Napuno na halos ng mga tao ang venue pagkarating namin sa dati naming school.
Marami na rin ang pinagbago ng lugar na ito magmula sa amenities at bagong tayong establishments.
Sadyang ang mga alaala lang ng nakaraan ang hinding hindi mapapalitan sa lugar na ito, kung saan nagsimula ang kwento ko ng kasama ang mga naging kaibigan ko na nagwakas din agad nang hindi ko sila nakasabay na nagmarcha ng naka-toga.
Siguro masyado lang akong bitter dahil hanggang ngayon isa iyon sa ninanais ng puso ko na alam kong hinding hindi ko na muling maibabalik.
Nagpatuloy lang ang programme ng reunion, habang kinikilala ko ang mga ibang tao sa paligid na nagkukwentuhan kasama ang mga kaibigan nila sa iba't-ibang table.
Nagpaalam lang din ako saglit kay Richard na magbabanyo, ngunit hindi ko sigurado kung narinig niya ako.
Sa may pasilyo malapit sa banyo, nakita ko ang isang babaeng natutulog sa bench.
Hindi ko mawari kung ayos lang ba siya pero mukhang mahimbing siyang natutulog kaya pinabayaan ko na lang.
Pagkatapos ko gawin ang dapat kong gawin sa banyo ay lumabas na rin ako agad at hindi inaasahan na may dalawang babaeng lumapit sa babaeng tulog kani kanina lang.
I was caught by surprise when I just saw that they unplugged her.
So, isang android ang babaeng iyon?
"Ikaw si Heather, hindi ba?" puna sa akin ng babaeng pilit kong kinikilala sa utak ko. "Nancy." pakilala niya sa akin. Tama, siya nga yung isa sa mga naging classmate ko sa ibang minor subjects ko noon.
"Hi." bati ko pabalik para naman hindi ako magmukhang snob.
"Naalala mo ba si Sam?" pakilala niya sa isa pang babaeng kasama niya habang inaayos ang cable ng android.
Nginitian naman ako agad ni Sam. Tulad pa rin siya ng dati, kulot ang buhok at mala-Barbie ang hugis ng mukha, kahit pa halata na ang pagkamature ng mukha niya.
Hindi rin nagtagal at bumalik ang mga mata ko sa android na nginingitian rin ako ngayon. Halos synthetic ang itsura niya, para siyang robot doon sa Bicentennial Man.
"Nice android." iyon lamang ang lumabas sa bibig ko. Ang awkward. Nagkatitigan si Nancy at Sam na may pag-aalinlangan, "Mukha siyang tao, sa totoo lang."
"She was." ani Sam habang inaayos ang buhok ng android. Teka, anong ibig niyang sabihin doon?
Muli kong sinuri ang mukha ng android, naalala ko ang isa sa mga kaibigan nila Nancy at Sam noong college na kamukha ng android na kasama nila.
Aiko. Tama iyon nga ang pangalan niya.
"At least magkakasama pa rin tayong tatlo hanggang ngayon," ani Nancy habang nginingitian si Sam at muling hinarap ako. "Alam mo ba sa technology ngayon, hindi mo na kailangan pang mangulila sa mga taong namimiss mo?"
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako magre-react. Nasabi ni Nancy sa akin na bago bawiin si Aiko sa kanila, just to fill that void in their heart, they made an alternative for Aiko. Thus this android who looks, speaks and interacts like Aiko.
I couldn't judge them because I know how much they treasure their friendship. But seeing them looking at each other reflected the word 'yearning' that they cling onto.
Nagpaalam na rin ako agad para makasama nila ang isa't-isa, ngunit bumalik ang mala-papel na pakiramdam na parang pumupunit sa puso ko.
Pinikit ko ang mata ko dahil pakiramdam ko naikot ang paligid ko. Sa isang kisapmata, para akong napunta sa isang panaginip kung saan para akong binalik sa nakaraan.
Nilibot ko ang mga mata ko at nakita ko ang dating ako na kasama ang isa sa matalik kong kaibigan, si Angie.
Nakangiti kami sa isa't-isa na nag-iwan ng pangako : "Heather, huwag mong kalimutan ang pangako natin ah? Magkaibigan tayo, habang buhay."
Pumasok ako sa loob ng isang bakanteng classroom at pilit na inaayos ang sistema ng katawan ko.
Siguro ay kailangan ko na uminom ng gamot. Nakaligtaan ko ata ang oras ng tamang pag-inom ng gamot ko.
"Heather," bati sa akin ni Richard na naglalakad papunta sa akin, "Hindi mo kailangan ang mga gamot na iyan." payo niya na para bang concern siya sa akin.
"Kailangan ko ito Richie," halos nanginginig kong ani at pinipilit na umahon sa emosyon na umaagos na parang tubig sa harapan ko. Halos nahihirapan na akong huminga. Ayokong makita niya akong ganito, ayokong may makakita sa akin na ganito ako kahina.
"Heather, hindi mo kailangan 'yan." muling pag kumbinsi niya sa akin na ikinaasar ko.
"Tigilan mo nga ako Richard!" sigaw ko pabalik sa kanya, "Ano bang ginagawa mo dito, dapat kasama mo ang mga kaibigan mo doon sa party." umiwas ako ng tingin, "Bakit pa kasi ako sumama dito?" kagat labi ko na pinipigilan mabasag ang boses ko.
"Kaibigan kita Heather, nandito ako para ipaalala sa iyo ang bagay na nakalimutan mo." nakangiting aniya sa akin, "Magtiwala ka lang sa akin."
"Tiwala? Bakit ko naman gagawin iyon?" nalulunod na ako sa sarili kong emosyon nang bitawan ko na ang mga salitang, "Iniwan niyo akong lahat sa ere."
"Heather..."
"Hindi ko na dapat pang maramdaman ang mga ito, pero ibinalik mo ako dito. Dapat hindi na lang ako sumama dito Richard!" sumbat ko pabalik sa kanya na ikinalulungkot niya.
"Ilabas mo lang lahat ng saloobin mo Heather. Huwag mong ipunin iyan sa dibdib mo, tatanggapin ko ang lahat dahil kaibigan kita." there it goes again, the 'friend card' bakit ba lagi akong nauuto ng salitang iyon?
"Baka hindi ko na rin kailangan ang mga emosyon ko," inis kong ani, "Baka hindi ko na rin kailangan ng mga kaibigan o kahit nino man. Sana namatay na lang ako noon!" Inalis ko ang salamin ko at ang mga luhang naipon ay kusang bumuhos na parang ulan sa mga mata ko.
Hindi ko na nakontrol pa ang emosyon ko at umiyak na lang ng umiyak hanggang sa umecho ang sarili kong hikbi sa loob ng classroom na ito kung saan-
"Heather!" boses iyon ni Michael na kararating lang sa loob ng classroom kasama sila Sydney at Randy. "Kung saan saan ka namin hinanap."
"Anong nangyari?" tanong ni Sydney na pinapakalma ako.
"Iinom lang sana ako ng gamot, pero si Richard kasi!" reklamo ko na parang bata, "Kung anu-ano ang pinagsasabi niya sa harapan ko."
"Heather," mahinahong tawag sa akin ni Sydney, "Hindi mo na kailangan ang mga gamot na iyon."
"Ah so naniniwala kayo doon sa ungas na iyon?" tiningnan ko ang paligid ko pero wala akong Richard na nakita, kunot noo ko silang tiningnan, "Nasaan ba si Richard?"
"Heather..."
BINABASA MO ANG
Aesthetic Memories
Fiksi Ilmiah[A TAGLISH SHORT STORY] 'All we have is now.' In the near distant future where technology is almost abundant to everyone anywhere, how could one person distinguish what is virtual and what is reality? Could technology replace everything that a hum...