Kinuha ni Tasha ang nobela sa kanyang kwarto binuklat niya ito sa chapter kung saan natigil ang kwentoBinuksan niya ang laptop at muling ginalaw ang takbo ng kwento
Nagagalaw at nagbabago niya ang lahat sa nobela ngunit ang tanging karakter na hindi niya magalaw-galaw ay ang karakter ni Vicenta, kahit ilang pangyayari man ang binago ay nanatiling naalala ni Vicenta ang lahat ng pangyayari
"Bakit ba hindi ko mababago ang babae'ng to edi sana matagal ko ng pinalimot sa kanya si Policarpio" inis na sambit ni Vicenta
" Tama na Vicenta! " Tinakpan niya ang magkabila niyang tainga
" Tigilan mo ako book keeper! Hindi na ako makikinig sayo"
Iiling-iling na tumingin sa kanya si book keeper kahit anong gawin niya ay hindi na talaga mapapabago niya si Vicenta
Backstory
Isang sikat na author si Vicenta Demalanta naging tanyag ang lahat niyang mga sulat kahit ito'y tungkol sa mga makalumang storya
Lingid sa kaalaman ni Vicenta na ang bawat karakter na isinulat niya ay nagkakaroon ito ng buhay sa ibang mundo
sa mundo ng nobela
Magaling si Vicenta ang tanging problema nga lang ay mahilig siya sa tragic ending at pagpatay ng karakter na walang sapat na dahilan o di kaya kapag wala na itong silbi
upang bigyan ng leksyon ay pinasok ni book keeper si Vicenta sa mundo ng nobela kong saan ang Leading man at leading lady ay sina Policarpio, Tasha at Alejandro
Ipinasok ni book keeper si Vicenta sa katauhan ni Tasha upang masaksihan ang hirap ng isang karakter
Naging maganda at unti-unting nagbago ang pananaw niya sa nobela ngunit naging gahaman si Vicenta at ayaw na niya bumalik sa kanyang mundo at mas nais na mamuhay sa mundo ng nobelabilang Tasha
Ang totoong Tasha ay talagang namayapa na dahil natalo ni Vicenta ang totoong katauhan ni Tasha at nagtagumpay siyang nabawi ang katawan nito
Ang akala kasi ni book keeper ay kapag nasaksihan niya ang totoong pangyayari na isinulat niya sa akda ay magbabago ito
nasaksihan ni Vicenta ang kamatayan ng kanyang ina, ng kanyang kaibigan ng kanyang mahal sa buhay na nasa katauhan ni Tasha
Hanggang sa dumating sa punto na nagmahal siya ng karakter at ito ay si Policarpio
Mas lalong ayaw na niya bumalik sa totoong mundo at naging bulag sa pag-ibig
"Bakit mo pinatay ang totoong Tasha?"
"Hindi naman mahalaga kong buhay o patay isa lang siyang karakter! Nandito naman ako sa katauhan niya kaya pwedi akong mamuhay bilang si Tasha "
" Pwedi naman kami magkatuloyan ni Policarpio, ako naman si Tasha rito kaya siya ay para sakin" ngiting sambit nito at excited na iniisip ang kanyang mga plano
"Hindi! Hindi ka maaaring mananatili sa mundong 'to, lumabas ka na rito"
Binuklat ni book keeper ang libro para ibalik si Vicenta sa totoong mundo pero naging matigas siya at ang nailabas na katauhan sa nobela ay ang totoong karakter sa kwento
BINABASA MO ANG
BALATKAYO ( Change Of Life)
Ficción históricaIkaw? Ano ang gagawin mo kapag napunta ka sa sariling nobela na sinulat mo? At kay malas pa dahil nagtime travel pa sa makalumang kabihasnan at harap-harapang makikilala ang mga pangunahing karakter na gawa lamang sa imahinasyon.