Chapter 2

4 2 0
                                    

Nabuhayan ako ng tumango-tango s'ya. Napangiti ako ng mapait

“Minamahal kita...ulit, Cali” huminga s'ya ng malalim bago tumingin sa akin “Mahal na mahal kita” Nagsimula ng tumulo ang mga luha n'ya. “Pero bakit ang sakit mong mahalin? Bakit ang sakit sakit, Cali?” nalungkot ako sa sinabi n'ya. Sorry kase nasaktan ko s'ya, pero mas nasaktan n'ya ako.

“Sorry Dalvin, I am very sorry for what happened three years ago” lumapit ako sa kanya pero umatras s'ya. Ang sakit, ang sakit sakit talagang makita mo ang taong mahal mong umiiyak nang dahil sa hindi ka n'ya naiintindihan.

“Ang tagal na no? Pero bakit hanggang ngayon andito pa rin?” naalala ko lahat ng nangyari three years ago. bumabalik lahat. ayoko na, ayokong maalala ulit yon. please...“Minahal mo ba s'ya? Cali...naisip mo ba ako nung time na yun?” nararamdaman ko ang lungkot at galit sa mga mata n'ya.

“Dalvin, no! Please give me a chance to make it clear. It is not about what you think. Nagkakamali ka, hindi mo ako hinayaang magpaliwanag nung mga panahon na yon! Kung nasaktan ka sa mga nakita mo, mas nasaktan ako sa ginawa mo...and that was the night that i wish na sana hindi nalang ako nagising.” hindi ko napigilan mapaiyak, bumabalik na lahat...

“bakit Cali, ano pa bang hindi maliwanag nung gabing 'yon? sige nga! ano!” Pakiramdam ko ay kaya n'ya akong saktan sa sobrang galit n'ya sa akin.

“hindi kita niloko, Dalvin. hinding-hindi ko yun magagawa sa'yo!” nakita ko kung paano s'ya tumawa sa mga sinabi ko. hindi s'ya naniniwala...

A Dream From A Tragedy Where stories live. Discover now