Chapter 2 - Dream

3 2 0
                                    

--CHAPTER 2--

Dream

Inimulat ko ang aking mga mata sabay ang pagpatak ang isang luha. Ako ay bumangon at nilibot ng aking mga mata ang kapaligiran, nagtataka kung bakit ako nandito sa lugar na ito kung saan ako ay nag-iisa. Nag-iisa...

Patay na ba ako? Nasa ibang planeta ba ako?

Tumayo ako upang magmasid. Ako ay nasa isang grass field sa gitna ng kagubatan.

Sa aking pagmamasid, may nakita akong lalaki na nakaupo sa damuhan at pumipitas ng mga bulaklak.

"H-hello?" Sabi ko.

Lumingon ang lalaki sa akin. Tumitig lang siya sa akin. Ako naman ay napalunok.

Tumayo siya, nakatitig parin sa akin.

"Geht es dir gut? Brauchen Sie jemanden, der Ihren Schmerz wegwischt?" Sabi niya na nagpakunot sa aking noo.

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Hmm?"

Ang lalaking mas matangkad pa sa akin ay ngumiti. Ang ganda ng ngiti niya.

Ang kamay niya ay kaniyang ipinatong sa aking ulo.

"Are you lost?" Tanong niya.

"Yes" pagkatapos kong sabihin iyon ay parang may tumusok sa aking dibdib. I haven't been here before... I am lost in a place where I am alone.

Hinawakan niya ang aking kamay.

"Hey" pinunasan niya ang aking luha gamit ang kaniyang kamay. Lumuha na pala ako.

Though this person in front of me is a stranger, I feel at ease knowing that I'm not alone in this place dahil pakiramdam ko na isang mabait na tao ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Patuloy ang pagpatak ng aking mga luha. Patuloy ko itong pinunas ngunit patuloy pa rin ito sa pag patak. Yumakap siya sa akin. Nang matapos na akong umiyak, ay kumalas siya sa akin.

Kinuha niya ang aking kamay at sinimulang hilahin ako patungo sa kung saan niya ako balak dalhin. Nagtataka ako dahil wala naman siyang sinabi kung saan niya ako dadalhin. Ako na lang ay nagpahila. Hindi niya naman ako papatayin diba?

Patuloy kaming naglakad. Naabot namin ang dulo ng grass field at nakita ang isang daan. Tumawid kami sa daan at patuloy na naglakad.

Sa aming paglalakad ay may nakita akong mga hayop na karaniwang makikita sa mga kagubatan.

Hiningal ako sa aming paglalakad ngunit nang kami ay nasa lugar, ang sakit ng paa ko ay napawi rin.

Dinala niya ako sa isa na namang field pero ito naman ay isang field na puno ng mga bulaklak. Ang mga matataas na dahon at mga klase klaseng bulaklak ay sumasayaw kasabay ng hangin.

Ako ay namangha at ngumiti sa katabi ko na nakapamewang. Siya naman ay lumingon sa akin at ngumiti pabalik.

Kinuha niya ang kamay ko at hinila patungo sa field. Kami ay tumakbo, tumatawa. Habang tumatakbo ay kaniyang in-interwine ang aming kamay. Nang naabot namin ang gitna ng field, kami ay napahiga.

Kami ay hiningal, sabay ngiti. Naramdaman kong lumingon siya sa akin kaya lumingon naman ako. Ngumiti siya sabay bangon. Yun naman ang ginawa ko.

Pagbangon ko ay nakita ko ang sunset. Napangiti ako sa kagandahan ng kalangitan ngayon. Ipinatong ko ang aking ulo sa balikat ng lalaking aking kasama.

I wish I could just live here forever. Kung pwede lang... Kung pwede lang na pabayaan lahat ng problema at sakit na naramdaman ko upang magsimula muli.

Nakaramdam ako ng pagod. Pumitas siya ng bulaklak at ibinigay sa akin. Hanggang sa ipinikit ko na ang aking mga mata at nakatulog sa balikat ng lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan...

---


This chapter is short and please bare with me... I limited the amount of words for each chapter (more than 600 but less than 800).

Expecting this story is just short too (so you'll not get bored too). But we'll see how many chapters it could take me to finish this:)

Happy reading! :>

Lost In Your WorldWhere stories live. Discover now