Chapter 12

2 2 0
                                    

“oo nga pala, clara” pigil ko sa kanya.

“ano? may itatanong ka?” lingon n'ya sa akin.

“ano nangyari kagabi?” bulong ko sa kanya.

“ha? nag inom ta..yo—bakit?” nandidilat na tanong n'ya sa akin.

“shunga! ano nangyari nga! bat ako may pasa sa hita??” nagulat naman s'ya sa tanong ko.

“ha totoo ba?” gulat na tanong n'ya sa akin bago tingnan ang aking hita.

“oo eh, ano ba nangyari?” tanong ko ulit sa kanya.

“hay nako Cali, pareho tayong lasing kagabi. Sa iba nating mga kasama ka nalang mag tanong. s'ya sige na may pasyente pa ako” sabi n'ya bago umalis.

___

Out na namin ngayon pero syempre may ka night shift naman kami ngayon ay nandito pa ako sa nurses hub at abala ako sa pag aayos ng aking mga gamit sa bag ko. Hindi ko napagtanto agad na dipa pala ako kumakain. Kaya nagmadali akong lumabas sa room na yon at nagulat ako ng may nag aantay pala sa akin. oh baka naman assuming lang ako haha

“Cali, pede ba tayo mag usap?” tanong sa akin ni Dalvin. Ang pogi n'ya talaga. May dala siyang dalawang coffee can at sandwich.

“uhm ulit? bakit?” tanong ko sa kanya. inaabot nya naman sa'kin ang isang coffee can at sandwich. ngunit hindi ko ito kinuha.

“uhm...about last time” inilayo n'ya muli ang kanyang kamay sa akin.

“why? uhm nevermind. anyway, sure!” sagot ko sa kanya at ngumiti. agad naman akong nauna paglalakad.

“rooftop?” tanong n'ya.

“yes!” sagot ko naman

___

A Dream From A Tragedy Where stories live. Discover now