Jamaica.
"Ate Queen bilisan mo! Male-late na ako sa flight ko. It's already 6:00 pm you know? Ugh so slow"
Napatingin ako sa relo ko at napa-roll eyes.
Almost 2hours na si sisteret sa kwarto niya. My godness, ihahatid niya lang naman ako sa airport pero parang mas prepared pa siya sa akin.
Bumaba na ko at lumabas sa front door. Agad na bumati sa akin si Mang Ben na personal driver ni papa. Pumasok na lang ako sa kotse at hinintay na lumabas si ate Queen.
This is it! I'll be on Paris for 3 years . Alam kong masyadong matagal ang 3 years. Maho-Homesick ako at alam kong sadsad ang katawan at isip ko sa trabaho.
Si Mommy kasi eh. She knows that modelling is my passion pero ayun pinilit niya ko ipasok sa company.
Our company is divided into two. Resort and Hotel, and the other one is Cafe and Restaurant.
Si Mommy ang nakaisip ng idea ng Resort and Hotel kasi hilig niya sa mag-travel ,adventure pati na din yung nature.
Pero noong tumuntong ako ng walong taong gulang, nagustuhan ko na rin yung ganoong insterest.
Si Dad naman ang may idea sa Cafe and Restaurant. He loves food and to cook. At nagmana sa kanya si ate Queen.
"I'm done"
Sabi ni ate Queen pagpasok sa sasakyan at umupo sa driver seat.
Nakakairita palagi si ate pagdating sa Beauty preparedness. Holy Cow!
"Nakakairita ka ate Queen you know ? Paalis na ko ngayon pero humabol ka pa ng pampastress. Ugh! Pasalamat ka Gucci ang binigay mong bag"
"Ewan ko sa'yo sisteret. Wish ko lang sana pagbalik mo hindi.ka na maarte. Hahaha"
Napatingin lang ako kay ate Queen. Tama siya , sa aming dalawa ako ang maarte. Lagi niya kong pinapagalitan sa ugali ko at lagi naman ako naiinis sa pagiging mahigpit niya.
Pero kahit ganun, mahal na mahal ko pa rin si Ate Queen.
"Jam, mag-iingat ka palagi sa Paris okay? okay lang mag-boyfriend basta wag mong makakalimutan ang trabaho. Wag mong disappoint si Mommy ok? " Hinawi ni ate ang buhok ko at tinapik ang kanang balikat ko.
"I know ate Queen. Stop the drama , magdadrive na ako" pagtataray ko pero deep inside gusto kong tumigil siya sa pagdadrama kasi alam kong anytime pwedeng-pwede tumulo ang luha ko kasi ngayon lang ako mahihiwalay sa family ko.
Luckily, ako ang naassign sa Resort and Hotel na bubuksan namin sa Paris next week. Lumago at lumawak ang kumpanya kaya kailangan ng maghahandle but unluckily sa Europe ang destination ko at paggising ko milya-milya ang layo ko sa pamilya ko dito sa Pilipinas.
Tahimik lang ang byahe namin hanggang sa makalabas kami ng subdivision.
"Jam? Paano kapag hiningi na ni Ranz yung kamay ko kanila Mommy? You know, wedding, family."
Nagulat ako sa tanong ni Ate Queen pero nasa kalsada pa rin yung tingin ko at di ko yun pinahalata.
"Bakit? Nagpropose na ba siya?" Tumingin ako saglit kay ate Queen at napansin kong nakangiti siya.
"Nope. I don't know. Naisip ko lang. Sabi ko kasi kay Anya na maraming changes si Ranz. Super sweet at mas naging caring na si Ranz ngayon. Sabi niya baka ito na daw yung time na baka magpropose si Ranz sa akin. Ganun daw kasi yung mga boys kapag magpropose eh. Noong una hindi ko naman yun pinansin kasi wala pa sa isip ko yun e tsaka marami pa kaming pangarap ni Ranz pero..." biglang lumungkot yung boses ni ate "... naisip ko if ever nga na hingiin niya yung kamay ko, ready na ba ako?"
BINABASA MO ANG
Halik sa Hangin
RomanceAng ikli ng panahon na binigay sa amin Pag-ibig na para lang isang Halik sa Hangin Ako si Jamaica. Dahil sa isang aksidente, ang buhay ko, ang buhay ni ate , ang buhay ng pamilya ko at buhay ng pinakamamahal ko Ay magbabago Paano ko mabubuhay kas...