Chapter 10: Second Life

2.1K 39 6
                                    

Third Person's POV

"May something unusual sa box na pinadala sayo, napansin mo ba 'to?"

Tanong ni Russell habang nakahalukipkip ang brasong nakaupo si Cage sa itim na leather couch, kasalukuyan silang nasa situation room sa basement ng mansiyon at nakalatag sa mesa sa harapan nila ang laman ng box ng mga regalong maya't mayang natatanggap ni Cage na hanggang ngayon ay hindi nila malaman laman kung sino ang nagpapadala.

Kahit anong suri nila sa courier service at pag trace ng pinanggalingan ng box ay palagi itong nauuwi sa dead end.

"Ano to? CD?"

Pulot dito ni Han at masuring ininspeksiyon ang nasabing CD. Nakalagay ito sa blangkong kulay pulang lalagyan. Nagtatakang naglakad si Han palapit sa mesa kung saan nakalagay ang kanyang laptop, sinundan naman siya ng tingin ni Cage at Russell nang ilagay niya ito sa cd drive at pinindot nito ang play.

Hello, Prime.

Ang tanging tunog na kanilang narinig nang magplay ang CD habang makikita mo sa screen ang video ng numerong 11 na nakasulat sa maruming pader na tila ba ay ginuhit gamit ang dugo. Ilang ulit na pinindot ni Han ang play at ilang ulit na umugong sa tenga ni Cage ang parehong salita. Inihilig nito ang kanyang ulo na para bang sinusubukan nitong kilalanin ang boses.

"The audio seems to had undergone some alteration to mask the original voice."

Hinuha ni Han habang napatango naman si Russell, malalim ang isip ni Cage na sumandal sa upuan at hindi maalis ang mata nito sa mga bagay na nakalatag sa mesa. Pilit nitong iniisip at pinagkokonekta ang kung ano man ang maaaring magbigay sa kanya ng ideya.

"He knows.. you? Did you happen to make an enemy inside the-"

Hindi na natapos ang tanong ni Russell ng biglang sumingit si Han.

"You really have to ask that, Russ? Cage has a way of grating on everyone's nerves without even trying."

Pasaring nito habang nakangising tinapunan ng tingin si Cage, magkaharap silang dalawa sa upuan at ang sunod niyang natanggap ay ang masasamang titig sa kanya nito.

"Shut up before I throw you out of this damn house without using the fucking door."

Banta nito kay Han at nagsimula ng magpalipat lipat ang tingin ni Russell sa kanilang dalawa.

"Sure, maybe after I smack your head until it falls off against the damn wall."

Napabuntong hininga na lamang si Russell at napakamot sa sarili niyang ulo, wala talagang maayos na kahahantungan pag silang dalawa ang nag usap, sa isip isip nito.

"But seriously? Do you have anyone in mind?"

Pag agaw ni Russell ng atensiyon ni Cage bago pa lumala ang asaran ng dalawa. Kahit kailan ay hindi nagkaroon ang mga ito ng payapang usapan.

"Prime.."

Bulong ni Cage sa sarili na tila ba ay nagbabalik tanaw sa kung anong bagay na nangyari na sa nakaraan.

"Should I try reaching out to Deux?"

Suhestiyon ni Russell pero kaagad na umiling si Cage.

"No need for that crap."

Tugon nito kaya hindi na nagpumilit pa si Russell, bagkos ay may nilatag itong mga papel sa lamesa sa harap nilang tatlo.

"Okay, anyway here's some of the documents."

Wika nito at umayos ng upo si Cage na tila ba ay may aabutin sa mesa pero sabay na nagtinginan nanaman si Han at Russell ng imbis na ang mga papel ang abutin nito ay ang beer sa mesa ang kanyang inabot at saka ito nilagok. Napairap na lamang ng mata si Han at nagpasyang siya na lamang ang tumingin sa mga papeles kasabay ng pag upo nito ulit sa harapan ni Cage.

Seduced by the MafiaWhere stories live. Discover now