Chapter 11 - Bury One's Head

7 0 0
                                    

Kinabukasan pagkapasok sa school.


Maraming tumitig sa back row ng Grade 11 Class E ngayong araw.


At ito'y dahil si Lisa Manoban, ang bully ng YG International, ay pumirmi sa kanyang upuan at hindi nagcutting classes. Dagdag mo pa na nilalabas niya ang tamang libro depende sa subject ng oras na 'yon at kitang-kita rin na nagbabasa at nagsusulat siya nang maigi.


Hindi nawala sa paningin ng mga teachers ang "himalang" pangyayari na ito, kaya taimtim nilang binantayan si Lisa habang nagtuturo sila. Takot na baka nagtatangka itong manggulo sa klase.

Ang huling subject ay ang klase ni ma'am Cindy Tiu a.k.a. ma'am Kukulang. Narinig niya ang discussion kanina sa faculty tungkol kay Lisa ng Class E. For the first time raw ay hindi ito nakipaglaro sa kanyang mga followers, hindi nag ce-cellphone habang may klase, at hindi rin daw nakasalampak ang ulo para matulog.


Kaya habang nageexplain si ma'am Cindy, nilakad niya ang classroom at huminto sa likod ni Lisa. Kitang-kita nito kung paano magconcetrate si Lisa sa pagsulat sa kanyang textbook, umiling na lamang si ma'am Cindy at bumalik sa harap.


Tumunog na ang school bell.


Nagstretch si Lisa at masayang inalala na nakayanan niyang magstay sa klase buong araw. Magandang simula 'to para sa kanyang Operation I Want To Go To College! (Study Plan ni Lisa by Lisa).


Si Rosé na nakaupo sa front row ay sinukbit ang kanyang bag sa balikat at nagalinlangang nilapitan si Lisa. 


"Boss... um gusto mo ba sabay tayong umuwi ngayon?" Kabadong tanong ni Rosé.


"Okay, saglit lang." Ibinalik ni Lisa ang kanyang mga libro sa bag.


Habang ginagawa ito ni Lisa, napansin ni Rosé ang libro para sa subject ni ma'am Cindy Tiu. Tinuro niya ito at tinanong si Lisa: "Boss, pwede ko ba tignan libro mo?"


"Sige." At iniabot ni Lisa kay Rosé ang libro.


Binuksan ni Rosé ang libro at tinignan lahat ng pages na may sulat. "Wow boss... ang galing mo!!!" 


Kinamot ni Lisa ang ulo niya at mahiyang tinignan si Rosé dahil pinuri siya nito.


"Ang galing mo talaga boss!"


"Okay, okay, tama na lalaki na masyado ulo ko niyan hehe."


Pagkabukas ni Rosé ng libro makikita mo sa blankong space ng upper right corner ay ang comic drawing ni Lisa. Dalawang stick figure, 'yung isa may hawak na kutsilyo, 'yung isa naman may hawak na espada.


May mga dialogues din sila.


Lalaking may espada: "Ako'y natalo mo at malapit na akong mamatay. Pero bago ako lumisan sa mundong ito, may gusto sana akong ipakiusap sa'yo."

Lalaking may kutsilyo: "Ano ang iyong nais?"

Espada: "Pakialagaan ang aking anak at asawa."

Kutsilyo: "Alam mo ba kung bakit kita hinamon?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wicked (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon