Chapter 8 - Go Home

12 0 0
                                    

Nababalot na ng kulay na pula ang langit nang maka-uwi si Lisa sa kanilang 'bahay'.


Kaharap niya ang pintuan ngayon, pinagiisipan kung papasok ba siya o hindi. Naiinis si Lisa dahil makikita niya 'yung 'nanay' at 'kapatid' niya.


Dahil nalaman niya ang katotohanan sa kanyang huling buhay, walang araw na hindi niya hiniling na sana mahulog sa impyerno 'yung mag-ina. Noong nalaman niyang nabankrupt ang kanyang 'pamilya' at naghirap si Jessi at Ahyeon, hindi nawala ang ngiti niya at umabot ito ng isang linggo. 


Kung tutuosin, parang walang kwenta ang buhay na naranasan niya. Buong buhay niya, sinira ng mag-ina. Pati ang huling saya at kalungkutan ay sila rin ang may dahilan.


Well, buti na lang pinayagan siya ni God na mabuhay ulit. Ngayong sixteen ulit siya, marami siyang pwedeng baguhin!


Dahil dito, medyo gumaan ang loob ni Lisa. Mamaya-maya kailangan na niyang harapin ang taong ayaw niyang makita. Nandidiri siya dahil kailangan niyang tawaging 'mom' 'yung babaeng demonyo mamaya...


Pero inisip niya, hindi ba't ayaw naman talaga sakanya ni Jessi? At gusto rin siyang palayasin sa bahay nila? Kaya tuwing tinatawagan niyang 'mom' ito, si Jessi ang natatalo, hindi ba?


Oo, tama! Dahil sa inisip ni Lisa, hindi lang pagsigaw ng 'mom' ang gusto niyang gawin. Pati na rin dagdagan ng lambing ang bawat 'mom' na lalabas sa bibig niya para lalong mainis si Jessi.


Pumasok na si Lisa sa kahanga-hangang high-rise mansion na tinitirhan ng Manoban family at ibinato 'yung bag niya sa sahig. Biglang may lumapit na kasambahay at kinuha ang bag at jacket na hinubad ni Lisa.


Dumiretso siya sa living room at nakakita ng isang babaeng naka-ayos at naka-upo sa leather sofa sa gitna. Nasa forties na talaga ang babaeng ito, pero kung babasehan mo lang sa hitsura, mapagkakamalan mo siyang nasa early thirties.


'Yung 'nanay' ni Lisa, na nangangalang Jessi, ay simpleng naka-upo at tumitingin-tingin sa fashion magazine na nasa kamay niya. Dahil narinig niyang nagbukas at nagsara ang pinto, alam niyang naka-uwi na ang kanyang panganay na anak.


Tumayo siya, at parang isang mapagmahal na ina, ay nginitian si Lisa at lumapit dito.


Bago pa man makapagsalita si Jessi, inunahan siya ni Lisa, pinikit ang kanyang mata at nagpakawala ng malakas na iyak: "Mommy huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu!"


Nabalot ng iyak ni Lisa ang mansion ng pamilyang Manoban.


Pati 'yung mga tao sa second floor at third floor ay hindi naka-iwas sa napaka-ingay na tunog na nanggaling sa living room sa first floor.


Nanigas si Jessi sa kanyang kinakatayuan at hindi mapigilang umatras bahagya. Kita mo sa mukha nito ang pagkagulat.


Tumigil na si Lisa at malambing na sinabi dito: "Nakauwi na ako~"


"Oh, ah... haha." Tumawa si Jessi at hindi na tinuloy ang paglapit kay Lisa, baka biglang manghingi ito ng yakap.


Wicked (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon