Nagising ako bago sumikat ang araw, payapang natutulog si Policarpio habang nakayakap sa bewang ko dahan-dahan kong inangat ang kanyang kamay bago umalis ay hinalikan ko si Policarpio sa noo"Patawad"
Tumalikod ako at umalis sa kubo sobrang bigat ng aking paa bawat hakbang gusto kong bumalik at piliin siya pero hindi pwedi umaagos ang luha ko habang tinatahak ang daan ng biglang nagpakita sa akin si book keeper
"Vicenta, humayo ka at pumunta sa totoong mundo, doon mo mahahanap ang libro na tinutukoy ko"
Inilapag ni book keeper ang maliit na libro na hawak niya at biglang may malaking portal na nakapaloob doon
"Bilis takboo! Panandalian lamang na nakabukas ang portal"
Mabilis akong tumakbo papasok sa portal kahit ang dami ko pa sanang tanong like pano ako makakabalik dito? Pano ko madadala dito ang nobelang tinutukoy niya?
Nagising ako sa harap ng laptop, agad akong tumayo at hinanap ang nobela pumunta ako sa book shelves pero wala roon sinubokan kong e delete ang buong story sa laptop pero walang nagbabago tiningnan ko sa ilalim ng kama baka naka-ipit pero wala rin hanggang sa napa-upo ako sa gilid at pinagsasabunot ang aking sarili
Pinakalma ko ang aking sarili at inisip kong saan ko 'yon nailagay, pumunta ako sa aking kama at binuksan ang zipper ng unan
Nakita ko doon ang nobelang hinahanap ko what's wrong with my Script? By Vicenta Dimalanta "
Tiningnan ko ang nakapaloob sa libro ng bigla akong nabalik sa loob ng nobela
"Ano ang susunod kong gagawin? book keeper gabayan mo ako" mahinang sambit ko habang tinatahak palabas sa madilim na kagubatan
"hanapin mo si Vicenta ang nasa katauhan ni Tasha , bago mo sunogin ang akda na 'yan ay dapat nasa iisang lugar kayong dalawa at magkaharap na tiningnan ang akdang nasusunog "
Patakbo akong pumunta sa bahay ni Policarpio doon ko nga nakita si Vicenta habang minamando ang mga gwardiya
"Hanapin niyo ang kinaroroonan ng dalawa, patayin niyo si Vicenta at iuwi si Policarpio" hinagis ni Tasha/Vicenta ang mga ginto sa harap ng gwardiya at mabilis naman nila itong dinampot
Nagpakita ako sa harap ng gate " Tasha! Ako ba ang hinahanap mo?" Nakapameywang kong saad napakunot ang kanyang noo at mabilis na pumunta sa gawi ko
"Hulihin siya!" Sigaw ni Tasha/V aakma na sana akong huhulihin ng gwardiya ng biglang natumba ito sa harap ko
Nakita ko sa maliit na sulok si Natoy na pinapana ang gwardya na papalapit sa akin
"Hanapin niyo ang tumira ng palaso" sigaw ni Tasha/V mabilis naman nagsitakbohan ang mga gwardiya para hanapin si Natoy
"Anong akala mo sakin? Pupunta ako rito ng hindi handa?" Natatawa kong sambit kay Tasha/V sa naiinis niyang mukha
Eh! Pumunta naman talaga ako ritong hindi handa
Habang abala ang mga gwardya sa paghahanap kay Natoy ay mabilis akong pumunta sa gawi ni Tasha/V
"Halika rito'ng bruha ka!" Sambit ko habang kinakaladkad ang buhok niya
"Tandaan mo, ako ang magiging multo ng buhay mo" sigaw ko sa kanya
Kinuha ko ang libro at itinaas ko sa eri nabigla ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin
"Pano mo nahanap ang libro ko?" Aakma niyang kukunin sa akin ang libro pero tamukbo ako para hindi niya makuha
Tumigil ang mundo at nagpakita ang batang book keeper
BINABASA MO ANG
BALATKAYO ( Change Of Life)
Historická literaturaIkaw? Ano ang gagawin mo kapag napunta ka sa sariling nobela na sinulat mo? At kay malas pa dahil nagtime travel pa sa makalumang kabihasnan at harap-harapang makikilala ang mga pangunahing karakter na gawa lamang sa imahinasyon.