Chapter 3

3 2 0
                                    

“Then what? Ano yon? Naglalaro lang kayo? Ayun ba yung gusto mong iparating sa akin ha Cali!?” nagulat ako ng bigla s'yang sumigaw at tinabig lahat ng mga nakalagay sa lamesa. Nagsimula na akong maiyak. No! Hindi pede! I hate being like this! I hate being so soft! Na kaunting sigaw iiyak. Kaunting salita iiyak. Please! I don't wanna be like this! “Cali palagi mo nalang ba akong iiyakan para lang maawa ako sa'yo? Para lang makatakas ka sa away natin?”

Galit siya sa akin, alam ko galit siya sa akin. No, hindi ko s'ya tinatakasan. Hindi ko gustong maging ganito. Hindi ko gustong hindi manlang maka-imik kapag kailangan magpaliwanag. Gusto kong magpaliwanag, gustong-gusto. Gusto kong mag open about sa kung anong nararamdaman ko. About sa totoong nangyari nung gabing yun.  Gustong-gusto kong sabihin na sobrang sakit. Na ang sakit-sakit! Na pagod na pagod na ako sa lahat. Na kailangan ko s'ya noong mga panahon na yun.

“Sumagot ka, Cali! Kailangan ko ng paliwanag!” hinampas n'ya ng malakas ang lamesa dahilan para magulat ako.

“Bakit ngayon ka lang humihingi ng paliwanag? Tatlong taon na ang nagdaan, Dalvin. bakit ngayon lang?” sa mga oras na ito ay kumalma s'ya. kitang-kita ko kung paano tumulo ang mga luha sa mga mata n'ya. nasaktan ko s'ya ng sobra. “bakit hindi mo ako hinayaang magpaliwanag?”

“Bakit hindi ka nagpaliwanag nung gabing yon? Bakit hinayaan mo lang akong makita kayo? Bakit hindi mo ako hinabol, Cali? Makikinig ako sa'yo nung gabing 'yon. Kahit kasinungalingan na galing sa bibig mo, paniniwalaan ko. Dahil sobra kitang mahal. Mahal na mahal, Cali” nag paulit-ulit ang sinabi n'ya sa akin. hindi ako nagsisinungaling, dalvin...

A Dream From A Tragedy Where stories live. Discover now