Chapter 5 - Headmister

2 1 0
                                    

--CHAPTER 5--

Headmister

Knock knock

"Selena..." boses ni Tita ang narinig ko galing sa labas ng kwarto.

"Patapos na po" sagot ko.

Tumingin muna ako sa salamin, iche-check kung okay naba ang aking outfit. Ngayon kami pupunta sa Academy na pag-aaralan ko for enrollment.

Narinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto.

"Ang ganda naman ng pamangkin ko" sabi ni Tita habang lumapit sa akin at ngumiti. Dala niya ang envelope na ang laman ng mga documents galing sa old university ko.

"Tara na po" sabi ko.

"Selena, wag mong sarilihin ang sakit" aniya at inayos ang bangs ko. "Hindi lang ikaw ang nasaktan sa nangyari, kami din. Alam kong mas nasaktan ka. Kaya kung iiyak ka, wag yung mag-isa ka lang sa kwarto. Dito ka sa kwarto namin ng Tito mo o sa mga pinsan mo para ma share natin ang sakit. Diba, sharing is caring?" aniya.

Nabigla ako dahil sa sinabi ni Tita, narinig pala niya... Simula kasi noong nawala si Mama, umiiyak ako tuwing gabi. Hindi ko namalayang lumuha na pala ako.

Kapatid nga talaga sila, ganiyan si mama noong umiiyak ako nang patago dahil sa school works. Sabi niya sa kaniyang shoulders daw ako iiyak, kung iiyak man ako.

Sa tuwing umiiyak ako, paulit-ulit kong naalala ang mga araw na nandiyan si mama. Sa mga panahong ako ay masaya, malungkot—in short, sa lahat ng panahon simula bata pa ako... 18 years. Siya ang tumayo bilang ina at ama ko.

Ngayon na wala na siya, parang nawalan na rin ako ng pamilya... pero mayron pa sina Tita kaya mag ch-cheer up ako kaunti!

Habang nasa kotse ay mabilis ang pintig ng puso ko.  Kinakabahan ako dahil bagong lugar ito, and it means na bagong mga tao. Mayroon pa naman akong Social Anxiety...

Huminto saglit ang kotse sa harap ng malaking black gate. Sa gitna nito, may nakalagay.

 Sa gitna nito, may nakalagay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1899... its been 100 years plus.

Nakapasok na kami sa Academy. Paglabas ko sa kotse ay mas namangha pa ako kesa kanina. Ang Academy ay mala palasyo.

Sabi ni Fiorie, hindi lang sa pangalan sosyal, sa Academics din. Ngayon, dadagdagan ko. Hindi lang sa pangalan at academics sosyal, sa architecture din! Naisip ko, baka sa uniforms din! Sana makikita rin to ni Mama...

Headmister of Mond University

Iyon ang naka-ukit sa pinto na nasa harapan namin ni Tita. Kumatok si Tita sa pinto.

"Come in" boses ng lalaki ang narinig ko. Malalim ang boses nito.

Pagkabukas ng pinto ay nakita ko ang isang lalaking nasa mga 30 plus sa ang edad. Nakaupo siya sa swiveling chair, nagbabasa ng makapal na libro at nakasuot ng glasses. Nabigla ako dahil kulay abo ang mga mata niya, kagaya sa akin!

Pagkakita sa amin, sinara niya ang libro at itinabi ito. Napatingin siya sa amin, una kay Tita tapos sa akin.

"Please sit down" anito, hindi parin tinanggal ang titig sa akin. Hanggang sa pagkaupo, nakatitig parin kaya napayuko nalang ako.

       Atlas Demetrix Kaiser
Headmister of Mond University

Napatingin ako kay Tita nang siya ay nagsalita. "She is Selena Calamba. The one who will enroll to this University, Sir". Inilabas ni Tita ang mga documents na nasa loob ng envelope at ibinigay ito sa Sir. "The course she will enroll to is BS Psychology"

Napatingin ang Headmister kay Tita, nilipat sa akin, at binalik ang tingin sa documents. Kinakabahan ako. Hinawakan ni Tita ang aking mga kamay na nanginginig.

Pagkatapos niyang tingnan lahat ng documents, isinara niya ito at tumingin kay Tita.

"Can the guardian leave the student and headmister alone in the office?" tanong nito. Tumango naman si Tita at tumayo.

What? Lalabas si Tita!? P-paano naman ako? Well, I'm already 18 years old pero new environment to! Malay ko ba kung ano ang gagawin sakin dito.

Humawak si Tita sa shoulder ko. "Sa labas muna ako ha.." anito. Tumango nalang ako.

Nang nakalabas na si Tita, nagsalita ang Headmister ng Academy.

"Well, I can see that you had good grades" anito na nagpapakalma sa akin ng kaunti. "But can I ask, Selena?"

"Y-yes po Sir" sagot ko at tumingin sa kanya. Klarong klaro na kinakabahan!

"Do you like the color of your eyes?" tanong nito.

--

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost In Your WorldWhere stories live. Discover now