Part Three

11 2 0
                                    

"Hello Heather," nakangiting bati sa akin ni Richard sa harapan ng pintuan ko.

Naka-casual attire siya at halata naman sa pangangatawan niya na marami na rin ang nagbago sa kanya.

Nadagdagan siya ng laman hindi tulad nung teenager pa lang siya. Payatot kasi itong si Richard noon, mas bagay sa kanya ang itsura niya ngayon, infareness naman.

Pero bwisit dahil hindi ako makakatakas sa reunion dahil- "Bagay sayo yung suot mong salamin, ah." puri niya sa akin at nginitian ako ng nakakaloko, "Hindi mo naman balak injanin ang reunion, hindi ba?"

Ilang taon man ang nakalipas pero nababasa niya pa rin kung ano ang nasa isip ko.

Kainis!

Ayoko na lang kumontra, "Sabi ko nga sasama na ako." ni-lock ko ang pintuan ko.

"Great!" pati boses ni Richard nakangiti, "Let's go?" yaya niya na tinanguhan ko na lang.

Dumiretso kami sa train station kung saan nakakonekta ang railways sa iba't-ibang bahagi ng kontinente.

Ito ang pinaka-afford na ticket para sa mga nagtitipid tulad ko.

Ang eroplano at barko sa panahon ngayon ay para na lang sa mga mararangyang tao.

Sa kasalukuyan ang four-wheel vehicles ay napalitan na ng capsule vehicles para raw mas eco friendly ang forms of transportation.

Ang capsule vehicles ay parang taxi sa panahon na ito na pang-short distance drive lang.

Hindi tulad ng bullet trains na sasakyan namin ni Richard ngayon, kung saan ito tumitigil sa iba't-ibang bahagi ng mundo depende sa destinasyon mo.

ID lang ang kailangan para makakuha ng ticket, dahil lahat naman ng transactions ay online at automated na. Kapalit nito ay bibigyan ka ng QR code para ma-scan ito bago ka pumasok sa bullet train.

Sa mabuting kamay at pamamahala, maganda ang naging tulong ng siyensya at teknolohiya sa mundo ngayon. Kung titingnan mas naging malusog ang mundo sa pangangalaga ng mga tao.

Ang labindalawang oras na biyahe mula kanluran papunta sa silangan ay limang oras lang sa bullet train na sinakyan namin ni Richard.

To kill time, he opens up a lot of things from my interests just for me to be at ease with him, pero hindi ko alam kung bakit hindi madali sa akin ang harapin siya ngayon.

Wala rin naman akong interesting update sa buhay ko, hindi katulad niya.

Tumahimik at tumingin na lang din siya sa labas ng bintana ng bullet train nang mawalan na siya ng topic na pwede naming pag-usapan.

Nakaramdam ako ng konting awkwardness sa pagitan naming dalawa.

Sabi ni mommy sa akin; noong tulog pa ako halos si Richard daw ang dumadalaw sa akin, dapat ko bang panghawakan iyon?

Sa lahat ng kaibigan ko, si Richard lang ang nanatili at hindi ako sinukuan. Pero paano kung napagod siyang unawain ako?

Paano kung iwan niya rin ako dahil mahirap akong pakisamahan?

I'm tired of pleasing people to stay in my life.

Nag-ooverthink ba ako kung gusto ko lang protektahan ang sarili ko sa expectations na mauuwi rin naman sa disappointments?

"Nandito na tayo." anunsyo ni Richard at bumaba na rin kami agad ng tren, "Let's meet the gang first." he says tilting his head where he's expecting to see them.

My old buddies in college.

Nakaramdam ako ng pangamba, huminga ako ng malalim dahil ayoko naman may masabi pa sa akin si Richard to think na siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Nakita ko sila at binati nila ako ng parang kahapon lang kami nagkita-kita.

Nagbonding muna kami saglit sa sasakyan papunta sa mismong venue ng reunion.

Halos sila-sila lang din naman ang nag-uusap at pinabayaan ko lang ang sarili ko na tumahimik sa presensya ng mga dati kong kaibigan.

"Ayos ka lang ba Heather?" tanong sa akin ni Richard at tinanguhan ko lang siya dahil wala naman talaga akong makwento sa kanila, "Come on, engage a conversation with them, it's been years you know, catch up."

"Wala namang interesting na ganap sa buhay ko Richard." sagot ko sa kanya na narinig din ng mga kasama namin. Ang daldal kasi naman nito ni Richard, kainis. "Sorry guys."

Si Michael ang nagmamaneho ng kotse ang sumilip sa rear mirror habang sila Sydney at Randy naman ay binigyan lang ako ng maliit na ngiti.

"As long as you're here with us, we're good. Besides, it's been years since we last saw you Heather." ani Lindsay na nakangiting pinagmamasdan ako.

"Ilang taon na rin ang nakalipas." sagot ko kay Lindsay.

"Pero namiss ka namin." ani Michael.

"How are you coping up?" tanong ni Randy.

"Alam mo, pwede mo naman sabihin sa amin ang lahat." ani Sydney na parang sinusuyo ako.

Huwag kang magpaimportante Heather. Hindi ka-

"Chill guys," basag ni Richard sa awkwardness na namamagitan sa amin, "It's okay if we don't rush things out. Let's just have fun."

"Tama si Richard. Let's just have fun today." I seconded and saw them smiling apologetically.

Ayoko naman manira ng mood lalo na at talaga namang ginagawa lahat ni Richard para gumaan ang atmosphere sa pagitan naming anim dito sa loob ng sasakyan.

Aesthetic MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon