Tinakbo ni Lisa at Rosé ang kahabaan ng school corridor ng Grade 11 building.
Pagkarating nila sa kanto ng Class E room, may mga naalala si Lisa. Kung tama ang natatandaan niya, last month lang nagpakita si Jennie sa Manoban family, at last month lang din siya nagtransfer dito. Pagkatransfer niya nakapasok siya sa Class A Grade 11 dahil sa mataas niyang entrance exam scores.
Simula ng pagkapasok niya sa bahay ng mga Manoban, marami na ang nangyari pagkatapos ng sampung araw.
Una, ang pang brainwash ni Jessi kay Lisa simula araw at gabi. Pinakilala niya ang nanay ni Jennie bilang isang tao na mahilig sa pera at mahilig manira ng pamilya. Pagkatapos niyan pinasok din niya sa utak ng panganay na parehong pareho si Jennie sa walang kwentang nanay niya.
Ang pinapakitang ugali raw ni Jennie sa labas na mahinhin at inosente, ay para lang mas paboran siya ng tatay nila at sakanya ibigay ang kayamanan ng mga Manoban.
Dahil dito ang galit ni Lisa kay Jennie ay nagsimula sa 0% hanggang umabot na sa 20%.
Pangalawa, 'yung mga followers ni Lisa ay nagrereport sakanya tungkol sa mga chismis at ikinikilos ni Jennie sa campus.
For example, pagkarating na pagkarating ni Jennie sa classroom ay sumipsip siya kaagad sa mga teachers at naging teacher's pet siya. Maraming lalaki ang nagaagawan sakanya, at dahil dito, maraming mga babae naman ang kinaseselosan siya.
May chismis pa na may nagbreak na magjowa dahil sa kagandahan niya. May sabi-sabi rin na ikinikwento ni Jennie ang pambubully sakanya ng step-sister niya sa mga kaklase kaya gustong-gusto siya ng Class A, at kinamumuhian naman si Lisa.
Dahil diyan, naging 50% na ang galit ni Lisa kay Jennie.
Kinaumagahan ng kahapon, si Lisa na hindi pa reborn, ay nakita si Jennie na inabutan ng tubig at tuwalyang pamunas si Jungkook.
Si Jungkook 'yung crush ni Lisa! Base sa kinilos ni Jennie, napatunayan nga ni Lisa na tama ang sinabi ng mom, at mga chismis sa school tungkol sa pagiging malandi niya.
Sa oras na 'yun, dumaan si Lisa sa harapan ni Jennie. Napatigil ang nakababatang kapatid at binati siya gamit ang mahinhin niyang boses. "Ate..."
Si Lisa na umabot na ng 100% ang galit ay tumalikod at sinampal siya sa mukha. "Sino ka para tawagin akong ate? Kadiri!"
Kitang-kita mo sa mukha ni Jennie na hindi niya aakalaing gagawin 'yun ng 'ate' niya. Hindi pa siya nakakabalik sa realidad nang bigla niyang maramdaman ang tulak ni Lisa at napa-upo siya sa damuhan.
"Pinagkakalat mo na binubully kita? Sige kung 'yan ang gusto mo, ipapakita ko sa'yo kung ano ang totoong bullying!"
Ang pinakamalalang ginawa ni Lisa kay Jennie dati ay lagyan ng caterpillar ang pencil case nito, pero simula ngayon mas lalala na ang mararanasan niya sa kapatid. Sa sobrang galit ni Lisa, inannounce niya sa mga taong nakapaligid sakanila. "Ipagkalat niyo 'to. Lahat ng kakausap at lalapit kay Jennie Kim ay humanda sa'kin. Si Jennie Kim ay target ko na. Lahat ng balak tumulong sakanya, isipin niyo muna sarili ninyo. Kaya niyo ba akong kalabanin?"
BINABASA MO ANG
Wicked (JenLisa)
FanfictionJennie Kim, Marinig mo pa lang ang pangalan na ito, hindi na maaalis ang sumusunod na adjectives para sakanya: matalino, magaling, mahusay, at maganda. Isa siya sa pinakamagaling na CEO sa bansa na gumagamit ng dahas para makuha ang gusto niya. Kung...