Chapter 4 - New Life

3 2 0
                                    

--CHAPTER 4--

New Life

"Beep, beep"

Nagising ako sa ingay ng mga kotse. Andaming kotse at gusali sa labas... nasa siyudad na kami.

"Selena, maayos ba tulog mo?" Tanong ni Tita Sharie na nasa shotgun seat.

"Opo Tita" sabi ko sabay inat.

Sumandal ako sa gilid ng kotse at tumitingin sa mga kotse at tao. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa bahay nila Tita.

Magkadikit dikit at magkakapareho ang mga bahay. Ang bahay nila Tita ay sakto lang ang laki tapos may second floor. Kulay ng exterior nito ay sage green. Sa second floor ay may balcony.

"Wow, ang ganda Tita!" Sabi ko nang nakababa ako sa kotse.

"Masaya ako at nagustuhan mo" aniya sabay himas sa aking likod.

Dala ang aking bag, pumasok kami sa loob ng bahay. Namangha ako sa interior ng bahay. Ang ganda! Aesthetic! Ang ganda siguro tumira dito.

"Halika, ipapakita ko muna sa'yo ang kwarto mo" aniya at sinunod ko naman ang payo ni Tita.

Dala ang aking mga gamit, umakyat kami sa hagdanan at bumungad sa akin ang apat na pinto. Dalawa sa kanan at dalawa sa kaliwa.

"Sa kanan, kwarto naming mag-asawa at kwarto ni kuya Fier mo. Sa kaliwa ang kwarto ni Fiorie at kwarto mo." Paliwanag ni Tita.

Tumango tango naman ako doon.

"Hon..." boses ng lalaki ang narinig ko galing sa ibaba.

"Oh, nandito na ang Tito mo. Pumasok kana sa kwarto mo, aasikasuhin ko muna Tito mo" sabi ni Tita.

"Opo" Sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napakagandang kwarto. Nagsimula na akong maglabas ng mga gamit...

Knock knock

Inimulat ko ang aking mga mata. Nakatulog pala ako. Sumilip ako sa bintana, gabi na pala.

"Selena..." boses ng lalaki galing sa labas ng kwarto.

"Po?" Sabi ko at dali daling binuksan ang pinto.

Isang matangkad at gwapong lalaki ang bumungad sa'kin. Si kuya Feir ito. Dalawa lang naman ang anak ni Tita, isang babae at isang lalaki. Ang babae ay isang taon lang ang lamang sakin, si Ate Fiorie.

"Kakain na" aniya. Wow, ang lamig.

"Opo" pagkasabi ko nun ay tumalikod na siya at bumaba. Sumunod naman ako patungo sa kusina.

Si kuya Fier ay 3rd year college na habang kami ni Fiorie ay 2nd year college na.

Sa kusina ay naghahanda sina Tita at si Fiorie. Si kuya Fier ay tumulong na din.

"Amie!" sigaw ni Fiorie. Lumapit siya at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Namiss kita, Lex" sabi ko at kumalas sa yakap.

Amie tawag niya sa'kin, Drea tawag ko sa kanya. It's for short sa mga second name namin. Fiorie Alexa ang pangalan niya. Maganda siya, mana kay Tita. She has those brown eyes, light brown skin, pointed nose, straight short hair, and cute face.

"Ako rin!"

"Oh, hali na kayo" sabi ni Tita.

Umupo na kaming lahat sa hapag. Six seaters ang hapag kainan nila. Magkatabi kami ni Tita, sa harapan ko si kuya Feir at katabi niya si Fiorie, tapos si Tito ay nass dulo.

Nagsimula na kaming kumain. Adobong manok ang ulam. Paborito ko!

"Selena, kumusta naman ang pag-aaral mo sa bayan" ani Tito.

"Okay naman po" maikling sagot ko. Naalala ko tuloy ang mga kaibigan ko, sina Aye at Ake.

Tumango naman si Tito.

"Since usapang pag-aaral...  Selena, ipapa enroll kita sa Mond Academy. Doon nag-aaral si Fiorie" ani Tita.

"Mond Academy?" tanong ko.

Mond... familiar ito.

"Oo, hindi lang sa pangalan sosyal, sa Academic din" sabi ni Fiorie.

"So, you will take scholarship?" tanong ni kuya Fier. Tumango ako dahil may pagkain sa bibig ko.

"Good luck, Selena" ani kuya.

"Ako kuya, hindi mo'ko igo-good luck?" tanong ni Fiorie.

"Saan? Sa secret boyfriend mo?" bulong ni kuya Fier.

"Kaibigan ko lang 'yun!" sigaw ni Fiorie at sinampal ang likod ng kaniyang kuya.

"Fiorie, nasa hapag tayo" ani Tito. Napangiti naman si kuya Fier dito at patuloy lang sa pagkain.

"Selena, okay lang ba kung sa Mond University ka mag-aaral?" tanong ni Tita.

"Okay naman po sa akin kahit saang paaralan. Hindi lang ako sure kung makukuha ako at makakagraduate ba ako sa piniling course..."

"Makakaya mo yan" ani Tita sabay ngiti.

--

Lost In Your WorldWhere stories live. Discover now