Lost Series
#1 Lost In Your World
I was lost,
Lost because of someone I love the most
She was gone and now I was nothing,
How can I start over again?
- Selena
Sa mundo, may mga lugar na hindi tayo komportable... mga lugar na hindi pamilyar... mga lugar na sa tingin natin ay mapanganib... mga lugar na sa akala natin ay maganda, ngunit ito ay hindi pala... at mga lugar na akala natin ay mapanganib ngunit ito pala ay hindi.
Ito man ay pisikal na lugar o sa piling ng isang tao. Hindi natin malalaman kung talaga bang ang lugar na ito ay magiging tahanan natin kung hindi natin susubukan.
Selena Amethyst Calamba
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Iyan ang pangalan niya. Bata pa lamang ay hindi niya nakilala ang kaniyang ama. Kaya ang kaniyang ina na lang ang natira sa kaniya. Simple ngunit masaya ang kanilang pamumuhay sa probinsya.
Ngunit sa isang iglap, nawala ang mga ngiti sa labi niya...
Sa pagbaliktad ng kaniyang mundo, nahanap niya ang bagong buhay, bagong mga tao, at bagong magiging tahanan niya. Pero ligtas nga ba siya dito?