Nasasaktan ng sobra si Katelyn dahil di sya kailanman nagawang paniwalaan ng lalaki.Another day after class....
Palabas na sya ng building ng nakasalubong niya sina Gio at Zep, nasa likuran rin ng mga ito ang kaibigan niyang si Yonxie na pinsan naman ni Zep.
"Ohh haha..kapal ng mukha mong pumasok pa dito, di kaba nahiya?" pagmumura ni Zep.
"Zep, stop!" saway ni Gio.
"Gio" tawag ni Katelyn.
"Kate! lalo kana pwede bang tigilan mo na kami." sabi nito.
"Di kaba naniniwala sa sinasabi ko?" tanong ni Katelyn na sobrang nasasaktan.
"Kate! ano ba alam ko na ang lahat, alam ko na na sinisiraan mo lang si Zep sa'kin bakit mo kailangang gawin yun? para ba ma turn off ako then wht!? papalitan ko sya sayo? hahaha" panlalait ni Gio. Namuo na sa galit ang mga mata ni Katelyn pinipigilan lang niyang di magsisigaw baka magka eskandalo sa loob ng building.
"Gio, 'di yan totoo okay?" kumbinsi ni Kate pero napailing lang si Gio.
"Magaling ka rin, 'nuh?" ani Zep na inis na inis kay Katelyn.
"Kate, umamin na sa amin si Yonxie kaya wag kanang magkunwaring inosente! kunyari concern ka sa'kin pero may iba ka palang pakay!" galit na sigaw ni Gio na halos rinig sa buong building ang tinig nito.
"Hindi yan totoo!" panindigan ni Katelyn.
"Kate, wag kanang mag dedeny pa. Sinabi ko na sa kanila na matagal ka ng inlove kay Gio at sinabi ko rin yung plano mong pagsira sa pagkatao kay Ate Zep." nakayukong sabi ni Yonxie na para bang takot ito sa kaniya.
"Ah---Anu? pero Yonxie totoo yung sinabi ko na nakikita ko silang dalawa ni Dos at Zep na naghahalikan sa library." halos nanginginig na ang mga tuhod ni Kate sa sobrang pagkadismaya, ni kaibigan niya di sya kinampihan.
"Kahit kailan ilusyunada ka talaga nuh akala mo ba talaga masisira mo kami ng bf ko? No!" ani Zep.
"Napakasinungaling mo talaga Zep! kitang kita ko na kayo tas dene deny mo pa! anong klase kang tao?" sigaw ni Kateyn kay Zep. Dumadagsa na ang mga studyante sa building na yun upang mapanood ang away may iba naman nag vivideo upang magpasikat sa social media at ang iba ay nakikinig lang sa sagutan.
"Kate! tumigil kana hindi ikaw ang mahal ni Gio! wag mo ng ipilit ang sarili mo sa kaniya!" sigaw ni Yonxie na mas lalong kinadurog ni Katelyn.
"Oh--Okay lang Gio, okay lang kong 'di mo 'ko kayang mahalin pabalik basta layuan mo lang ang babaeng yan!" naluhang pakiusap ni Katelyn sabay pisil sa braso nito ngunit bigla itong inalis ni Gio.
"Kate please tama na" kalmadong pakiusap ng binata ng mapansing pinagtinginan na sila ng mga tao.
"Gio mahal kita" walang kahiya-hiyang inamin ni Katelyn sa buong tao na mahal na mahal niya ang campus Hearthrob na si Gio.
"Nasaan na ang hiya niya?" komento ng isang studyante na nandun.
"Bago mo 'ko mahalin, mahalin mo na muna ang sarili." bilin nito saka umalis. Naiwang luhaan si Katelyn at ng mamalayang sya na lang pala ang pinag pyestahan ng kapwa niya studyante ay mabilis syang umalis habang iyak ng iyak.
"Bakit?" natanong niya sa sarili habang pinunsan ang luha sa kaniyang pisngi.
Kinabukasan na naman, hindi alam ni Katelyn ang kaniyang gagawin hindi niya alam kong paano humarap sa maraming tao. Alam ni Katelyn na dahil sa kaniyang ginawa ay marami ang huhusga sa kaniyang pagkatao.
Habang naglalakad ay tanaw na tanaw niya ang mga kapwa studyante niya na panay ang pag chichismis sa kaniya.
YOU ARE READING
Campus Hearthrob
RomancePumasok si Katelyn sa IBM University upang makita ang super crush niyang si Gio Alcantara. Ang akala niyang posibli ay nagkatotoo, sa pagmamahal ni Kate kay Gio ay marami ang nasasaktan at naaapektuhan kabilang na rito ang mga malapit niyang kaibiga...