagtanto na kaya pala hindi niya ito nakit kagani dahil nandito pala sa kulungan.
Nais niyang tingnan ng walang awa si Vicenta ngunit hindi niya mapigilang maawa sa dalaga dahil sa taas ng panahon sa puder niya ito ay nakitaan naman niya ito ng pagbabago.
Hindi niya alam na muling nagbukas ang kaso nito at ang di niya inaasahang nagbukas muli ng kaso ay si Anastasia.
Dinala nila si Vicenta sa interrogation room tanging si Policarpio at dalawang gwardiya sibil na nakahawak kay vicenta ang nasa loob.
"Bitawan niyo ako" pagpupumuglas ni Vicenta
"Ano ang ginawa niyo sa kapatid ko?" Iyak nitong Saad " ang kawawa kong mga magulang" bulong nitong sambit habang nakatingin sa malayo
Bigla itong lumuhod "parang awa mo na ako, ako na lang ang patawan niyo ng kamatayan"
" Gawin niyo lahat sa katawan ko basta huwag niyo lang idamay ang pamilya ko" iyak nitong sambit habang nakahawak sa laylayan ng uniporme ni Policarpio
Tumalikod si Policarpio dahil hindi niya alam ngunit nanakip sa sakit ang dibdib niya at hindi niya mapigilang napaluha ang kaliwa niyang mata
Pinahid niya ng palihim ang kanyang luha at muling humarap sa akusado
"Bakit mo ako pinagtangkaang patayin" umiling ito ng paulit-ulit
"Hindi ko magagawa ang paratang niyo sa akin" mahina niyang saad
"Ngunit Oo! Nagkamali ako dahil sa pag-ibig, sa labis ng pagtingin ko sayo ay nagawa ko ang bagay na dapat hindi gawain sa mga desenting babae sa panahong ito"
" Nagawa kong painomin ka ng pampatulog at tumabi sa iyo sa isang kama ng walang saplot" hikbi nitong Saad
"pinalabas ko na may nangyari sa atin at naging matagumpay ang aking plano naging kalaguyo nga ako"
"Naging kalaguyo nga ako pero sapat ba na karma ang raranasin ko? " Mahina na wika ni Vicenta habang nakatingin ng deritso kay Policarpio
" Sapat ba na dahilan na isa-isa kong masasaksihan ang kamatayan ng mga taong malapit sa akin? "
" Nagmamahal lang naman ako"
Nakablanko habang naka-tingin kay Vicenta si Policarpio ngunit walang maramdamang senyales na emosyon.
Hinila patayo ng dalawang gwardiya sibil si Vicenta nagpupumuglas ito at pilit na lumuhod sa sahig para ka-awaan.
Imbis na pakinggan ang daing nito ay pwersahan nila itong pinapatayo hanggang sa mahulog sa bulsa ni Vicenta ang bracelet na bigay sa kanya ni Paul noon.
Nakaguhit sa mukha ang gulat ni Paul at mabilis na dinampot ang bracelet na nahulog sa sahig.
Parang iniisipo niya sa pagkakataon ito na Ang lahat ng tanong sa kanyang isipan ay mabibigyan na ng kasagutan.
Napatitig si Paul sa bracelet na hawak niya sa kanyang kamay, tinapunan niya rin ng tingin si Vicenta
"Nakakunot ang noo no Paul habang nakatingin sa dalawang bracelet na hawak niya " Paano mo nakuha ito?"
Tiningnan niya ang initial sa likod ng half moon may Inital na P at sa star may initial na V
"Ang V ay ibig sabihin Vicenta?"Pabulong nitong saad " ngunit bakit wala akong matandaan?" Nagugilohang wika ni Paul
Hinablot ni Vicenta ang bracelet at muling inilagay sa kanyang bulsa
"Wala kang matandaan dahil wala naman talagang dapat tandaan"
" Sino ka ba? "
" Ako? Ako si Vicenta Dimalanta " Saad ni Vicenta at tiningnan si Paul sa mata " ang pangalang ito ay hindi mo dapat tandaan o alamin man lang wala akong ambag sa buhay mo"
BINABASA MO ANG
BALATKAYO ( Change Of Life)
Ficción históricaIkaw? Ano ang gagawin mo kapag napunta ka sa sariling nobela na sinulat mo? At kay malas pa dahil nagtime travel pa sa makalumang kabihasnan at harap-harapang makikilala ang mga pangunahing karakter na gawa lamang sa imahinasyon.