Chapter 1 - Life Experience

38 1 0
                                    

Nagising si Lisa na nakahiga sa malaking kama ng hotel at nakita niyang may hawak-hawak siyang maliit na kutsilyong may dugo sa talim nito. Tumingin-tingin siya sa paligid at pumukaw sa mata niya ang pigura ng nakahigang babae at lalaki na hindi niya kilala sa kaniyang tabi.


Nakasarado ang mga mata , walang mga suot na damit, at puro saksak ng kutsilyo ang bumalot sa katawan nila. Pagkatapos sumigaw ni Lisa dahil sa takot, biglang pumasok ang napakaraming police at inaresto siya nang walang pasabi.


*****


"...I pronounce the verdict that the defendant Lalisa Manoban was found guilty of intentional homicide on April 29, 20xx, and sentenced to life imprisonment in accordance with the law..."


May mangilan-ngilan na umiiyak sa loob ng korte at mayroon din mga nagbitaw ng kanilang hininga. Habang nangyayari lahat nang 'yan, si Lisa ay nakatitig lang sa judge at walang ibang emosyon ang makikita sa mukha niya.


Alam lang niya na noong tinawag ang mga taong ito for questioning bilang relatives at mga kaibigan niya, lahat sila binigyan siya ng assurance na tutulungan siya sa kasong ito. Hindi niya alam na ang gagawin pala nila ay ipapaalam ang mga "masasamang" ginawa niya sa kanyang pang araw-araw na buhay.


Hindi mapigilan ni Lisa pagdudahan sarili niya, talaga bang masama siyang tao to the point na pati kanyang mga kamag-anak ay itinapon siyang parang basura?


*****


Habang sineserve ni Lisa ang sentence niya sa kulungan, dalawang tao ang bumisita sakanya.


Ang una ay si Chaeyoung Park or Rosé.


Si Lisa ang school bully noong highschool, at si Rosé ay isa sa mga followers niya. Mahiyain si Rosé, iyakin, laging binubully, at siya rin ang laging inuutusan ng ibang followers ni Lisa.


Pagkatapos ng graduation, 'yung grupo ni Lisa ay nawala rin parang bula. Lahat sila ay naghiwa-hiwalay na at hindi na rin kinakausap ang isa't-isa, dahil kagustuhan talaga nilang hindi na makita si Lisa kahit kailan. Si Rosé lang ang matigas ang ulo. Obviously takot siya kay Lisa, pero si Rosé lang ang may initiative para hanapin siya from time to time.


Balik tayo sa kulungan. 


Magkaharap na ang boss na si Lisa, at ang follower na si Rosé. Ang namamagitan lang sakanila ay ang salamin, sabay nilang pinick-up ang phone para makapag-usap. Bago pa man makapagsalita si Lisa, biglang humagulgol si Rosé.


"Boss Lisa huhuhu, mataas pakiramdam ko na na-frame ka lang. Naniniwala akong wala kang pinatay, although talaga naman mainitin ulo mo, mayabang ka, masama ugali, makasarili, unreasonable, at mahilig mang bully at mang-asar ng iba. Pero matagal na tayo magkasama, at sa pagkakakilala ko sa'yo, never kang mag iimbita ng babae at lalake para mag drugs sa hotel para patayin sila. Naniniwala ako na sa IQ mo boss, mahirap magplano ng ganito huhuhu..."


"..." Na-touch si Lisa sa pagkahabang-haba na sinabi ni Rosé, pero hindi niya alam bakit parang gusto niyang tamaan ulo nito. Ngumiti siya ng pilit at sinabi sa kausap niya "Salamat nang marami dahil naniniwala ka sakin, Rosé!"

Wicked (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon