Prologue: Last Birthday

7.2K 85 10
                                    

Birthday's usually comes with gift, mine come's with tragedy.

Nangangamoy ang nilulutong kakanin ni lola sa maliit na kubo na nagsilbing tahanan namin, gawa ito sa ritasong kahoy at ang ilang bahagi naman ay sa kawayan, ang ilang parti nito na may butas ay tinakpan na lamang namin ng sako. Nagbebenta si lola ng mga kakanin sa harap ng simbahan araw araw at ang iba niyang paninda ay sinisimulan niya ng lutuin sa gabi. Natutulog siya nang malalim na ang gabi at gumigising ng pagkaaga aga at buong araw na nagtitinda ng kanyang kakanin. Kung hindi man into maubos sa harap ng simbahan ay nilalako niya ito sa bayan. Alam ko ito dahil palagi kaming sumasama sa kanya ng aking kapatid.

Maingat kong inilapag ang maliit na balde ng tubig sa mahigit dalawang hakbang na layo mula kay Lola na nagluluto, isa ito sa mga paraan ng pagtulong ko sa kanya, bukas pag gising ko ay tutulungan ko din siyang magbalot ng kanyang mga paninda. Hindi pala ako nag aaral dahil hindi naman sapat ang kinikita ni Lola, minsan pa nga ay hindi ako sumasama sa kanya at nangunguha ako ng mga kalakal upang makatulong, pero minsan ng nagalit sa akin ang mga lalaking nangunguha doon at sa kanila daw ang lugar na yon at bawal ako doon mangalakal.

Tiningnan ko si Lola na naghahalo ng kanyang niluluto, kulubot na ang kanyang mga balat maging ang sa kanyang mukha, mas marami na din ang kanyang puting buhok keysa sa mga itim. Napangiti ako ng bahagya ng nilingon niya ako at pinahiran ang aking pawis gamit ang kanyang magagaspang ngunit maiinit na palad.

"Salamat apo, dahil napakasipag mo, ang linis ng bahay natin kahit kubo lang at yung kapatid mo naaalagaan mo din ng maayos."

Nakangiti niyang wika at wala akong ibang maramdaman kundi tuwa sa puso ko, sana ay matagal pa naming makasama si Lola at paglaki ko ay bibigyan ko siya ng malaking bahay, ibibili ko siya ng magandang damit at suot sa paa. Ibibili ko rin siya ng masasarap na ulam. Umabot na siya sa ganitong edad pero kinakailangan pa niyang kumayod ng todo para sa amin, gusto ko siyang makaranas naman ng maginhawang buhay. Gagawin ko ang lahat para lang mangyari iyon.

"Kaarawan mo nga pala ngayong araw, nakalimutan kong bumili kanina ng paborito mong siopao, ano ang gusto mong ulam at bibilhin ni Lola. Hindi pa naman masyadong gabi sigurado akong bukas pa ang nagtitinda ng mga lutong ulam sa labasan."

Kaagad niya akong hinagkan at lumapit din sa amin ang nakababata kong kapatid, hindi ko alam kung ano itong pakiramdam ko na tuwing niyayakap ako ni Lola ng ganito ay wala akong ibang maramdaman kundi galak at pakiramdam ko ay ligtas ako sa lahat ng bagay, para sa akin ang yakap at presensiya ni Lola ang nagsisilbi kong tahanan at hindi ang kubo na aming tinitirhan. Kahit mahirap ang buhay namin ay ni minsan hindi hinayaan ni Lola na magutom kami.

"Lola gusto ko po ng pansit ni Mang Tonyo, kahit kinse lang marami na."

Wika ko at kaagad naman siyang tumawa, napatitig ako sa kanyang mukha at napansin ko ang nangungulubot na din ang talukap ng kanyang mga mata. Ang mga matang wala akong ibang makita kundi ay pagmamahal niya sa amin ng aking kapatid. Hinaplos niya ang aking pisngi at pinisil ito ng bahagya.

"Oh siya sige, bantayan mo ang kapatid mo at bibili lang ako sandali. Wag kayong lalabas, naintindihan niyo?"

Mabilis akong tumango habang nakaguhit ang napakalaking ngiti sa labi ko. Sa isang squatter area kami nakatira pero parti padin ito ng siyudad kaya bukas ang mga tindahan magdamag. Ilang minuto pagkaalis ni Lola kay kaagad na bumuhos ang napakalakas na ulan, mabuti na lamang at may dala siyang payong bago umalis.

Hindi naman kalayuan ang pagbibilhan ni Lola at hindi din nagtagal ang pag aabang ko sa pinto ng aming kubo at agad ko siyang nakita, wala siyang dalang kahit ano at basang basa din siya ng ulan. Wala na ang payong na kanyang dala at nanginginig siyang pumasok sa aming tahanan.

Seduced by the MafiaWhere stories live. Discover now